Share to: share facebook share twitter share wa share telegram print page

Adolf Hitler

Adolf Hitler
Si Hitler noong 1937
Führer ng Alemanya
Nasa puwesto
2 Agosto 1934 – 30 Abril 1945
Nakaraang sinundan
Sinundan ni
Kansilyer ng Alemanya
Nasa puwesto
30 Enero 1933 – 30 Abril 1945
Pangulo
Diputado
Nakaraang sinundanKurt von Schleicher
Sinundan niJoseph Goebbels
Personal na detalye
Isinilang20 Abril 1889(1889-04-20)
Braunau am Inn, Austria–Hungary
Yumao30 Abril 1945(1945-04-30) (edad 56)
Berlin, Alemanyang Nazi
Dahilan ng pagkamatayPagbaril sa sarili
Kabansaan
  • mamamayang taga-Austria hanggang 7 Abril 1925
  • mamamayang Aleman mula 25 Pebrero 1932
Partidong pampolitikaPartido ng Pambansang Sosyalistang Manggagawang Aleman (1921–1945)
Ibang ugnayang
pampolitika
Partido ng mga Manggagawang Aleman (1920–1921)
Asawa
TrabahoPulitiko, sundalo
Mga parangal
Pirma
Serbisyo sa militar
Katapatan Imperyong Aleman
Sangay/Serbisyo Reichsheer
Taon sa lingkod1914–1918
RanggoGefreiter
YunitIka-16 Bavarian Reserve Regiment
Labanan/DigmaanUnang Digmaang Pandaigdig

Si Adolf Hitler (20 Abril 1889 – 30 Abril 1945) ay isang pulitikong Aleman na nagsilbing dáting Kansilyer ng Alemanya mula 1933, at ang Führer ("Pinúnò") ng Alemanya mula 1934 hanggang sa kaniyang kamatayan. Siya ang pinúnò ng Partido ng Pambansang Sosyalistang Manggagawang Aleman (Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei o NSDAP), na mas kilalá bílang ang Partidong Nazi.

Nakamit ni Hitler ang kapangyarihan sa isang Alemanyang nahaharap sa krisis matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Sa pamamagitan ng paggamit ng propaganda at maaalindog na mga pananalumpati, nagawa niyang umapela sa pangangailangan ng mga mahihirap at paigtingin ang mga ideya ng nasyonalismo, antisemitismo, at anti-Komunismo. Sa pagtatatag ng maayos na ekonomiya, pagpapaigting ng militar, at isang rehimeng totalitaryan, gumamit si Hitler ng isang agresibong patakarang pandayuhan sa paghahangad na mapalawak ang Lebensraum ("puwang na tirahan") ng mga Aleman, na nagpasimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang salakayin ng Alemanya ang Poland. Sa pinakamalaking abot-saklaw nito, sumailalim ang kalakihan ng Europa sa kontrol ng Alemanya, subalit kasáma ang ibang kapangyarihang Aksis, sa huli'y natalo pa rin ito ng mga kapangyarihang Alyado. Mula noon, natapos ang mga patakarang panlahi ni Hitler sa pagpapapatay ng humigit-kumulang 11 milyong tao, kasáma na rin ang pagpaslang ng 6 na milyong Hudyo, na ngayo'y kilalá bílang ang Holocaust.

Sa mga hulíng araw ng digmaan, si Hitler, kasáma ang kaniyang bagong asawang si Eva Braun, ay nagpakamatay sa kaniyang taguan sa ilalim ng lupa sa Berlin matapos mapalibutan ng hukbong Sobyet ang lungsod.

Talambuhay

Kabataan at Erensiya

Si Adolf Hitler noong siya'y sanggol, c. 1889-90.

Ipinanganak si Adolf Hitler noong 20 Abril 1889 sa Braunau am Inn, Austria, isang maliit na bayan sa Hilagang Austria. Siya ang ikatlong anak na laláki at ikaapat sa anim na anak ni Alois Hitler (ipinanganak bilang Schicklgruber) (1837–1903), isang menor na opisyal ng adwana (customs), at Klara Pölzl (1860–1907), ang kaniyang ikalawang pinsan, at ikatlong asawa. Dahil sa malapít na relasyon ng dalawa, isang papal dispensation ang kinailangang makuha bago sila maikasal. Sa anim na anak nina Alois at Klara, tanging si Adolf at ang kaniyang nakababatang kapatid na si Paula ang nakaabot sa pagkaadulto. Si Alois Hitler ay mayroon ding anak na laláki, si Alois Jr., and isang anak na babae, si Angela, sa kaniyang ikalawang asawa.

Ina ni Hitler, si Klara
Ama ni Hitler, si Alois

Si Alois ay ipinanganak bílang isang ilehitimong anak at sa unang tatlumpu't siyam na taon ng kaniyang búhay ay kaniyang ginamit ang apelyido ng kaniyang ina na "Schicklgruber". Noong 1876, sinumulan na ni Alois gamitin ang pangalan ng kaniyang ama sa muling pag-aasawa ng ina, si Johann Georg Hiedler, matapos bisitahin ang paring humahawak sa mga rehistrong pangkapanganakan (birth certificates) at ideklara na si Hiedler ang kaniyang tunay na ama (Nagbigay si Alois ng impresyon na buhay pa si Hiedler, bagamat siya'y matagal ng patay). Ibinaybay ang kaniyang apelyido sa sari-saring baybay tulad ng Hiedler, Huetler, Huettler and at maaaring ginawa na lámang "Hitler" ng isang eskribyente. Mayroong dalawang teorya patungkol sa pinagmulan ng ngalang ito:

  1. Galing sa wikang Aleman Hittler, "táong nakatirá sa kubo", "pastol".
  2. Galing sa wikang Slavic Hidlar at Hidlarcek.

Nang lumaon, inakusahan si Adolf Hitler ng kaniyang mga kalaban sa politika ng 'di pagiging tunay na Hitler, kundi pagiging isang Schicklgruber. Ito rin ay pinagsamantalahan sa propaganda ng Kapangyarihang Magkakakampi noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng pagsasaboy mula sa kalangitan ng mga pampletang naglalaman ng pariralang "Heil Schicklgruber" sa mga lungsod ng Alemanya.

Ang pangalan ni Hitler, "Adolf", ay nagmumula sa lumang salitang Aleman na ang katumbas sa tagalog ay "osong maharlika" ("Adel"="maharlika" + "wolf").[1] Samakatwid, isa sa mga palayaw na ibinigay ni Hitler sa sarili niya ay Wolf o Herr Wolf — sinumulan niyang gamitin ang palayaw na ito noong 1920's at ang tumatawag lámang sa kaniya ng ganito ay ang mga malapít sa kaniya (bilang "Uncle Wolf" sa mga Wagners) hanggang sa pagbaksak ng Ikatlong Imperyo ng Alemanya (Third Reich). Sa kaniyang mga pinakamalapit na kamag-anak, si Hitler ay kilalá lámang bilang "Adi". Ipinakikita din ng mga pangalan ng kaniyang iba't ibang punong himpilan na nagkalat sa kontinental na Europa (Wolfsschanze sa Silangang Prussia, Wolfsschlucht sa Pransiya, Werwolf sa Ukraine, atbp.) ang ideyang ito.

