Si Michel Am-Nondokro Djotodia ay isang politiko at pinunong militar na Gitnang Aprikano na nagpahayag ng sarili bilang Pangulo ng Republika ng Gitnang Aprika magmula noong 24 Marso 2013, kasunod ng paggupo kay at paglisan ni Pangulong François Bozizé.[1] Siya ang naging pinuno ng koalisyong rebelde na Séléka noong Rebelyon noong Disyembre 2012; kasunod ng isang kasunduang pangkapayapaan, naitalaga siya sa pamahalaan bilang Unang Deputadong Punong Ministro para sa Pambansang Pagtatanggol noong Pebrero 2013.
Talambuhay
Ipinanganak si Djotodia sa bayan ng Vakaga. Naglingkod siya bilang Konsul sa Nyala. na nasa lungsod ng Sudan. Naging pangulo siya ng Unyon ng Demokratikong mga Puwersa para sa Kaisahan at ng Patriyotikong Grupo ng Aksiyon para sa Liberasyon ng Republika ng Gitnang Aprika noong panahon ng Bush War.
Nanirahan si Djotodia na malayo sa Gitnang Aprika roon sa Cotonou, Benin habang nagaganap ang digmaan. Pagdaka ay nadakip siya at ang kaniyang tagapagsalitang Abakar Sabon ng mga puwersang Benineso noong Nobyembre 20, 2007 na walang paglilitis ayon sa utos ng pamahalaang Bozizé. Pinakawalan sila noong Pebrero 2008 pagkatapos na sumang-ayon na makilahok sa mga usapang pangkapayapaan ng pamahalaan ng Republika ng Gitnang Aprika.
Noong Disyembre 2012, si Djotodia ang naging susing pinuno sa koalisyong rebelde na Séléka nang magtagumpay ito sa mabilis na pagkuha ng kontrol ng isang malaking bahagi ng bansa. Habang nagaganap ang usapang pangkapayapaan noong Enero 2013, pumayag si Pangulong Bozizé na magtalaga ng isang punong ministro na nagmula sa oposisyon at sa pagsasanib ng mga rebelde sa loob ng pamahalaan. Kasunod ng mga negosasyon, isang pambansang pamahalaang nagkakaisa, na pinamunuan ni Pinong Ministro Nicolas Tiangaye, ang naitalaga noong 3 Pebrero; na binubuo ng mga tagapagtangkilik ni Bozizé, ng oposisyon, at ng mga rebelde. Natanggap ni Djotodia ang susing posisyon o pangunahing puwesto bilang Unang Deputadong Punong Ministro para sa Pambansang Pagtatanggol.[7]
Natastas ang kasunduang pangkapayapaan noong Marso 2013, nang muling magpatuloy ang Séléka sa pagsakop ng mga bayan, na pinararatangan si Bozizé bilang hindi nakakatupad sa kaniyang mga pangako. Pinigilian ng mga rebelde ang kanilang limang mga ministro, kabilang sina Djotodia, na magpunta sa Bangui. Ayon kay Djotodia hindi siya ang gumawa ng kapasyahang ito, bagkus ay ang mga sundalong rebelde ang gumawa ng pagpapasya.[8]
Mga talababa
Mga sanggunian