Ang wikang Biyetnames (Biyetnames: tiếng Việt) ay ang pambansa at opisyal na wika ng Vietnam. Ito ang katutubong wika ng mga Biyetnames (Biyetnames: người Việt o người Kinh), na bumubuo ng 86% ng populasyon ng Biyetnam, at ng mga Vietnamese sa ibayong-dagat, na ang karamihan ay mga Biyetnames-Amerikano. Ito rin ang pangalawang wika ng ilang mga minoriyang etniko ng Biyetnam. Karamihan sa talasalitaan nito ay nanggaling sa Intsik at orihinal itong isinulat gamit ng Chữ Nôm, isang sistemang pansulat ng Intsik. Ngayon, ginagamit ang Biyetnames ang alpabetong Latin.