Si CommodoreJosaia Voreqe Bainimarama, CF, MSD, OStJ, Fijian Navy, mas kilala bilang Frank Bainimarama at minsan sa taguring Ratu[1] (ipinanganak 27 Abril, 1954), ay isang opisyal ng hukbong pandagat at politiko sa Pidyi. Siya ang komander ng Hukbong Sandatahan ng Pidyi at, simula noong 5 Enero 2007, ang pansamantalang Punong Ministro. Habang nagsisilbi bilang Punong Ministro, pansamantala rin niyang hinawakan ang ilang posisyong ministeryo: Kaalaman, Panloob na usapin, Pandarayuhan,[2] Serbisyo Publiko, Usaping Pangkatutubo at Multi-Etniko,[3] Pananalapi,[4] at Ugnayang Panlabas.[5]
Mga sanggunian
↑Herald on Sunday, Phil Taylor, Peaceful island village belies turmoil of national politics, 2006-12-10, page 20 (interview with Bainimarama's brother).