Ang Republika ng Irak ay isang bansa sa timog-kanlurang Asya na sinasakop ang sinaunang rehiyon ng Mesopotamia sa pinagsasaniban ng mga ilog Tigris at Euphrates pati na rin ang timog Kurdistan. Hinahanggan ito ng Kuwait at Saudi Arabia sa timog, Jordan sa kanluran, Syria sa hilagang-kanluran, Turkey sa hilaga, at Iran (Lalawigan ng Kurdistan) sa silangan. May makitid itong seksiyon ng baybayin sa Umm Qasr sa Golpong Persiko.
↑Ang Arabic at Kurdish ang mga opisyal na wika ng pamahalaang Iraqi. Ayon sa Artikulo 4, Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng Iraq, ang mga Wikang Assyrian (Syriac) (isang diyalekto ng Arameo) at Iraqi Turkmen (isang diyalekto ng Timog Aseri) ay opisyal sa mga pook kung saan mas marami ang bilang ng tagapagsalita nito.