Ang Mbabane ( //;[1] Swazi: ÉMbábáne, IPA: [ɛ́ᵐbʱáɓánɛ]) ay ang kabisera ng Eswatini. May isang tinatayang populasyon na 94,874 (2010), matatagpuan ito sa Ilog Mbabane at mga sanga nito, ang Ilog Polinjane sa mga Bulubundukin ng Mdzimba. Matatagpuan ito sa Rehiyon ng Hhohho, na kabisera din ito. Ang katamtamang elebasyon ng lungsod ay 1243 metro. Ito ay nasa daang MR3.
Kasaysayan
Lumaki ang bayan pagkatapos lumipat ang sentrong administratibo nito mula Bremersdorp (tinatawag ngayong Manzini) noong 1902.[2] Kinuha ang pangalan mula sa isang Pinuno, si Mbabane Kunene, na nanirahan noong dumating ang mga nanirahang Briton.
Noong mga panahon pagkatapos maging malaya, may mga itinayong gusaling pampamahalaan tulad ng Konsuladong Briton sa Mbabane. Natamo ang kalaunang paglago sa pamamagitan ng industriya ng turismo sa Eswatini, na Mbabane ang naging sentro. Tahanan ngayon ang Mbabane sa maraming otel at pook libangan tulad ng mga klab at mga kursonng pang-golp na pinangangalagaan ang mga turista.[3][4]
Mga sanggunian