Inilunsad ng administrasyon ni Modi ang Balakot airstrike noing 2019 laban sa pinaghihinalaang kampo ng pagsasanay ng mga terorista galing Pakistan. Nabigo ang airstrike,[1][2] at ang pagkamatay ng anim na tauhan ng India sa friendly fire ay nahayag sa kalaunan, ngunit ang aksyon ay nagkaroon ng nasyonalistang apela.[3] Nanalo ang partido ni Modi sa 2019 pangkalahatang eleksyong sumunod. Sa ikalawang termino nito, binawi ng kanyang administrasyon ang espesyal na katayuan ng Jammu at Kashmir, isang bahaging pinangangasiwaan ng India ang pinagtatalunang rehiyon ng Kashmir,[4][5] at ipinakilala ang Citizenship Amendment Act, na nag-udyok sa malawakang mga protesta, at nag-udyok sa riot ng Delhi noong 2020 kung saan ang mga Muslim ay pinahirapan at pinatay ng mga mandurumog na Hindu, kung minsan ay may pakikipagsabwatan ng mga puwersa ng pulisya na kontrolado ng administrasyon ni Modi.[6][7][8] sometimes with the complicity of police forces controlled by the Modi administration.[9][10] Tatlong kontrobersyal na batas sa pagsasaka ang humantong sa mga sit-in ng mga magsasaka sa buong bansa, na kalaunan ay nagdulot ng kanilang pormal na pagpapawalang-bisa. Pinangasiwaan ni Modi ang pagtugon ng India sa pandemyang COVID-19, kung saan 4.7 milyong Indiyano ang namatay, ayon sa mga pagtatantya ng World Health Organization.[11][12] Noong pangkalahatang halalan ng 2024, nawala ang kabuuang mayorya ng partido ni Modi sa mababang kapulungan ng Parlamento at kinailangang bumuo ng pamahalaan sa pamamagitan ng koalisyon nito, ang National Democratic Alliance (NDA).[13][14]
↑Akhtar, Rais; Kirk, William, Jammu and Kashmir, State, India, Encyclopaedia Britannica, inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2015, nakuha noong 7 Agosto 2019{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (subscription required)