Share to: share facebook share twitter share wa share telegram print page

Serzh Sargsyan

Si Serzh Sargsyan (Սերժ Սարգսյան).

Si Serzh Azati Sargsyan (ipinanganak noong Hunyo 30, 1954[1]) (Armenyano: Սերժ Ազատի Սարգսյան) ay ang ikatlong Pangulo ng Armenia. Nagwagi siya sa halalang pampangulo ng Armenia noong Pebrero 2008.[2] Nagsimula siyang manungkulan noong Abril 2008.[3] Bagaman ang Punong Ministro ng Armenia na si Tigran Sargsyan ay katulad ng kaniyang apelyido, hindi sila magkamag-anak.

Talambuhay

Si Sargsyan ay nanungkulan sa Sandatang Lakas ng Sobyet magmula 1971 hanggang 1972. Noong 1983, pinakasalan niya si Rita. Mayroong silang dalawang mga anak na babae, sina Anush at Satenik, at isang apong babae na si Mariam.[1] Siya ang tagapangasiwa o chairman ng Pederasyon ng Ahedres ng Armenia. Bukod sa pagiging nakakapagsalita ng wikang Armenyano, nakakapagsalita rin siya ng wikang Ruso.[4]

Siya ay naging Ministro ng Tanggulan noong 1993. Noong 1995, siya ay naging puno ng Kagawaran ng Seguridad ng Armenia, at naging Ministro ng Pambansang Seguridad noong 1996. Noong 1999, naging pinuno ng mga tauhan (chief of staff) siya ni Robert Kocharyan, na noon ay Sekretaryo ng Pambansang Konseho ng Seguridad at Ministro ng Tanggulan. Naging Punong Ministro siya noong 2007.[1]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 "Opisyal na talambuhay ni Serzh Sargsyan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-19. Nakuha noong 2013-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "RPA nominates Serge Sargsyan for President". PanArmenian.net. 2007-11-10. Nakuha noong 2007-11-11.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Armenia: Sarkisian Sworn In As President" Naka-arkibo 2008-04-22 sa Wayback Machine., Radio Free Europe/Radio Liberty, Abril 9, 2008.
  4. "www.president.am". Inarkibo mula sa orihinal noong 2004-06-29. Nakuha noong 2013-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


TaoPolitikaArmenia Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Politika at Armenia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Kembali kehalaman sebelumnya