Bílang bata, si Hitler ay nilalatigo halos araw-araw ng kaniyang ama. Makalipas ang ilang taon sinabi niya sa kaniyang sekretarya , "Nagpasya ako noon na hindi na ako iiyak tuwing ako'y lalatiguhin ng aking ama. Makalipas ang ilang araw, nagkaroon ako ng pagkakataon na subukin ang aking pasya. Ang aking ina, sa katakutan, ay nagtago sa harapan ng pintuan. Ako naman, patahimik ko na binilang ang bawat palo ng patpat na sumugat sa aking puwit. (I then resolved never again to cry when my father whipped me. A few days later I had the opportunity of putting my will to the test. My mother, frightened, took refuge in the front of the door. As for me, I counted silently the blows of the stick which lashed my rear end.)" [2]

Si Hitler ay hindi sigurado kung sino ang kaniyang lolo sa ama, subalit marahil ito ay si Johann Georg Hiedler o ang kaniyang kapatid na si Johann Nepomuk Hiedler. Nagkaroon din ng mga usap-usapin na si Hitler ay isang-kapat na Hudyo at ang kaniyang lola sa ama, si Maria Schicklgruber, ay nabuntis matapos magtrabho bilang katulong sa isang Hudyong pamamahay sa Graz. Noong mga 1920's, ang mga implikasyon ng mga bali-balitang ito kasama na ang kasaysayan ng kaniyang pamilya ay kagimbal-gimbal, lalo na para sa isang tagataguyod ng mapanlahing (racist) ideolohiya. Sinubukang patunayan ng mga kalaban na si Hitler, ang pinuno ng kontra-Semitang Partidong Nazi, ay may mga Hudyong ninuno. Bagamat ang mga bali-balitang ito ay hindi napatunyan, para kay Hitler ay sapat na iyong rason para ilihim ang kaniyang pinagmulan. Ipinilit ng progpagandang Sobyet na si Hitler ay isang Hudyo, bagamat ang ideyang ito'y unti-unting ipinapawalambisa ng mas modernong pananaliksik. Ayon kay Robert G. L. Waite sa The Psychopathic God: Adolf Hitler, ipinagbawal ni Hitler ang pagtatrabaho ng mga babaing Aleman sa mga Hudyong pamamahay, at matapos ang "Anschluss" (aneksasyon) ng Austria, pinasabog ni Hitler ang bayan ng kaniyang ama sa pamamagitan ng paggawa nitong ensayuhan ng mga artilyero (artillery range). Si Hitler ay tila takot malaman na siya ay isang Hudyo na ayon kay Waite, ang katotohanang ito ay higit na mas mahalaga kaysa kung siya ay Hudyo talaga.

Dahil sa trabaho ni Alois Hitler, madalas lumipat ang kaniyang pamilya, mula Braunau patungong Passau, Lambach, Leonding, at Linz. Bilang bata, si Hitler ay ibinalitang mahusay na estudyante sa iba't ibang paaralang elementaryang kaniyang pinasukan; subalit, sa ikaanim na baitang (1900–1), ang kaniyang unang taon ng paaralang sekondarya (Realschule) sa Linz, siya'y bumagsak ng tuluyan at kinailangang ulitin ang baitang. Ibinalita ng mga guro na siya'y "wala kagustuhang magtrabaho." Isa sa mga kaklase ni Hitler sa Linz Realschule ay si Ludwig Wittgenstein, na naging isa sa mga magaling na pilosopo ng ika-20 siglo.[3]

Ipinaliwanag ni Hitler na ang kaniyang biglang pagbaba sa pag-aaral ay isang uri ng pagrerebelde laban sa kaniyang amang si Alois, na gustong pasunurin si Hitler bilang isang opisyal ng adwana tulad niya, bagaman ginusto ni Hitler maging pintorthis educational slump as a kind of rebellion against his father Alois, who wanted the boy to follow him in a career as a customs official, although Adolf wanted to become a painter. Ang paliwanag na ito ay sinusuportaha din ng paglalarawan ni Hitler sa kaniyang sarili bilang isang artistang mali ang pagkakakilala. Subalit, matapos ang pagkamatay ni Alois noong 3 Enero 1903, kung kailan si Adolf ay may 13 taong gulang, hindi nagbago ang estado sa pag-aaral ni Hitler. Sa gulang na 16 taon, iniwan ni Hitler ang paaralan ng walang nakamit na kwalipikasyon.

Pamumuhay sa Vienna at Munich

Mula 1905 , Nabuhay si Hitler sa pamamaraan ng isang Bohemian na umaasa sa pensiyon ng mga batang walang ama at sustento ng kaniyang ina. Tinanggihan siya ng dalawang beses ng Akademiya ng Mahusay na Sining ng Vienna (Academy of Fine Arts Vienna) (1907–1908) dahil sa kaniyang "di-kabagayan sa pagpipinta" , at sinabihan na ang kaniyang kagalingan ay nasa larangan ng arkitektura. Ipinapakita ng kaniyang memoryas ang kaniyang pagkahalina sa larangang ito:

"Ang rason ng aking paglalakbay ay para pag-aralan ang isang galera ng litrato sa Museong Court, subalit walang akong ibang tinitingnan kundi ang Museo mismo. Mula umaga hanggang gabi, palipat-lipat ako ng pinag-iinteresan, subalit ang mga gusali lamang ang tanging pumukaw ng aking interes." (Mein Kampf, Kapitulo II, parapo 3).

Matapos malaman ang rekomendasyon ng rector ng akademiya, siya din ay nakumbinsi na iyon ang tamang landas na tahakin, subalit kulang siya ng akademikong preperasyon para sa paaralang pang-arkitektura:

Sa loob ng ilang araw naisip ko din na balang araw ako'y dapat maging isang arkitekto. Para makapanigurado, napakahirap nitong landas; dahil ang mga araling aking di pinansin dahil sa inis sa Realschule ay labis na kinakailangan. Ang isa'y di maaaring pumasok sa paaralang arkitektural ng Akademiya nang hindi muna pumapasok sa paaralang panggusali sa Technic, at kinailangan nito ng antas sa mataas na paaralan. Wala ako ng kahit anong kailangan. Ang pagkakatotoo ng aking pangarap sa sining ay tila di na magkakatotoo.

"Sa loob ng ilang araw naisip ko din na balang araw ako'y dapat maging isang arkitekto.

Para makapanigurado, napakahirap nitong landas; dahil ang mga araling aking di pinansin dahil sa inis sa Realschule ay labis na kinakailangan. Ang isa'y di maaaring pumasok sa paaralang arkitektural ng Akademiya nang hindi muna pumapasok sa paaralang panggusali sa Technic, at kinailangan nito ng antas sa mataas na paaralan. Wala ako ng kahit anong kailangan. Ang pagkakatotoo ng aking pangarap sa sining ay tila di na magkakatotoo.

'" (Mein Kampf, Chapter II, paragraph 5 & 6).

Noong 21 Disyembre 1907, ang kaniyang inang si Klara ay binawian ng buhay dahil sa kanser sa suso sa gulang na 47. Ibinigay ni Hitler ang parte niya ng benepisyong pang-alila sa kaniyang mas batang kapatid na si Paula, ngunit nung siya'y 21 taong gulang pinamanahan siya ng pera ng kaniyang tiya. Nagtrabaho siya bilang isang naghihirap na pintor sa Vienna, kumokopya ng mga tanawin mula sa mga postcard at ibinebenta ang kaniyang mga kuwadro sa mga mangangalakal at turista (mayroong ebidensiya na siya'y nakagawa ng higit sa 2000 na pinta bago magsimula ang Unang Digamaang Pandaigdig).

Mural ni Adolf Hitler

Matapos tanggihan ng Akademiya ng Sining sa ikalawang pagkakataon, unti-unting naubusan si Hitler ng pananalapi. Noong 1909, naghanap siya ng matitirhan sa isang lugar ng mga walang tahanan, at simula 1910, nanirahan na siya ng tuluyan sa lugar ng mga nagtatrabahong mahihirap na kalalakihan.

Unang Digmaang Pandaigdig

Si Hitler bilang isang sundalo noong Unang Digmaang Pandaigdig.

Nagsilbi si Hitler sa Pransiya at Belhika sa ilalim ng Ikalabing-anim na Reserbang Rehimen ng Bavaria (tinawang na Rehimen ng Listahan sunod sa unang namuno sa grupo). Isa siyang mensahero, ang pinaka-delikadong trabaho sa Kanlurang Larangan, at madalas makasalubong ng mga kaaway sa daan. Dalawang ulit siyang pinarangalan sa kaniyang katapangan. Natanggap niya ang Krus na Bakal, Ikalawang Uri, noong 1914 at ang Krus na Bakal, Unang Uri, noong 1918----isang parangal na bihirang ibigay sa isang Gefreiter. Sa kabila ng lahat, dahil iniisip ng mga namumuno sa rehimen na wala siya masyadong alam, hindi naitaas ang kaniyang ranggo sa Unteroffizer. Ang ibang mananaliksik ng kasaysayan ay nagsasabing hindi naitaaas ang kaniyang ranggo sa kadahilanang hindi siya Aleman. Ang kaniyang trabaho sa kampo, sa kabila nang pagiging delikado, ay nagbigay ng oras para sa kaniya upang umpisahan ang kaniyang pagguhit. Gumawa siya ng mga larawan para sa isang diyaryong pang-militar. Noong 1916, nasugatan siya sa binti, ngunit bumalik siya sa digmaan noong Marso 1917. Nakatanggap siya ng "Wound Badge" bago lumipas ang taon. Sa pagtukoy ni Sebastian Haffner sa mga karanasan ni Hitler sa digmaan, nasabi niyang may pagkakaintindi si Hitler ng militar.

Pagpasok sa politika

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, si Hitler ay nanatili sa hukbo at bumalik sa Munich kung saan siya dumalo sa martsa para sa pinatay na punong ministro ng Bavaria na si Kurt Eisner. Pagkatapos ng pagsugpo sa Soviet na Republika ng Bavaria, si Hitler ay sumali sa isang kurso ng "pamabansang pag-iisip" na pinangasiwaan ng Kagawarang Edukasyon at Propaganda ng Reichswehr sa ilalim ni kapitan Karl Mayr.

Noong Hulyo 1919, si Hitler ay hinirang na Verbindungsmann (intelligence agent) ng Aufklärungskommando (reconnaissance commando) ng Reichswehr upang parehong maimpluwensiyahan ang mga sundaolo at pasukin ang "Partido ng Alemang Manggagawa" (DAP). Habang nag-aaral ng mga aktibidades ng DAP, si Hitler ay humanga sa antisemitiko, nasyonalista, anti-kapitalista, anti-Marxistang panniwala ng tagapagtatag nitong si Anton Drexler. Si Drexler ay pumabor sa isang malakas na aktibong gobyerno, isang "hindi-Hudyong" bersiyon ng sosyalismo at solidaridad sa lahat ng mge miyembro ng lipunan. Si Drexler ay humanga naman sa kakayahang oratoryo (pananalumpati) ni Hitler at inimbitahan niya itong sumali sa DAP. Tinanggap ito ni Hitler ay naging ika-55 na miyembro ng partidong ito noong Setyembre 1919.

Sa DAP, nakilala ni Hitler si Dietrich Eckart na isa sa kauna unahang tagapagtatag nito at isang miyembro ng okultong Lipunang Thule. Si Eckhart ng naging gabay ni hitler, nakikipagpalitan ng mga ideya kay Hitler at nagpakilala kay Hitler sa iba ibang uri ng mga tao sa lipunang Munich. Si Hitler ay nagpasalamat kay Eckart at pinarangalan niya ito sa ikalawang bolyum ng Mein Kampf. Upang tumaas ang apela nito ng partidong ito, ito ay pinalitan ng pangalan sa Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei (National Socialist German Workers Party – NSDAP o Nazi). Dinesenyo ni Hitler ang bandila ng partido ng swastika sa isang puting bilog sa pulang likuran.

Si Hitler ay pinagbitiw sa hukbo noong Marso 1920 at siya'y nagsimulang magtrabaho ng buong panahon sa partido. Sa simula nang 1921, si Hitler ay naging isang labis na epektibong mananalumpati sa napalaking manonood. Noong Pebreo 1921, si Hitler ay nagsalita sa dagsaan ng tao na may bilang na anim na libo sa Munich. Upang ianunsiyo ang pagtitipon, ang dalawang punong trak ng mga tagasunod ay bumiyahe sa buong bayan na nagwawagayway ng mga bandilang swastika at naghahagis ng mga polyeto. Si Hitler ay agad naman nagkamit ng masamang kabantugan sa kaniyang mga magugulo, at kontrobersiyal na mga talumpati sa Kasunduan ng Versailles, mga kalabang politiko lalo na ang mga Marxisto, at mga Hudyo. Sa panahong ito, ang NSDAP ay nakasentro sa Munich na isang pamugaran ng mga anti-gobyernong mga nasyonalistang Aleman na determinadong wasakin ang Marxismo at paguhuin ang Repablikang Weimar.

Noong Hunyo 1921, habang si Hitler at Eckart ay nasa isang biyahe upang makalikha ng pondo, ang isang pag-aalsa ay sumiklab sa loop ng DAP sa Munich. Ang miyembro ng ehekutibong komite ng DAP na ang iba'y tumuturing kay Hitler na mapagmataas at arogante ay nagnais na sumama sa kalabang partidong "Partidong Alemang Sosyalista" (DSP). Si Hitler ay bumalik sa Munich noong 21 Hulyo 1921 at galit na iniabot ang kaniyang pagbibitiw sa DAP. Ang mga miyembro ng komite ay natanto namang ang pagbibitiw ni Hitler ay nangangahulugan pagwawakas ng partidong ito. Inihayag ni Hitler na siya ay muling sasali sa partido sa kondisyong papalitan niya si Drexler bilang pinuno (chairman) ng partido at ang punongkwarter nito ay mananatili sa Munich. Ang partido ay pumayag sa kaniyang hinihingi. Si Hitler ay muling sumali bilang ika-3680 na miyembro ng partido. Gayunpaman, si Hitler ay nakaranas pa rin ng ilang oposisyon sa partido. Si Herman Esser at mga kaalyado nito ay naglimbag ng 3,000 kopya ng pampleto na umaatake kay Hitler bilang traydor ng partido. Sa mga sumunod na araw si Hitler ay nagsalita sa isang siksikang bahay at ipinagtanggol ang kaniyang sarili na masigabo namang pinalakpakan. Ang stratehiya nito Hitler ay naging matagumpay. Sa isang pangkalahatang pagtitipon ng mga miyembro, si Hitler ay ginawaran ng buong kapangyarihan bilang puno (chairman) ng partido na isa lamang ang tutol dito.

Ang mga talumpating nakalalason ni Hitler sa mga bulwagan ng serbesa ay nagsimulang makaakit ng mga regular na manonood. Ang mga unang tagasunod ay sina Rudolf Hess, ang dating piloto ng puwersang paliparan at ang kapitan ng hukbong si Ernst Röhm. Ang huli ay naging puno ng paramilitar na organisasyon ng Nazi na (SA, "Storm Division") na nagpoprotekta sa mga pagtitipon at malimit na umaatake sa mga kalabang politiko. Ang isang kritikal na impluwensiya sa pag-iisip ni Hitler sa mga panahong ito ang Aufbau Vereinigung, isang konspiratoryal na grupong binubuo ng mga puting Rusyanong desterado (exile) at mga sinaunang mga nasyonal na sosyalista. Ang grupong ito ay pinopondohan ng mga pondong galing sa mga mayayamang industriyalista gaya ni Henry Ford. Ang grupong ito ang nagpakilala kay Hitler ng isang konspirasyang Hudyo na nag-uugnay sa internasyonal na pinansiya (finance) sa Bolshebismo. Naakit din ni Hitler ang atensiyon ng mga lokal na negsyo. Siya ay tinanggap sa mga impluwensiyal na mga pangkat (circles) ng lipunang Munich at naugnay sa digmaang heneral na si Erich Ludendorff.

Putsch sa Bulwagan ng Serbesa

Dahil sa nahikayat sa kaniyang bagong suporta, isinapi ni Hitler si Ludendorff para sa isang pagtatangkang kudeta na kilala bilang "Beer Hall Putsch" ("Hitler Putsch" o "Munich Putsch"). Ginamit ng Partidong Nazi ang Pasismong Italyano bilang modelo ng kanilang hitsura at mga polisiya at noong 1923, ninais ni Hitler gayahin ang Martsa ng Roma ni Benito Mussolini sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kaniyang Kampanya sa Berlin. Humingi ng suporte si Hitler at Ludendorff sa Staatskommissar (komisyoner ng estado) na si Gustav von Kahr na de paktong pinuno ng Bavaria. Gayunpaman, si Kahr kabilang ang hepe ng pulis na si Hans Ritter von Seisser (Seißer) at Reichswehr Heneral Otto von Lossow ay nais maglagay ng isang diktaduryang nasyonalista ng hindi kasama si Hitler.

Ninais ni Hitler na sunggaban ang isang mahalagang pagkakataon para sa isang matagumpay na panggugulo at suporta. Noong 8 Nobyembre 1923, si Hitler at ang SA (puwersa ni Hitler) ay sumalakay sa Bürgerbräukeller na isang malaking bulwagan ng serbesa sa Munich. Inabala ni Hitler ang pananalumpati ni Kahr at inihayag ni Hitler na ang isang pambansang himagsikan ay nagsimula na gayundin ang paghahayag ng pagkakalikha ng bagong gobyernong kasama si Ludendorff. Sa paghugot ng kaniyang baril, kaniyang hiningi ang pagsuporta ni Kahr, Seisser, at Lossow. Sa simula, ang mga puwersa naman ni Hitler ay naging matagumpay sa pagsakop ng lokal na Reichswehr at punongkwarter ng pulisya. Gayunpaman, ang hukbo (army) o pulis ng estado ay hindi sumama sa mga puwersa ni Hitler. Si Kahr at mga kasama nito ay mabilis na lumipat naman ng suporta tungo sa oposisyon ni Hitler sa kasalukuyang gobyerno. Nang sumunod na araw, si Hitler at ang kaniyang mga tagasunod ay nagmartsa mula sa bulwagan ng serbesa hanggang sa kagawaran ng digmaan ng Bavaria upang patalsikin ang gobyernong Bavaria sa kanilang "Martsa ng Berlin" ngunit sila ay pinakalat ng mga pulis. Labing-anim na miyembro ng Nazi at apat na pulis ang namatay sa hindi matagumpay na kudeta.

Si Hitler ay tumakas sa tahanan ni Ernst Hanfstaengl at sa ibang salaysay ay nagsaad na si Hitler ay nagtangkang magpakamatay. Siya ay depresado ngunit kalmado nang siya ay dakpin noong 11 Nobyembre 1923. Siya ay nilitis sa isang mataas na pagtataksil sa harapan ng espesyal na Korte ng Tao sa Munich. Sa mga panahong ito, si Alfred Rosenberg ay naging pansamantalang pinuno ng Nazi. Ang paglilitis ni Hitler ay nagsimula noong 26 Pebrero 1924 at noong 1 Abril 1924, si Hitler ay hinatulan ng limang taong pagkakabilanggo sa Bilangguan ng Landsberg. Si Hitler ay nakatanggap naman ng mabuting pagtrato mula sa mga guwardiya at nakatanggap ng maraming sulat mula sa kaniyang mga tagasunod. Ang Suprema Korte ng Bavaria ay naglabas ng pagpapatawad (pardon) at siya ay pinalaya sa bilangguan noong 20 Disyembre 1924 laban sa pagtutul ng prosekutor ng estado. Kung kabilang ang pagkakabilanggo ni Hitler bago ang paglilitis, si Hitler ay nanatili lamang sa bilangguan ng higit sa isang taon. 5

