Ang Kaharian ng Herusalem na itinatag noong 1099 at tumaggal hanggang 1291 nang ang siyudad ng Acre ay bumagsak. Mayroon ring maraming mga basalyo ng Kaharian ng Herusalem na ang apat na pangunahing mga pampanginoon (seigneuries):
Noong Ikatlong Krusada, itinatag ng mga nagkrusada ang Kaharian ng Cyrpus. Sinakop ni Richard pusongleon ang Cyprus sa kanyang pagtungo sa Banal na Lupain. Kanyang kalaunang ibinenta ang isla sa mga Kabalyerong Templar na hindi nagawang panatilihin ang paghawak dahil sa kawalan ng mapagkukunan at mapanagpang na saloobin tungo sa lokal na populasyon na humantong sa sunod sunod na mga paghihimagsik. Ang mga Templar ay bumalik sa isla kay Richard na muling ibinenta ito sa natanggal na Hari ng Herusalem na si Guy ng Lusignan noong 1192. Nagtatag si Guy ng isang dinastiya na tumagal hanggang 1489 nang ang balo ni Haring Santiago III ang Bastardo, na si Reyna Catherine Conrano na katutubo ng Venice ay isinuko ang kanyang trono para sa Republiko ng Venice na nagdagdag sa teritoryo nito ang isla. [2] Sa karamihan ng kasaysayan nito sa ilalim ng mga haring Lusignan, ang Cyprus ay isang masaganang Kahariang Mediebal na isang pangkalakalang hub ng Kanluraning sangkakristiyanuhan sa Gitnang Silangan.[3] Ang pagbagsak ng Kaharian ng nagsimula nang ito ay masangkot sa alitan sa pagitan Italyanong Mangangalakal na Republika ng Genoa at Vencie. Ang pamumunong Venetian ng Cyprus ay tumagal ng higit sa 80 taon hanggang 1571 nang sakupin ng Imperyong Ottoman sa ilalim ni Sultan Selim II Sarkhosh ang buong isla.
Sa paghahati ng mga lupain ng Terra Mariana sa pagitan ng orden na nagkrusada ng Livonian Brothers of the Sword at Simbahang Katoliki, ang limang mga prinsipalidad ay nalikha:
Sa rehiyong Prusyano, hinati ni William ng Modena ang mga lupain sa pagitan ng mga Kabalyerong Teutoniko at Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng paglikha ng 5 na prinsiper- Bishopric sa ilalim ng Archbishopric ng Riga: