Ang Asherah (/ˈæʃərə/; Ugaritiko: 𐎀𐎘𐎗𐎚 : 'ṯrt; Hebreo: אֲשֵׁרָה) sa mitolohiyang Semitiko ay isang diyosang ina na Semitiko na lumilitaw sa mga sinaunang sanggunian kabilang ang mga kasulatan ng Akkadian na tinatawag na Ashratum/Ashratu at sa mga kasulatang Hittite bilang Asherdu(s) o Ashertu(s) o Aserdu(s) o Asertu(s). Si Asherah ay pangkalahatang itinuturing ng mga iskolar na katumbas ng diyosa ng kulturang Ugarit na si Athirat (ʼAṯirat). Siya ay kinikilala bilang asawa o konsorte ng diyos ng Sumerya na si Anu o pinunong diyos ng Ugarit na si El na pinakamatandang mga diyos sa mga pantheon ng mga diyos nito. [1][2] Ang papel na ito ay nagbibigay sa kanya ng katulad na mataas na ranggo sa panteon ng mga diyos ng Ugarit.[3] Ang pangalang Allat (Elat, Ilat) sa Sanchuniathon ay maliwanag na nauugnay kay Asherah dahil ang parehong karaniwang epiteta sa Ingles na "the goddess par excellence" ay ginagamit upang ilarawan siya.[4] Ang Aklat ni Jeremias na isinulat noong ca. 628 BCE ay posibleng tumutukoy kay Asherah nang gamitin nito ang pamagat na "Reyna ng Kalangitan"(Hebreo: לִמְלֶכֶת הַשָּׁמַיִם) sa Jer 7:18 at Jer 44:17–19, 25.[5]
Sa Ugarit
Sa mga tekstong nahukay sa Ugarit na may petsang bago ang 1200 BCE, si Athirat ay palaging binibigyan ng buong pamagat na rbt ʼaṯrt ym, rabat ʼAṯirat yammi, 'Lady Athirat of the Sea' o bilang buong isinalin na 'She who treads on the sea', (Ugaritic : 𐎗𐎁𐎚 𐎀𐎘𐎗𐎚 𐎊𐎎 ) Ito ay nangyari ng 12 bese sa epiko ni Ba'al. [6] Ang pangalang ito ay nauunawaan ng iba't ibang mga tagasalin at skolar na mula sa ugat na Ugaritiko ʼaṯr 'stride' na kognato sa ugat na Hebreong ʼšr na may parehong kahulugan. Ang kanyang ibang pangunahing epithet na pangdiyos ang "qaniyatu ʾilhm" (Ugaritiko : 𐎖𐎐𐎊𐎚 𐎛𐎍𐎎 : qnyt ʾlm) na maaaring isalin bilang "ang kapwa manlilikha ng mga diyos(Elohim)".[6] Sa mga tekstong ito, si Athirat ang konsorte ng diyos na si El na pinuno ng mga pantheon ng diyos sa Ugarit. May isang reperensiya sa mga 70 anak na lalake ni Athirat na ipinagpapalagay na pareho sa 70 mga anak na lalake ni El. Siya ay maliwanag na itinatangi mula sa ʿAshtart (Astarte o Ashtoreth sa Bibliya) sa mga dokumentong Ugarit bagaman sa mga sangguniang hindi Ugarit, ang pagtatangi sa pagitain ng dalawang mga diyosang ito ay hindi malinaw. Ito ay marahil resulta ng pagkakamali ng skriba o sa pamamagitan ng posibleng sinkretismo. Sa anumang kaso, ang dalawang mga pangalan ay nagsisimula sa magkaibang konsonante sa mga wikang Semitiko; Athirat/Asherah (Ugaritic : 𐎀𐎘𐎗𐎚 : aṯrt) na may aleph o glottal stop konsonanteng א at`Ashtart/`Ashtoreth (Ugaritiko : 𐎓𐎘𐎚𐎗𐎚 : ʿṯtrt) na may `ayin o may boses na pharyngeal konsonanteng ע), na nagpapakita ng kawalan ng anumang kapani paniwalang koneksiyong etimolohikal sa pagitan ng dalawang mga pangalan. Si Asherah ay tinatawag ring Elat (Ugaritiko : 𐎛𐎍𐎚 : ilt) ("Diyosa", na pambabaeng anyo ng El; ihambing sa Allat) at Qodesh 'Kabanalan' (Ugaritiko : 𐎖𐎄𐎌 : qdš). Ang Athirat sa mga tekstong Akkadian ay lumilitaw bilang Ashratum (Antu) na asawa ni Anu, ang diyos ng