Mein Kampf

Naalis na takip ng Mein Kampf (1926–1927)

Habang nasa bilangguan ng Landsberg, idinikta ni Hitler ang halos lahat ng unang bolyum ng kaniyang "Mein Kampf" ("Ang aking pakikibaka" na orihinal na pinamagatang Apat at Kalahating Taon ng Pakikibaka sa Kasinungalingan, Kahangalan, at Kaduwagan) sa kaniyang diputadong si Rudolf Hess. Ang aklat na ito na kaniyang inalay sa "Lipunan ng Thule" ay isang talambuhay na nagpapahayag sa kaniyang mga ideolohiya. Ang aklat na ito ay naimpluwensiyahan ng The Passing of the Great Race ni Madison Grant na tinawag ni Hitler na "aking Bibliya". Ang Mein Kampf ay inilimbag sa dalawang bolyum noong taong 1925 at taong 1926 na nagbenta ng 240,000 mga kopya sa pagitan ng taong 1925 at taong 1934. Pagsapit ng katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, 10 milyong kopya ang naibenta o naipamahagi. Ang karapatangkopya (copyright) ng Mein Kampf sa Europa ay inaangkin ng Malayang Estado ng Bavaria at magwawakas sa 31 Disyembre 2015. Sa Alemanya ang mga labis na komentadong edisyon ng Mein Kampf ang tanging makukuha at ito ay para lamang sa mga pag-aaral akademiko.

Muling pagtatayo ng Nazi

Sa panahon ng paglaya ni Hitler sa bilangguan, ang politika sa Alemanya ay naging hindi gaanong palaban at ang ekonomiya ay bumuti. Eto ang naglimita sa mga pagkakataon ni Hitler sa mga panggugulong pampolitika. Bilang resulta ng nabigong Putsch sa Bulwagan ng Serbesa, ang Nazi at ang mga kaugnay na organisasyon ay ipinagbawal sa Bavaria. Sa isang pagtitipon kay Punong Ministro ng Bavaria na si Heinrich Held noong 4 Enero 1925, si Hitler ay pumayag na respetuhin ang kapangyarihan ng estado at siya ay maghahanap lamang kapangyarihang pampolitika sa pamamagitan ng prosesong demoktratiko. Ang pagtitipong ito ang nagbigay daan upang maalis ang pagbabawal sa Nazi noong 16 Pebrero 1925 ngunit si Hitler ay binawalang magsalita sa publiko mula Marso 9. Upang maisulong ang kaniyang mga ambisyong pampolitika, hinirang ni hitler si Gregor Strasser gayundin ang kapatid nitong si Otto at si Joseph Goebbels upang pangasiwaan at palakihin ang Nazi sa hilagang Alemanya. Bilang magaling na nangangasiwa, naglihis si Gregor Strasser ng isang mas independiyenteng kursong pampolitika sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa mga elementong sosyalista sa mga programa ng partido.

Si Hitler ay nagtakda ng pamumunong autokratiko ng Nazi sa pagdidiin ng Führerprinzip ("Pinunong Prinsipyo"). Ang lumitaw ay isang organisasyong pampolitika kung saan ang ranggo ay matutukoy hindi ng eleksiyon kundi ang mga posisyon ay malalagyan lamang sa pamamagitan ng paghirang (appointment) ng mga may mas mataas na ranggo na humihingi ng walang pagtutol na pagsunod sa kanilang pinuno.

Ang isang mahalagang elemento ng apela ni Hitler ang kaniyang kakayahan na pumukaw ng pakiramdam ng paglabag sa pambansang pagmamalaki (pride) bilang resulta ng Kasunduan ng Versailles. Marami sa mga Aleman ay tutol sa mga termino ng kasunduan lalo na ang pagpapabigat sa ekonomiya ng pagbabayad sa ibang mga bansang naapektuhan ng Unang Digmaang Pandaigdig. Gayunpaman, ang pagtatangka ni Hitler na makakuha ng malaking suporta sa pamamagitan ng pagsisi ng mga hinihingi at sinasaad ng kasunduan sa isang "internasyonal na sangka-hudyohan (jewry) ay hindi naging matagumpay sa mga botante. Kaya dahil dito, si Hitler at ang kaniyang partido ay nagsimulang gumamit ng mas tusong paraan ng propaganda na nagsasama sa antisemitismo sa pagbatikos sa kabiguan ng "Sistemang Weimar" at ng mga partidong sumusuporta dito.

Dahil sa pagkabigong patalsikin ang republika at makamit ang kapangyarihan sa isang kudeta, binago ni Hitler ang kaniyang mga taktika at nagpursigi ng stratehiya na pormal na umaayon sa mga patakaran ng Republika ng Weimar hanggang sa makamit niya ang pampolitika na kapanyarihan sa pamamagitan ng mga regular na eleksiyon. Ang kaniyang layunin ay gamitin ang mga insititusyon ng Republika ng Weimar upang wasakin ito at itatag ang kaniyang sarili bilang autokratikong pinuno.

Pag-akyat sa kapangyarihan

Mga botong nakuha ng Nazi sa eleksiyon
Petsa Kabuuan ng
mga boto
Persentahe ng
mga boto
Mga silya sa
Reichstag
Mga komento
Mayo 1, 1924Mayo 1924 &0000000001918300.0000001,918,300 &0000000000000006.5000006.5 &0000000000000032.00000032 Si Hitler ay nasa bilangguan
Disyembre 1, 1924Disyembre 1924 &0000000000907300.000000907,300 &0000000000000003.0000003.0 &0000000000000014.00000014 Si Hitler ay pinalaya sa bilangguan
Mayo 1, 1928Mayo 1928 &0000000000810100.000000810,100 &0000000000000002.6000002.6 &0000000000000012.00000012  
Setyembre 1, 1930Setyembre1930 &0000000006409600.0000006,409,600 &0000000000000018.30000018.3 &0000000000000107.000000107 Pagkatapos ng krisis pinansiyal
Hulyo 1, 1932Hulyo 1932 &0000000013745800.00000013,745,800 &0000000000000037.40000037.4 &0000000000000230.000000230 Pagkatapos na maging kandidato sa pagkapangulo si Hitler
Nobyembre 1, 1932Nobyembre 1932 &0000000011737000.00000011,737,000 &0000000000000033.10000033.1 &0000000000000196.000000196  
Marso 1, 1933Marso 1933 &0000000017277000.00000017,277,000 &0000000000000043.90000043.9 &0000000000000288.000000288 Noong termino ni Hitler bilang Kansilyer ng Alemanya

