Ang mga wikang Selta ay ang mag-anak ng wika na nasa loob ng mga wikang Indo-Europeo. Mayroong anim na mga wikang Seltiko na sinasalita pa rin sa mundo sa kasalukuyan, na winiwika sa hilaga-kanlurang Europa. Nahahati sila sa dalawang mga pangkat, ang mga wikang Goideliko (o Gaeliko) at ang Britoniko (o Britaniko) na nakikilala sa Ingles bilang Brythonic.
Ang tatlong mga wikang Goideliko na sinasalita pa rin ay ang wikang Irlandes, wikang Gaelikong Eskoses, at ang wikang Manes. Ang Eskoses o Scottish ang pangunahing wika na sinasalita sa mga bahagi ng hilaga-kanlurang Eskosya at ang Irlandes ang pangunahing wikang sinasalita sa Gaeltacht sa Irlanda. Ang Manx ay pangunahing sinasalita lamang ng mga tao na nagbibigay ng pansin sa wikang ito.
Ang tatlong Britonikong mga wika ay ang wikang Gales, wikang Korniko (Cornish), at ang wikang Breton. Sa mga ito, ang Korniko ang naging hindi na umiiral noong ika-18 daantaon subalit nagsimulang wikain ulit ito ng mga tao sa kasalukuyan. Ang Welsh ay sinasalita saan man sa Gales, subalit gumaganap na pangunahing unang wika ng mga tao na nasa kanlurang bahagi ng Wales, doon sa pook na tinatawag ng ilang mga tao bilang Bro Gymraeg. Ang Breton ay pangunahing sinasalita sa kanlurang Bretanya. Ang Breton ay ang tanging wikang Seltiko na hindi pangunahing sinasalita sa Kapuluang Britaniko.
Ang Gaelikong Eskoses ay mayroong ding isang katutubong pamayanan ng mga tagapagsalita sa Canada kung saan dati itong sinasalita nang malawakan, at mayroong mga tagapagsalita ng Gales sa Patagonia, Arhentina.