Ang Niherya (Ingles: Nigeria), opisyal na Republikang Pederal ng Niherya, ay bansang matatagpuan sa Kanlurang Aprika, sa pagitan ng Sahel sa hilaga at Golpo ng Guinea sa timog sa Karagatang Atlantiko. Sumasaklaw ito ng lawak na 923,769 km2 at may populasyong higit 230 milyon, at sa gayon ito ang pinakamataong bansa sa kontinente. Hinahangganan nito ang Niher sa hilaga, Kamerun sa silangan, Chad sa hilagang-silangan, at Benin sa kanluran. Ang kabisera nito ay Abuya habang ang pinakamalaking lungsod nito ay Lagos.
Dumami nang 57 milyon ang populasyon ng Nigeria mula 1990 hanggang 2008, isang 60% reyt ng paglago sa loob ng wala pa sa dalawang dekada.[7] Halos kalahati ng mga Niheryano ay 14 na taong gulang o pababa.[8] Ang Nigeria ay ang pinakamataong bansa sa Aprika at sumusuma sa mga 18% ng kabuuang populasyon ng kontinente; ngunit kung gaanong katao ay isang paksa ng mga haka-haka.[9]
Tinataya ng Mga Nagkakaisang Bansa (UN) na ang populasyon noong
2021 ay nasa
213,401,323
[10][11], na nakabahagi bilang 51.7% rural at 48.3% urbano, at may kasamang kapal ng populasyon na 167.5 katao kada kilometrong kuwadrado. Matagal nang pinagtatalunan ang mga resulta ng pambansang senso sa mga nakalipas na ilang dekada. Inilabas ang mga resulta ng pinakahuling senso ay noong Disyembre 2006 at nagbigay ng pambansang populasyon na 140,003,542 katao. Ang tanging makukuhang pagsusuri ay sa kasarian: 71,709,859 katao sa kalalakihan at 68,293,683 sa kababaihan. Noong Hunyo 2012, winika ni Pangulong Goodluck Jonathan na dapat limitahan ng mga Niheryano ang bilang ng mga anak nila.[12]
Ayon sa UN, nasa ilalim na ang Nigeria ng biglang paglago ng populasyon at may isa sa mga pinakamataas na reyt ng paglago at pagkamayabong o pertilidad sa mundo. Batay sa kanilang mga pagtataya para sa hinaharap, isa ang Nigeria sa mga bansang inaasahan na kolektibong magsusuma sa kalahati ng kabuuang paglago ng populasyon sa mundo sa pagitan ng 2005 at 2050.[13] Pagsapit ng taong 2100 tinataya ng UN na ang populasyon ng bansa ay nasa pagitan ng 505 milyon at 1.03 bilyong katao (panggitnang pagtataya: 730 milyon).[14] Malaking pagkakaiba ito sa naging populasyon ng bansa noong 1950, na 33 milyong katao.[15]
Isa sa apat na mga Aprikano ay isang Niheryano.[16] Sa kasalukuyan, pampitong pinakamataong bansa sa mundo ang Nigeria. Ayon sa mga pagtataya noong 2006, 42.3% ng populasyon ay nasa 0–14 taong gulang, habang 54.6% ay nasa 15-65 taong gulang; kapansin-pansin na mas-mataas ang reyt ng kapanganakan kaysa sa reyt ng pagkamatay, na nasa 40.4 (reyt ng kapanganakan) at 16.9 (reyt ng kamatayan) kada 1000 katao.[17]
Pinakamalaking lungsod sa Nigeria ang Lagos, na lumago sa tinatayang 15 milyong katao[18] mula sa mga 300,000 katao noong 1950[19]
↑McDonald, John F.; Daniel P. McMillen (2010). Urban Economics and Real Estate: Theory and Policy. Wiley Desktop Editions (ika-2 (na) edisyon). John Wiley & Sons. p. 9. ISBN978-0-470-59148-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)