Archilochus
Archilochus |
---|
| Kapanganakan | 688 BCE (Huliyano)
|
---|
Kamatayan | 645 BCE
|
---|
Trabaho | makatà, manunulat |
---|
Si Archilochus, o Archilochos (Griyego: Ἀρχίλοχος) (c. 680 BCE – c. 645 BCE),[1] ay isang makata buhat sa pulo ng Paros noong panahong Arkaiko ng Gresya na ipinagdiriwang dahil sa kanyang pabagu-bago at paiba-ibang paggamit ng mga metrong pantula at bilang ang pinakamaagang nakikilang may-akdang Griyego na kumatha ng halos ang kabuuan ay ukol sa tema ng kanyang mga damdamin at mga karanasan.[2][3] Isinama siya ng mga dalubhasa ng Alexandria sa kanilang kanonikong talaan ng mga makatang iambiko, sa piling nina Semonides at Hipponax,[4] ngunit ibinibilang din siya ng sinaunang mga tagapagpaliwanag o mamumuna sa piling nina Tyrtaeus at Callinus bilang ang maaaring imbentor ng elehiya.[5] Subalit madalas siyang binibigyang katangian ng makabagong mga manunuri bilang payak na isang makatang liriko.[6] Bagaman ang kanyang mga akda ay umiiral na lamang sa ngayon bilang mga kaputol, ipinamimitagan at iginagalang siya ng sinaunang mga Griyego bilang isa sa kanilang pinakamaningning na may-akda, na nagkaroon ng kakayahan upang mabanggit na kapantay nina Homer at Hesiod,[7] kahit na pinipintasan siya ng mga ito bilang isang arketipal na makata ng paninisi o pagbibintang[8] — ang kanyang mga paniniphayo o pangungutya ay nasabi rin na nakapagtaboy sa kanyang dating kasintahang mapapangasawa sana at ang kanyang ama upang magkamit ng pagpapakamatay.
Mga sanggunian
- ↑ Habang ito ang pangkalahatang tinatanggap na mga petsa magmula kay Felix Jacoby, "The Date of Archilochus," Classical Quarterly 35 (1941) 97-109, may ilang mga dalubhasang hindi sumasang-ayon; halimbawa na si Robin Lane Fox, sa Travelling Heroes: Greeks and Their Myths in the Epic Age of Homer (London: Allen Lane, 2008, ISBN 978-0713999808), p. 388, na nagpetsa sa kanya bilang c. 740-680.
- ↑ J.P.Barron at P.E.Easterling, 'Elegy and Iambus', sa The Cambridge History of Classical Literature: Greek Literature, P.Easterling at B.Knox (mga patnugot), Cambridge University Press (1985), pahina 117
- ↑ David A. Campbell, Greek Lyric Poetry, Bristol Classical Press (1982), pahina 136.
- ↑ Sophie Mills, 'Archilochus', sa Encyclopaedia of Ancient Greece, Nigel Wilson (patnugot), Routledge (2006), pahina 76.
- ↑ Didymus ap. Orion, Et.Mag. p. 57, Scholiast ukol sa artikulong Birds 217, binanggit nina J.P.Barron at P.E.Easterling, 'Elegy and Iambus' sa The Cambridge History of Classical Literature: Greek Literature, mga patnugot: P. Easterling at B. Knox, Cambridge University Press (1985), n. 1 pahina 129.
- ↑ Rayor, Diane J, Sappho's Lyre: Archaic Lyric and Women Poets of Ancient Greece (Berkeley: University of California Press, 1991, ISBN 978-0-520-07336-4)
- ↑ J.P.Barron at P.E.Easterling, 'Elegy and Iambus', sa The Cambridge History of Classical Literature: Greek Literature, P.Easterling at B.Knox (mga patnugot), Cambridge University Press (1985), pahina 118.
- ↑ Christopher G. Brown, 'Introduction' to Douglas E. Gerber's A companion to the Greek Lyric Poets, Brill (1997), pahina 49.
|
|