Ang malaking pagbabago sa ambisyong pampolitika ni Hitler ay nangyari nang dumating ang isang Dakilang Depresyon sa Alemanya noong 1930. Ang Republika ng Weimar ay nahirapang kumapit sa lipunang Aleman at humarap sa matinding oposisyon mula sa mga ekstremistang kanan (right wing) at kaliwa (left wing). Ang mga moderatong (moderate) mga partido na nangako ng isang demokratikong parlamentaryong republika ay patuloy na walang kakayahang pigilan ang paglago ng ekstremismo. Ang reperendum ng Alemanya noong 1929 ang nagpataas ng kasikatan ng ideolohiyang Nazi. Noong eleksiyon na naganap noong 1930, natalo ang mayoridad (majority) ng mga moderato na nagresulta sa pagkakabahagi ng dakilang koalisyon at pagpapalit nito ng isang gabineteng minoridad (minority). Ang pinuno nitong si Kansilyer Heinrich Brüning ng partidong Sentro (center) ay nangasiwa sa pamamagitan ng mga atas ng pangulo ng estadong si Paul von Hindenburg. Sa pagpapahintulot ng mga karamihan sa partido, ang pangangasiwa sa pamamagitan ng mga atas ay naging kagawian at ito ang nagbigay daan sa mga autoritariang anyo ng pamahalaan. Ang Nazi ay umangat mula sa hindi pagkakakilanlan hanggang sa pagkapanalo nito ng 18.3% ng boto at 107 parlamentaryong upuan (seats) noong 1930 eleksiyon na nagdulot dito upang maging ikalawang pinakamalaking partido sa parlamento ng Alemanya.

Ang paglakas ng pampolitika na kapangyarihan ni Hitler ay naramdaman sa paglilitis ng dalawang opiser ng Reichswehr na sina Tenyente Richard Scheringer at Hans Ludin noong tagsibol nang 1930. Ang parehong ito ay kinasuhan ng pagiging miyembro ng Nazi na sa panahong ito ay ilegal para sa mga personel ng Reichswehr. Ang prosekusyon ay nangatwirang ang Nazi ay isang mapanganib na ekstremistang partido na nagtulak sa abogado ng mga isinasakdal na tawagin si Hitler upang tumestigo sa korte. Sa testimonya ni Hitler noong 25 Setyembre 1930, isinaad ni Hitler na ang kaniyang partido ay nagpapaplanong umakyat sa kapangyarihan sa pamamagitan lamang ng demokratikong mga eleksiyon at ang Nazi ay kaibigan ng Reichswehr. Ang testimonyang ito ni Hitler ang umani kay Hitler ng maraming mga tagasunod sa pangkat ng mga opiser.

Ang mga hakbang ng pagtitipid sa pinansiya at badyet ng pamahalaan ni Brüning ay nagdulot ng kaunting pagbuti ng ekonomiya at naging labis na hindi tanyag sa mga botante. Ang kahinaang ito ay kinasangkapan ni Hitler sa pamamagitan ng pagpapatama ng kaniyang mga mensaheng pampolitika sa mga segmento ng populasyon na lubos na tinamaan ng inplasyon (pagtaas ng presyo) noong mga 1920 at kawalang trabaho gaya ng mga magsasaka, mga beterano ng digmaan, at gitnang klase (middle class).

Pormal na itinakwil ni Hitler ang kaniyang pagkamamamayang Austriyano noong 7 Abril 1925 ngunit sa parehong panahon ay hindi kumuha ng pagkakamamamayang Aleman. Sa halos pitong taon, si Hitler ay walang estado kaya wala siyang kakayahang makatakbo sa isang pampolitika na puwesto bukod sa nahaharap sa panganib ng deportasyon. Noong 25 Pebrero 1932, ang panloob na kalihim ng Brunswick na miyembro ng Nazi ay humirang kay Hitler bilang tagapangasiwa ng delegasyon ng estado sa Reichsrat sa Berlin na gumawa kay Hitler bilang mamamayan ng Brunswick gayundin ng Alemanya.

Noong 1932, si Hitler ay tumakbo laban sa may edad nang Pangulong si Paul von Hindenburg sa eleksiyon ng pagkapangulo. Ang pagtatagumpay ng kaniyang kandidasya ay nabigyang diin sa kaniyang pananalumpati sa Industry Club ng Düsseldorf na umani sa kaniya ng malawak na suporta ng iba ibang mga partidong nasyonalista, monarkista, katoliko, republikano at kahit sa sosyal na mga demokrato. Ginamit ni Hitler ang slogan sa kaniyang kampanya na "Hitler über Deutschland" ("Hitler sa ibabaw ng Alemanya") na isang reperensiya sa kaniyang parehong pampolitika na mga ambisyon at pangangampanya gamit ang eroplano. Si Hitler ay lumagay sa ikalawa sa parehong pag-ikot ng eleksiyon at umani ng mahigit sa 35% ng boto sa huling eleksiyon. Bagaman si Hitler ay natalo kay Hindenburg, ang eleksiyon na ito ay gumawa kay Hitler bilang isang kapani-paniwalang puwersa sa politika ng Alemanya.

Noong Setyembre 1931, ang pamangking babae ni Hitler na si Geli Rauba ay nagpatiwakal gamit ang baril ni Hitler sa kaniyang apartmento. Pinaniniwalaang may ugnayang romantiko si Rubal kay Hitler at ang kaniyang kamatayan ang nagdulot ng matinding sakit kay Hitler.

Pagkakahirang bilang Kansilyer (Chancellor)

Si Hitler sa bintana ng Kansilyerya ng Reich at tumanggap ng obasyon (ovation) sa gabi ng kaniyang inaugurasyon bilang Kansilyer noong 30 Enero 1933

Dahil sa kahirapan ng pagbuo ng isang matatag at epektibong gobyerno, dalawa sa maimpluwensiya (influential) na mga politikong sina Franz von Papen at Alfred Hugenberg gayundin ang ilang mga industriyalista at negosyante kabilang sina Hjalmar Schacht at Fritz Thyssen ay sumulat kay Hindenburg na humihikayat dito na hirangin si Hitler bilang pinuno ng gobyerno na "independiyente sa mga partidong parlamentaryo" na maaaring maging isang kilusan na "makapagpapaligaya sa milyong mga tao".

Dahil sa ang dalawang eleksiyong parlamentaryo noong Hulyo at Nobyembre 1932 ay bigong nagresulta na makabuo ng isang mayoridad (majority) na gobyerno, may pag-aatubiling hinirang ni Pangulong Hindenburg si Hitler bilang kansilyer ng koalisyong gobyerno na binubuo ng Nazi at partido Hugenberg (Alemang Pambansang Partido ng mga Tao o DNVP). Ang impluwensiya ng Nazi ay pinaniniwalaang limitado lamang sa alyansa ng mga konserbatibong kalihim ng gabinete na ang pinakakilala ay sina von Papen bilang bise-kansilyer at Hugenberg bilang kalihim ng ekonomiya. Ang tanging isa pang miyembro ng Nazi maliban kay Hitler ay si Wilhelm Frick na binigyan ng kalihim ng panloob. Gayunpaman, bilang konsesyon sa Nazi, si Hermann Göring na sa mga panahong ito ay pinuno ng pulisya ng Prusya ay pinangalang kalihim na walang portpolyo. Kaya bagaman ninais ni von Papen na ilagay si Hitler bilang pigurangpinuno (figurehead o posisyong walang aktuwal na kapangyarihan) lamang, ang Nazi ay nagkamit ng mga mahahalagang mga posisyong pampolitika.

