Ang Niger (bigkas: /nay·jer/) ay isang bansang walang pampang sa Kanlurang Aprika, ipinangalan sa Ilog Niger. Napapaligiran ito ng Nigeria at Benin sa timog, Mali sa kanluran, Algeria at Libya sa hilaga at Chad sa silangan. Sumasakop sa tinatayang 1,270,000 km2 ng kalupaan, ang pinakamalaking bansa sa Kanlurang Aprika, na 80 bahagdan nito ay binabalot ng disyerto ng Sahara. Ang kabiserang lungsod nito ay Niamey, na matatagpuan sa pinakadulong timog-kanlurang bahagi ng Niger.
Ayon sa ulat ng Multidimensional Poverty Index (MPI) ng UN noong 2023, ang Niger ay isa sa pinakamahihirap na bansa sa mundo.[2] Ang ilang bahagi ng bansa na hindi disyerto ay dumaranas ng pana-panahong tagtuyot at desertipikasyon. Nakatuon ang ekonomiya sa paligid ng subsistence agriculture, na may ilang agrikulturang pang-eksport sa hindi gaanong tuyo na timog, at ang pag-export ng mga hilaw na materyales, kabilang ang uranium ore. Nahaharap ito sa mga hamon sa pag-unlad dahil sa kanyang posisyong pagka-landlocked, disyertong kalupaan, mababang rito ng pagbabasa't pagsulat, insurhiyang jihadista, at sa pinakamataas na rito ng panganganak sa mundo dahil sa hindi paggamit ng birth control at ang resulta ng mabilis na paglaki ng populasyon.[3]
Mga sanggunian
↑ 1.01.11.21.3"Niger". International Monetary Fund. Nakuha noong 2008-10-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)