Share to: share facebook share twitter share wa share telegram print page

Tshering Tobgay

Tshering Tobgay
Bhutan's Prime Minister Tshering Tobgay.
Punong Ministro ng Butan
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
30 Hulyo 2013
MonarkoJigme Khesar Namgyel
Wangchuck
Nakaraang sinundanJigme Thinley
Personal na detalye
Isinilang (1965-09-19) 19 Setyembre 1965 (edad 59)
Haa, Bhutan
Partidong pampolitikaPartidong Demokratikong Popular

Si Tshering Tobgay ay isang politikong Butanes na naging punong ministro ng Butan simula noong 2013. Siya ang pinuno ng partidong oposisyon sa Pambansang Pagpupulong noong Marso 2008 hanggang Abril 2013. Siya rin ang pinuno ng Partidong Demokratikong Popular.[1]

Si Tobgay ay ang miyembrong tagapagtatag ng Partidong Demokratikong Popular at siya ay responsable sa pagtatag ng partido bilang unang rehistradong partidong pampolitika.

Naktanggap rin si Togbay ng batsilyer ng agham sa inhenyeriyang mekaniko mula sa Paaralang Swanson ng Inhenyeriya ng Unibersidad ng Pittsburgh noong 1990 at nakatanggap rin ng katibayang dalubhasa sa pampublikong pangangasiwa mula sa Pamantasang Harvard noong 2004. Nag-aral rin siya sa Indiya at sa Dr. Graham's Homes School sa lungsod ng Kalimpong sa silangang Himalayas para sa kanyang sekundaryong edukasyon.

Siya ay naging empleyado ng gobyerno bago siya pumasok sa politika. Pumasok siya sa Seksiyong Teknikal at Bokasyonal na Edukasyon sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon noong 1991. Noong 1998, itinatag at pinamunuhan niya ang Pambansang Autoridad ng Teknikal na Pagsasanay at naging direktor ng Ministeryo ng Paggawa noong 2003 hanggang 2007.[2]

Mga Sanggunian

  1. "Opposition leader voices concerns". Kuensel. 2 Agosto 2008. Nakuha noong 13 Enero 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)(sa Ingles)
  2. "President". People's Democratic Party. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2013. Nakuha noong 27 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na mga Kawing

Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Jigme Thinley
Punong Ministro ng Butan
2013–present
Kasalukuyan
Kembali kehalaman sebelumnya