Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Abril 2023)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito.Binigay na dahilan:Kailangang isalin ang mga banyagang salita tulad ng Prime Minister of Bangladesh
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. Pakitulungang isapanahon ang article na ito upang sumalamin ang kamakailang mga kaganapan o bagong impormasyon na mayroon na.
Si Sheikh Hasina Wazed (néeSheikh Hasina ; SHEKH-_-ha-si-na; Bengali: শেখ হাসিনা ওয়াজেদ, romanisado: Shēkh Hasinā, [ˈʃekʰ ɦɐsina], ipinanganak 28 Setyembre 1947) ay isang politikong Bangladeshi at estadista na naglingkod bilang Punong Ministro ng Bangladesh mula Enero 2009. Si Hasina ay anak ng ama ng bansa at unang Pangulo ng Bangladesh, si Bangabandhu Sheikh Mujibur Rahman. Siya rin ay naglingkod bilang punong ministro mula Hunyo 1996 hanggang Hulyo 2001. Siya ang pinakamatagal na naglingkod na punong ministro sa kasaysayan ng Bangladesh, na nakapaglingkod ng kabuuang halos 19 taon. Sa ngayon, siya ang pinakamatagal na nagsilbing babaeng Punong Tagapamahala sa Kasaysayan ng mga Bansa sa buong mundo simula 17 Marso 2023.
Sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang Punong Ministro, nakaranas ang Bangladesh ng democratic backsliding o demokratikong pag-urong. Dinukomento ng Human Rights Watch ang malawakang pagpapatupad ng malawakang desparecidos o pagkawala, at ekstrahudisyal na pagpatay sa ilalim ng kanyang pamahalaan. Maraming politiko at mamamahayag ang sistematikong pinurasahan sa hukuman nang hinamon ang kanyang pananaw.