Share to: share facebook share twitter share wa share telegram print page

Hokkien

Hokkien
Quanzhang, Fukien, Fookien
福建话/閩南語(泉漳片)
Hō-ló-oē/Hô-ló-uē
Katutubo saTsina, Taiwan, Hong Kong, Pilipinas, Kambodya, Malaysia, Indonesya, Singgapura, Brunei, Taylandya, Estados Unidos, at iba pang lugar na pinanirhan ng Hoklo
Rehiyonkatimugan ng lalawigan ng Fujian at iba pang timog-silangang dalampasigang lugar ng Tsina, Taiwan, Timog-Silangang Asya
Pangkat-etnikoHoklo (Isang pangkat ng Tsinong Han)
Mga diyalekto
Opisyal na katayuan
Wala (Isa sa mga wikang estatuaryo (ayon sa batas) para sa mga paalalang pampublikong sakayan ng Republika ng Tsina[1])
Pinapamahalaan ngWala
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3
Glottologhokk1242
fuki1235
Pagkakakalat-kalat mga wikain ng Min Nan. Naka-mariing luntian ang Hokkien.
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.
Hokkien
Tradisyunal na Tsino福建話
Pinapayak na Tsino福建话
Alternatibong pangalang Tsino
Tradisyunal na Tsino福佬話
Pinapayak na Tsino福佬话

Ang Hokkien /hɒˈkiɛn/ (Tsinong tradisyonal: 福建話; Tsinong pinapayak: 福建话; pinyin: Fújiànhuà; Pe̍h-ōe-jī: Hok-kiàn oē) o Quanzhang (Quanzhou–Zhangzhou / Chinchew–Changchew; BP: Zuánziū–Ziāngziū) ay isang pangkat ng mga mutwal na intelihibleng wikain ng Min Nan na ginagamit sa Taiwan, Timog-Silangang Asya, at sa ibang lugar na pinaninirhan ng mga Tsinong inmigrante at ng mga kaapu-apuhan nila. Nagmula ang Hokkien mula sa wikain ng timog silangan ng Fujian. Baga ma't malapit man ito sa Wikang Teochew, ngunit lubhang mahirap ang mutwal na pagkakaunawaan, at medyo kahawig nito ang Hainanes. Bukod sa mismong Hokkien, mayroon pang mga wikain ang Min sa Fujian na hindi mutwal na intelihible sa Hokkien.

Mga Pangalan

Ang katagang Hokkien (福建; hɔk˥˥kɪɛn˨˩) ay mismong terminong hindi ginagamit sa Tsino upang bigyang-tukoy ang diyalekto, sapagka't ang Lalawigan ng Fujian ang literal na kahulugan nito, at ginagamit ang katagang ito sa Timog-Silangang upang bigyang-tukoy nga ang mga wikain ng Min Nan. Sa Aghamwikang Tsino, batid ang mga wikaing ito sa kanilang pagkakahanay sa ilalim ng Dibisyong Quanzhang (Tsino: 泉漳片; pinyin: Quánzhāng piàn) ng Min Nan, na nanggaling mula sa mga unang karakter ng Quanzhou at Zhangzhou, dalawang pangunahing lungsod ng Hokkien. Batid din ang naturang baryante sa iba pang mga kataga katulad ng Min Nan (Tsinong tradisyonal: 閩南語, 閩南話; Tsinong pinapayak: 闽南语, 闽南话; pinyin: Mǐnnányǔ, Mǐnnánhuà; Pe̍h-ōe-jī: Bân-lâm-gí, Bân-lâm-oē) o Timog Min, at Fulaohua (Tsinong tradisyonal: 福佬話; Tsinong pinapayak: 福佬话; pinyin: Fúlǎohuà; Pe̍h-ōe-jī: Hō-ló-oē).

Pagkakahanay

Tahanang ang Timog ng Fujian sa tatlong pangunahing wikain ng Hokkien. Batid sila ayon sa kinalalagyang pangheograpiko kung saan sila natugma (nakatala mula hilaga patimog):

Dahil pangunahing lungsod ang Xiamen (Amoy) sa Timog Fujian, itinuturing ang Wikang Amoy na pinakamahalaga, at maging isang prestihiyong wikain, ng Hokkien. Iyon ang bukod-tanging baryante ng mga wikaing Quanzhou at Zhangzhou. Nagkaroon ito ng maimpluwensyang papel sa kasaysayan, lalo na sa mga ugnayang ng mga kanluraning bansa sa Tsina, at isa sa mga higit na madalas na natututunan sa lahat ng mga baryanteng Tsino ng mga taga Kanluran noong ikalawang kalahati ng ika-19 siglo at maagang bahagi ng ika-20 siglo.

Ang mga baryante ng Hokkien na ginagamit sa Taiwan ay pareho lamang sa tatlong baryante ng Fujian, at bilang isa ay batid din bilang Taiwanes. Ginagamit ang Taiwanes ng karamihan sa populasyon doon, at nagdadala ng higit na kahalagahan mula sa perspektibong pang-sosyo-politika, na bumubuong ikalawang (at malamang ang pinaka-signipikante ngayon) pangunahing saligan ng wika dahil sa kasikatan ni sa media ng Taiwan.

Pagsusulat

May ilang sistema para isulat ang wikang Hokkien: mga logogramang may kasamang mga Bopomofo, mga logogramang may kasamang mga Katakana, mga logograma, mga logogramang may kasamang mga letrang Romano, at ilang sistemang ginagamit ang mga letrang Romano lamang: Pe̍h-ōe-jī (POJ), Bbánlám pìngyīm, Daighi tongiong pingim, Modernong Literal na Taywanes (MLT), Phofsit Daibuun, Tâi-uân Lô-má-jī Phing-im Hong-àn, at Taywang Lengguwaheng Ponetikong Alpabeto (TLPA). Mayroong hindi mababa sa 11 metodong pagsusulat ang wikang Hokkien.

Wikipedia
Wikipedia
Edisyon ng Wikipedia sa Hokkien


Sanggunian

  1. 大眾運輸工具播音語言平等保障法 - 维基文库,自由的图书馆 (sa wikang Tsino). Zh.wikisource.org. Nakuha noong 2010-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing Panlabas

WikaTsinaTaiwan Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika, Tsina at Taiwan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Kembali kehalaman sebelumnya