Ang Herusalem ay isang lungsod sa Gitnang Silangan, na matatagpuan sa talampas ng bulubundukin ng Hudea, sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Patay. Isa ito sa pinakamatandang lungsod sa buong mundo, at itinuturing banal ayon sa tatlong pangunahing relihiyong Abraamiko—Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Parehong inaangkin ng Israel at ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang kabisera. Lahat ng punong tanggapan ng bansang Israel ay nasa lungsod, samantalang nakikita ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang luklukan ng kapangyarihan ng kanilang pamahalaan. Ngunit, hindi kinikilala ang pahayag ng dalawang bansa ukol sa lungsod ng iba pang mga bansa.[9]
Ang Sinaunang Herusalem ay ang pinakamahalagang lungsod sa loob ng Sinaunang Israel. Sa kapanahunan ng Bibliya, ito ang kapital o kabisera at pook na pinagtayuan ng templo ng Diyos. Tinatawag din ang Sinaunang Herusalem bilang Jebus o Hebus[10], Zion o Sion, Lungsod ni David, at Lungsod ng Diyos.[11] Katulad din ng dahilan pagkakaroon ng iba't ibang pangalan ng marami pang ibang mga makabagong lungsod sa kasalukuyan ang dahilan kung bakit marami ring naging pangalan ang Sinaunang Herusalem. Nagmula ang mga tawag dito buhat sa iba't ibang mga kapanahunan sa kasaysayan, partikular na mga katangian ng lungsod, o mga pangyayari sa lungsod. Noong Panahon ng mga Hukom, tinawag na Jebus o Hebus ang lungsod ng Herusalem dahil nasa ilalim ito ng kapangyarihan ng mga Jebuseo (o Hebuseo; mga Jebusite sa Ingles). Kaugnay ng katawagang Sion o Zion, dating isa lamang itong pangalan ng isang tagaytay o gulod na malapit sa Lambak ng Kidron ng Herusalem, ngunit lumaong naging kasingkahulugan na ng buong Lungsod ng Herusalem. Naging bantog ang bansag na Lungsod ni David noong panahon ni Haring David at maging pagkaraan ng kapanahunan ng paghahari niya.[10] Sa Bibliya, tinatawag din ang Sinaunang Herusalem bilang Lungsod na Mahal.[12]
Administrasyong munisipal
Ang panlungsod na konseho ng Herusalem ay binubuo ng 31 binotong mga kasapi at pinamumunuan ng alkalde, na naglilingkod ng limang taon at nagtatalaga ng walong kinatawan. Ang mga kasapi sa panlungsod na konseho ay boluntaryo ang pagtatrabaho at walang natatanggap na suweldo. Ang pinakamatagal na namuno bilang alkalde ng Herusalem ay si Teddy Kollek, na namuno ng 28 taon (anim na magkakasunod na termino).
Kabuluhang panrelihiyon
Ang Herusalem ay sagrado sa Hudaismo sa loob ng 3,000 taon, sa Kristiyanismo ng 2,000 taon, at sa Islam ng 1,400 taon.
Mga sanggunian
↑2003 Amended Basic Law. Saligang Batas ng Palestina. Hinango noong ika-9 ng Disyembre, 2012.
↑"Jerusalem Non-Paper"(PDF). PLO-NAD. Hunyo 2010. Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong 6 Pebrero 2012. Nakuha noong 25 Hulyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑"Statements and Speeches". nad-plo.org. p. 2. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Abril 2016. Nakuha noong 25 Nobyembre 2014. This paper is for discussion purposes only. Nothing is agreed until everything is agreed.
Palestinian vision for Jerusalem ... Pursuant to our vision, East Jerusalem, as defined by its pre-1967 occupation municipal borders, shall be the capital of Palestine, and West Jerusalem shall be the capital of Israel, with each state enjoying full sovereignty over its respective part of the city.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑"East Jerusalem today – Palestine's Capital: The 1967 border in Jerusalem and Israel's illegal policies on the ground"(PDF). PLO-Negotiations Affairs Department (NAD). Agosto 2013. Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 25 Nobyembre 2014. ... Palestine's capital, East Jerusalem ... The Palestinian acceptance of the 1967 border, which includes East Jerusalem, is a painful compromise: ... Jerusalem has always been and remains the political, administrative and spiritual heart of Palestine. Occupied East Jerusalem is the natural socio-economic and political center for the future Palestinian state.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑"Facts and Figures". jerusalem.muni.il. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2016. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Sub-national HDI. "Area Database". hdi.globaldatalab.org (sa wikang Ingles). Global Data Lab.
↑ 10.010.1"Why are there so many names for Jerusalem – Jebus, Zion, City of David?". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 54.
↑The Committee on Bible Translation (1984). "Jerusalem'". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B5.
↑Abriol, Jose C. (2000). "Lun(g)sod na mahal". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), paliwanag sa pahina 1812 kaugnay ng Pahayag 20: 9.
Tala
↑Ang Estado ng Palestina (ayon sa Saligang Batas ng Palestina, Titulo Uno: Artikulo 3) ay itinuturing ang Herusalem bilang kabisera.[1] But the documents of the PLO's Negotiations Affairs Department (NAD) often refer to East Jerusalem (rather than the whole of Jerusalem) as a future capital, and sometimes as the current capital. One of its 2010 documents, described as "for discussion purposes only", says that Palestine has a '"vision"' for a future in which "East Jerusalem ... shall be the capital of Palestine, and West Jerusalem shall be the capital of Israel",[2][3] and one of its 2013 documents refers to "Palestine's capital, East Jerusalem", and states that "Occupied East Jerusalem is the natural socio-economic and political center for the future Palestinian state", while also stating that "Jerusalem has always been and remains the political, administrative and spiritual heart of Palestine" and that "The Palestinian acceptance of the 1967 border, which includes East Jerusalem, is a painful compromise".[4]