35°40′30.6″N 139°44′41.8″E / 35.675167°N 139.744944°E / 35.675167; 139.744944
Ang Kapulungan ng mga Kinatawan (衆議院, Shūgiin) ang mababang kapulungan ng Pambansang Diet ng Hapon. Ang Kapulungan ng mga Konsehal ang mataas na kapulungan ng hapon. Ang Kapulungan ng mag Kinatawan ay binubuo ng 480 kasapi na inihahalal para sa isang terminong apat na taon. Sa mga ito, ang 180 kasapi ay nahahalal mula sa 11 maraming mga kasaping konstituensiya ng isang sistemang pagkakatawang proporsiyonal na party list at ang 300 ay nahahalal mula sa isang kasaping mga konstituensiya. Ang 241 silya ay kailangan upang bumuo ng mayoridad.
Ang kabuuang sistema ng pagbotong ginagamit upang ihalal ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay isang parallel na pagboto na hindi anyo ng pagkakatawang proporsiyonal. Sa ilalim ng sistemang parallel, ang pagtatalaga ng talaan ng mga silya ay hindi nagsasaalang alang ng kalalaban ng isang silyang mga konstituensiya. Kaya ang kabuuong pagtatalaga ng mga silya sa Kapulungan ng mga Kinatawan ay hindi proporsiyonal sa kalamangan ng mas malaking mga partido. Salungat dito, sa mga katawan gaya ng Bundestag ng Alemanya, ang paghalal ng mga kasapi ng isang silya at mga kasapi ng party list ay nauugnay kaya ang kabuuang resulta ay rumirispeto sa pagkakatawang proporsiyonal. Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ang mas makapangyarihan sa dalawang mga kapulungan ng Hapon na makakapanaig sa mga veto sa mga panukalang batas na itinakda ng Kapulungan ng mga Konsehal sa isang ikalawang-tatlong mayoridad. Ito ay maaaring buwagin ng Punong Ministro ng Hapon sa kanyang kagustuhan gaya ng ginawa ni Taro Aso noong Hulyo 21, 2009.