Noong 30 Enero 1933, si Hitler ay sumumpa bilang Kansilyer sa isang maikli at simpleng seremonya sa opisina ni Hindenburg. Ang unang talumpati ni Hitler bilang Kansilyer ay naganap noong Pebreo 10, 1933. Ang pagsunggab na ito ng kapangyarihan ay kalaunang nakilala bilang Machtergreifung o Machtübernahme.

Sunog sa Reichstag at ang Marsong halalan

Bilang kansilyer, si Hitler ay lumaban sa mga pagtatangka ng kaniyang mga kalabayang pampolitika na bumuo ng mayoridad (majority) na pamahalaan. Dahil sa hindi pagkakasunduang pampolitika, si Hitler ay humiling kay Pangulong Hindenburg na buwagin muli ang Reichstag. Ang eleksiyon ay itinakda sa simula ng Marso. Noong Pebrero 1933, ang gusali ng Reichstag ay sinunog at dahil si Marinus van der Lubbe na isang Dutch na independiyenteng komunista ay natagpuan sa nasusunog na gusali, ang isang pagtatangkang komunista ay sinisi na dahilan ng sunog na ito. Ang sentral na pamahalaan ay tumugon sa sunog sa Reichstage sa pamamagitan ng isang atas na tinatawag na Atas ng Sunog sa Reichstag noong Pebrero 28 na nagaalis sa mga pangunahing karapatan kabilang na ang habeas corpus. Ang mga gawain ng Partidong Alemang Komunista ay sinugpo at ang mga kasapi nito ay dinakip, sapilitang pinaalis o pinatay.

Bukod sa pangangampanyang pampolitika, ang Nazi ay gumamit din ng dahas paramilitar at nagpakalat ng propagandang kontra-komunista sa mga araw bago ang halalan. Noong araw ng eleksiyon noong 6 Marso 1933, ang botong nakuha ng Nazi ay dumami sa 43.9% ng kabuuang boto at nakakuha ng pinakamaraming silya sa parlamento. Gayunpaman, ang partido ni Hitler na Nazi ay nabigong makakuha ng tiyak na mayoridad (majority) na nagresulta sa pangangailangan ng pagsanib sa partidong DNVP.

Araw ng Potsdam at Aktong Pagpapayag

Noong 21 Marso 1933, ang bagong Reichstag ay itinatag sa pamamaigtan ng isang bukas na seremonya na idinaos sa simbahang garrison ng Postdam. Ang Araw ng Potsdam ay idinaos upang ipakita ang rekonsilyasyon sa pagitan ng rebolusyonaryong kilusang Nazi at Lumang Prussia kabilang ang mga elitista nito at mga tinatantong mga birtud. Si Hitler ay lumabas na suot ang isang amerikanang may buntot (tail coat) at pakumbabang binati ang may edad ng pangulong si Hindenburg.

Sa paghahanap ng Nazi ng buong pampolitika na kontrol nang ito ay mabigong maakakuha ng absolutong mayoridad ng parlamento, ang gobyerno ni Hitler ay naghain ng Ermächtigungsgesetz (Aktong Pagpapayag) sa isang boto ng bagong nahalal na Reichstag. Ang lehislasyong ito ang nagbigay sa gabinete ni Hitler ng buong kapangyarihang lehislatibo sa loob ng apat na taon. Bagaman ang panukalang-batas (bill) na ito ay hindi una, ang aktong ito ay iba dahil ito`y pumapayag sa paglihis sa konstitusyon. Dahil sa ang panukalang-batas (bill) na ito ay kailangan ng ⅔ ng mayoridad upang mapasa, ang gobyerno ni Hitler ay nangailangan ng suporta ng ibang mga partido. Ang posisyon ng Partidong Sentro (Centre Party) na ikatlong pinakamalaking partido sa Reichstag ang lumabas na nagpasiya ng boto. Sa ilalim ng pamumuno Ludwig Kaas, ang Partidong Sentro ay nagpasiyang bumoto para sa Aktong Pagpapayag. Ginawa ito ng partidong ito kapalit ng garantiya (sa salita) ng kalayaan ng Simbahang Katoliko, ang mga concordat (kasunduan ng Simbahang Katoliko at mga soberanyang mga estado) na nilagdaan ng mga estadong Aleman at ang patuloy na pag-iral ng Partidong Sentro.

Noong Marso 23, ang Reichstag ay nagtipon sa kapalit na gusali sa ilalim ng magulong mga sirkunstansiya. Ang ilang mga tao ng SA ay nagsilbing guwardiya sa loob samantalang ang malaking mga grupo sa labas ay sumigaw ng mga slogan at mga banta sa paparating na mga miyembro ng parlamento. Inihayag ni Kaas na ang Partidong Sentro ay susuporta sa panukalang-batas (bill) na ito na ang mga pagkabahala ay isinantabi samantalang ang Demokratikong Sosyal na si Otto Wels ay kumondena sa aktong ito sa kaniyang talumpati. Sa pagtatapos ng araw, ang lahat ng partido maliban sa Demokratikong Sosyal ay bumoto pabor sa panukalang-batas na ito. Ang mga komunista gayundin din ang ilang mga Demokratikong Sosyal ay pinagbawalan na dumalo sa pagbotong ito. Ang Aktong Pagpapayag gayundin ang Atas ng Sunog sa Reichstag ang nagtransporma sa gobyerno ni Hitler bilang isang de paktong (de facto o sa pagsasanay) diktadurya (dictatorship).

Pag-alis ng mga natitirang limitasyon

Sa pagkakamit ng buong kontrol ng mga lehislatibo at ehekutibong mga sangay ng gobyerno, si Hitler at ang kaniyang mga kaalyansang pampolitika ay nagsagawa ng sistemang pagsupil ng mga natitirang mga kalabang pampolitika. Pagkatapos ng disolusyon ng Partidong Komunista, ang Partidong Sosyal Demokratiko ay pinagbawalan din at ang lahat ng mga ari-arian nito ay kinamkam. Ang Stahlhelm (Steel Helmets na paramilitar na organisasyong Republikang Weimar) ay iniligay sa pamumuno ni Hitler na may ilang autonomiya (sariling gobyerno) bilang suportang puwersa ng kapulisan. Noong Mayo 1, ang mga pagpoprotesta ay idinaos at ang Sturmabteilung (stormtroopers) ay winasak ang mga opisina ng mga unyong kalakalan (trade unions). Noong 2 Mayo 1933, lahat ng mga unyong kalakalan (trade unions) ay pinuwersang mabuwag. Ang isang bagong unyong organisasyon ay binuo na kumakatawan sa lahat ng mga manggagawa, administrador at mga may ari ng kompanya bilang isang grupo. Ang bagong unyong kalakalang ito ay repleksiyon ng konsepto ng pambansang sosyalismo sa espirito ng "Volksgemeinschaft" (komunidad ng lahat ng mga Aleman) ni Hitler.

