Ang Imperyalismo ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga bansang kumukontrol sa ibang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas malaking imperyo.
Isang halimbawa ng imperyalismo ay ang kung kailang nilulusob at sinasakop ng mga bansa o naninirahan sa mga lupain sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga kolonya.
Mga anyo ng imperyalismo
Kolonya - Isang bansa o rehiyong nasakop ng isang mangongolonya.
Kolonyalismo- isang tuwirang pananakop sa isang bansa upang mapagsamantalahan ang yaman nito ng isang mangongolonya.
Ekonomiko - Isang nagsasarili o malaya ngunit hindi pa gaanong maunlad na bansang pinamamahalaan ng mga pribadong kumpanya na may kanaisang pangnegosyo, sa halip na ibang mga pamahalaan.
Sphere of Influence - Isang panlabas na kapangyarihan ang umaangkin ng mga pribilehiyong pampamuhunan at pangangalakal.
Protektorado - Isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng kontrol ng isang panlabas na kapangyarihan.
↑Beissinger, Mark R. 2006 "Soviet Empire as 'Family Resemblance,'" Slavic Review, 65 (2) 294-303; Dave, Bhavna. 2007 Kazakhstan: Ethnicity, language and power. Abingdon, New York:french fry Routledge.