langit. Salungat dito, pinaniniwalaang ang Ashtart ay nauugnay sa diyosang babilonian na si Ishtar na minsang inilalarawan bilang anak ni Anu samantalang a mitong Ugaritiko, si Ashtart ang isa sa mga anak ni El. Sa mga Hittite, ang diyosang ito ay lumilitaw bilang Asherdu(s) o Asertu(s), na konsorte ni Elkunirsa (mula sa pamagat na Ugaritiko na, El-qan-arsha : "El ang manlilikha ng daigdig") at ina ng 77 o 88 mga anak na lalake. Sa mga [[liham na Amarna], ang isang hari ng mga Amoreo ay pinangalanang Abdi-Ashirta, "Lingkod ni Asherah".[7]
Sa Israel
Ang mga skolar ay naniniwala na sa pagitan ng 1000 BCE at sa simula ng pagkakatapon sa Babilonia ng mga Israelita noong 586 BCE, ang politeismo ay normal at karaniwan sa buong Israel. Sa pagkakatapon lamang na ang pagsamba "lamang" kay Yahweh ay naitatag at posibleng sa kalaunang panahon sa panahon ng mga Macabeo(ca. 200 BCE) nang ang monoteismo ay naging unibersal sa mga Hudyo.[8][9] Ang karamihan ng mga skolar ng bibliya ay tumatanggap na si Asherah ay sinamba ng mga sinaunang Israelita bilang asawa o konsorte ni Yahweh.[8] Ito ay pinatutunayan ng mga ebidensiyang arkeolohikal na nahukay at karaniwan sa buong Israel sa panahon bago ang pagkakatapon sa Babilonia ng mga Israelita noong ika-6 siglo BCE. [10] Ang isang artipakto ay nagpapakita ng tatlong mga pigurang antromorpiko na tumutukoy kay "Yahweh... at sa kanyang Asherah".[11][12] Ang mga ebidensiyang arkeolohikal na nahukay sa panahong ito ay kinabibilangan ng maraming mga babaeng pigurina na sumusuporta sa pananaw na si Asherah ay nagsilbi bilang diyosa at konsorte ni Yahweh at sinamba bilang "Reyna ng Kalangitan". [11]
Mga sanggunian
↑OCWM 2000, pp. 32. harv error: no target: CITEREFOCWM2000 (help)
↑Binger 1997, p. 74 harv error: no target: CITEREFBinger1997 (help)
↑Olyan, Saul M. (1988), Asherah and the cult of Yahweh in Israel, Scholars Press, p. 79, ISBN9781555402549{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Rainer, Albertz (2010), "Personal piety", sa Stavrakopoulou, Francesca; Barton, John (mga pat.), Religious Diversity in Ancient Israel and Judah (ika-reprint (na) edisyon), Continuum International Publishing Group, pp. 135–146 (at 143), ISBN9780567032164{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑ 6.06.1Gibson, J C L; Driver, G R (1978), Canaanite myths and legends, T. & T. Clark, ISBN9780567023513{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Noted by Raphael Patai, "The Goddess Asherah", Journal of Near Eastern Studies24.1/2 (1965:37–52) p. 39.
↑Sipi ng pagbanggit na nagmula sa dokumentaryo ng BBC: "Between the 10th century and the beginning of their exile in 586 there was polytheism as normal religion all throughout Israel; only afterwards things begin to change and very slowly they begin to change. I would say it [the sentence "Jews were monotheists" - n.n.] is only correct for the last centuries, maybe only from the period of the Maccabees, that means the second century BC, so in the time of Jesus of Nazareth it is true, but for the time before it, it is not true."