Nasa 430 km² (166 milya kuadrado) ang sukat nito, at kapatagan ang karamihang bahagi, kasama ang ilang mga matataas na bahagi sa interyor ng pulo. Matatagpuan ito sa 13º hilaga ng Ekwador at 59º kanluran ng Prime Meridian, mga 434.5 km (270 milya) hilaga-silangan ng Venezuela.
Namamayani ang mga coral at batong-apog (limestone) sa Barbados. Isang tropikal na may hindi nagbabagong mga nagpapalitang-hangin at may mga ilang basa at malambot na mga lupa (marsh) at mga latian ng bakawan. Mayroon din mga lupain ng mga tubo at naglalakihang mga pastulan sa ilang bahagi ng interyor ng pulo na may magandang pagkatanaw sa dagat.
Isa ang Barbados sa may pinakamataas na mga pamantayan sa kabuhayan at antas ng karunungan sa pagbasa at pagsulat at sang-ayon sa UNDP ng Mga Nagkakaisang Bansa, ang kasalukuyang nasa una sa talaan ng sumusulong bansa sa daigdig. Pangunahing destinasyon ng mga turista ang pulo.
↑"Barbados". 29 Agosto 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Oktubre 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (fco.gov.uk), updated 5 June 2006.