Ang ika-17 dantaon ay isang siglo na nagsimula noong Enero 1, 1601, hanggang natapos ito noong Disyembre 31, 1700. Pumapatak ito sa Maagang Makabagong panahon sa Europa at sa kontinente na iyon (na tumataas ang impluwensiya nito sa mundo) ay nakikilala sa kilusang pangkalinangan na Baroque, ang huling bahagi ng Ginintuang Panahon ng Kastila, ang Ginintuang Panahon ng Olanda, ang Pranses na Grand Siècle na namayani si Louis XIV, ang Rebolusyong Agham, ang kauna-unahang publikong kompanya sa mundo at megakorporasyon na kilalab bilang Dutch East India Company, at sang-ayon sa ilang dalubhasa sa kasaysayan, ang Pangkalahatang Krisis. Ang pinakamalaking labanang militar ay ang Tatlumpung Taong Digmaan,[1] ang Malaking Digmaang Turko, Digmaang Mughal–Safavid(Digmaang Mughal–Safavid (1622–23)]], Digmaang Mughal–Safavid (1649–53)]]), Digmaang Mughal-Maratha, at ang Digmaang Olandes-Portuges. Sa panahon din ito ang masugid na nagsimula ang Europeong pananakop ng Kaamerikahan, kabilang pagsasamantala ng mga depositong pilak, na nagdulot sa mga paglaban sa inplasyon habang papunta ang kayamanan sa Europa.[2]
Marso 14: Labanan sa Leghorn: Tinalo ng isang Olandes na armada ang isang Ingles; ang kumander na Olandes na si Johan van Galen, ay namatay dahil sa kanyang mga natamong sugat.
Agosto 8-Agosto 10: Labanan ng Scheveningen: Ang huling labanang pandagat ng Unang Digmaang Anglo-Olandes ay pinaglabanan sa labas ng Texel; nakuha ng hukbong-dagat na Ingles ang isang taktikong tagumpay sa armadang Olandes.
Nobyembre: Iniwan ni John Casor ang sakahan ni Anthony Johnson, pagkatapos angkinin ang kanyang kontrata ng kasunduan na paso na.
Si Frederick William, ang Tagahalal ng Brandenburg, ay muling kinumpirma ang kalayaan sa mga maharlika mula sa pagbubuwis at ang kanilang walang limitasyong kontrol sa mga pisante.
Kapanganakan
Enero 13 - Philipp Jakob Spener, Alemang teologo (namatay 1705).
↑"The Thirty-Years-War" (sa wikang Ingles). Western New England College. Inarkibo mula sa orihinal noong 1999-10-09. Nakuha noong 2008-05-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)