Ang Gitnang Luzon (Kapampangan: Kalibudtarang Luzon, Pangasinan: Pegley na Luzon, Ilokano: Tengnga a Luzon, Ingles: Central Luzon), itinalagang Rehiyong III, ay isang administratibong rehiyon sa Pilipinas, pangunahing naglilingkod upang ibuo ang pitong mga lalawigan ng malawak na gitnang mga kapatagan ng pulo ng Luzon (ang pinakamalaking pulo), para sa layuning pampangasiwaan. Taglay ng rehiyon ang pinakamalaking kapatagan sa bansa at gumagawa ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa, kaya binansagan itong "Bangan ng Bigas ng Pilipinas" ("Rice Granary of the Philippines").[1] Ang mga lalawigang bumubuo rito ay: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.[5]
Etimolohiya
Ang kasalukuyang pangalan ng rehiyon tumutukoy sa lokasyon nito sa malaking pulo ng Luzon. Nagmula ang termino sa mga Amerikanong mananakop kasunod ng pagkatalo ng Unang Republika ng Pilipinas. May mga panukala para palitan sa "rehiyon ng Luzones" ang pangalan ng rehiyon. Ang ipinapanukalang pangalan ay isang pagtukoy sa dating pangalan ng pulo ng Luzon – Luções – na ginamit paglaon upang matukoy sa gitnang lugar ng pulo na umaabot mula Pagasinan sa hilaga hanggang Pampanga sa timog. Ang salitang Luções ay literal na nagngangahulugang Luzones.[6][7]
Ang Gitnang Luzon ay nag-aani ng pinakamaraming bigas sa buong bansa. Inihahatid at iniluluwas ang labis na bigas sa ibang mga rehiyon ng Pilipinas.
Ang lungsod ng San Fernando, na panlalawigang kabisera ng Pampanga, ay itinalagang sentro panrehiyon. Inilipat ang lalawigan ng Aurora sa rehiyon mula sa Rehiyong IV sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103 noong Mayo 2002.[10]
Kapampangan, sinasalita sa kabuoan ng Pampanga at katimugang Tarlac, gayon din sa timog-silangang Zambales, hilagang-silangang Bataan, kanlurang Bulacan, at timog-kanlurang Nueva Ecija.
Pangasinan, sinaslita sa hilagang Tarlac, hilagang-silangang Zambales, at hilagang-kanlurang Nueva Ecija.
Tagalog, sinasalita sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Bataan, and Zambales. Ito ang rehiyonal na lingua franca.
Iloko, sinasalita sa hilagang Nueva Ecija at sa ilang bahagi ng Tarlac, Zambales, at Aurora.
Sambal, ginagamit ng karamihan sa Zambales at sa ilang nakakalat na mga pook sa Bataan at Pampanga.
Relihiyon
Walumpu't porsyento ng populasyon ng Gitnang Luzon ay Katoliko. Ang iba pang mga relihiyon na kumakatawan ay mga Protestante (kasama ang mga Evangelical), Islam, Iglesia Ni Cristo, at katutubong mga relihiyon tulad ng Anitismo. Mayroon din ibang mga denominasyon tulad ng Jesus Is Lord, Pentecostal Missionary Church of Christ, Ang Dating Daan, Jesus Miracle Crusade, Nagkakaisang Metodistang Simbahan at iba pa.
Mga pagkakahating administratibo
Ang Gitnang Luzon ay binubuo ng 7 mga lalawigan, 2 mataas na urbanisadongmga lungsod, 12 nakapaloob na mga lungsod, 116 mga bayan, at 3,102 mga barangay.[13]
† Ang Angeles at Olongapo ay mga matataas na urbanisadong lungsod; hiwalay ang mga pigura sa mga lalawigan ng Pampanga at Zambales.
Mga Lungsod
May labing-apat na mga lungsod ang rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang San Jose del Monte ay may pinakamaraming populasyon habang pinakamatao naman ang Angeles. Batay sa lawak ng lupa ang Lungsod ng Tarlac ay ang pinakamalaki sa rehiyon.
↑"List of Regions". National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 13, 2008. Nakuha noong Enero 9, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)