Noong 14 Hulyo 1933, ang partidong Nazi ay inihayag na tanging legal na partido sa Alemanya. Ginamit ni Hitler ang Sturmabteilung (stormtroopers) upang pilitin si Hugenberg na magbitiw at isinulong ang pampolitika na isolasyon ng Bise-Kansilyer na si von Papen. Ang kagustuhan ng Sturmabteilung na magkaroon ng mas pampolitika at militar na kapangyarihan ay nagdulot ng pagkabalisa sa mga militar, industriyal at pampolitika na mga pinuno. Eto ang nagtulak kay Hitler upang alisin ang buong pamumuno ng Sturmabteilung kabilang si Ernst Röhm at ibang mga kalabang pampolitika gaya ni Gregor Strasser at dating Kansilyer na si Kurt von Schleicher. Ang mga aksiyong ito ay naganap mula Hunyo 30 hanggang 2 Hulyo 1934. Habang ang ilang mga Aleman ay nagulat sa pagpatay, maraming nakakita kay Hitler bilang isa na nagbalik ng kaayusan (order) ng bansa.

Noong 2 Agosto 1934, si Pangulong von Hinderburg ay namatay. Sa paglabag sa Konstitusyon ng Weimar na tumatawag sa eleksiyon ng pagkapangulo at sa kabila ng batas na naipasa nang nakaraang araw bilang antisipasyon sa papalapit na kamatayan ni Hindenburg, ang gabinete ni Hitler ay nagdeklara na ang posisyon ng pagkapangulo ay bakante at inilipat ang mga kapangyarihan ng pinuno ng estado kay Hitler bilang Führer und Reichskanzler (pinuno at kansilyer). Eto ang nag-alis ng pinakahuling legal na remedya kung saan si Hitler ay maaaring mapatalsik at halos lahat ng mga tseke at balanse (checks and balances o pagsaway ng ibang sangay ng gobyerno) sa kaniyang kapangyarihan. Ang ginawa ni Hitler ay lumabag din sa Aktong Pagpapayag na nagbabawal sa pakikialam sa opisina ng pagkapangulo.

Noong Agosto 19, ang pagsasama (merger) ng pagkapangulo at pagka-kansilyer ay inaprubahan ng plebisito na may suporta ng 84.6% ng mga botante.

Bilang pinuno ng estado, si Hitler ang naging Supremo Komander ng Puwersang Panghukbo (Armed Forces). Ang tradisyonal na katapatang panunumpa ng mga sundalo at mga marino ay binago upang magpatibay ng katapatan ng direkta kay Hitler imbis sa opisina ng Punong komander (commander-in-chief).

Simula nang 1938, ginawa ni Hitler na isailalim sa kaniyang direktang kontrol ang Puwersang Panghukbo sa pamamagitan ng pagpupuwersa sa pagbibitiw ng Kalihim ng Digmaan (dating Kalihim ng Pagtatanggol) na si Werner von Blomberg dahil sa ebidensiya na ang bagong asawa ni Blomberg ay may rekord sa pulisya ng prostitusyon. Inalis din Hitler ang komander ng hukbong si Koronel-Heneral Werner von Fritsch pagkatapos na ang Schutzstaffel (Protection Squadron) ay nagbigay ng hindi totoong mga alegasyon na si Fritsch ay lumahok sa isang relasyong homosekswal na nagresulta sa isang itim na sulat (black mail o banta upang makuha ang isang hinihingi). Ang episodyong ito ay nakilala bilang Blomberg–Fritsch Affair. Pinalitan din ni Hitler ang Kagawaran ng Digmaan ng Oberkommando der Wehrmacht (High Command of the Armed Forces, o OKW) na pinamunuan ni Heneral Wilhelm Keitel. Sa simula nang 1938, labindalawang heneral (maliban kay Blomberg at Fritsch) ay tinanggal din.

Ikatlong Reich

Sa kaniyang pag-iisa ng kaniyang mga kapangyarihang pampolitika, sinugpo at inubos ni Hitler ang oposisyon sa prosesong tinaguriang Gleichschaltung ("iayon"). kaniyang tinangka na magkamit ng karagdagang mga suporta ng publiko sa pamamagitan ng pangangakong pagbabaliktad ng mga epekto ng Dakilang depresyon at ng Kasunduang Versailles.

Ekonomiya at kultura

Ang pagtaas ng mga gawaing ekonomiko ay pinagana sa malaking bahagi ng muling pagpipinansiya (refinancing) ng mga matagalang terminong mga utang sa mas maikling mga terminong mga utang at pagpalawig ng militar. Halimbawa, ang rekonstruksiyon ni Hitler at muling pag-aarmas ng militar ay pinondohan sa pamamagitan ng manipulasyon ng pera ni Hjalmar Schacht kabilang ang mga kredito sa sa mga perang Mefo.

Ang mga patakaran ng Nazi ay malakas na humikayat sa mga kababaihan na mag-anak at manatili sa bahay. Noong Setyembre 1934 na pananalumpati ni Hitler sa NS-Frauenschaft (National Socialist Women's League), siya ay nangatwirang para isang babaeng Aleman, ang "kaniyang mundo ay para sa kaniyang asawa, pamilya, mga anak at bahay". Ang Krus ng Karangalan ay iginawad sa mga inang Aleman na nag-anak ng apat o mas maraming mga anak. Ang kawalang trabaho ay bumagsak ng lubusan na sa malaking bahagi ay sa pamamagitan ng paglikha ng mga armas (sandata), restriksiyon sa mga unyong pangtrabaho, at paghinto ng mga kababaihan sa pagtatrabaho.

Pinangasiwaan ni Hitler ang pinakamalaking kampanya ng pagpapabuti ng estruktura sa kasaysayan ng Aleman na humantong sa pagkakalikha ng mga dam, autobahn, mga riles ng tren at iba pang mga estrukturang sibil. Gayunpaman, ang mga programang ito ay nagpababa ng pangkalahatang pamantayan ng pamumuhay ng mga manggagawa na sa simula ay hindi naapektuhan ng tuloy tuloy na kawalang trabaho ng Republika ng Weimar. Ang mga suweldo ay lumiit bago ang mga taon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig samantalang ang presyo ng pamumuhay ay lumago ng 25%. Mula 1933 hanggang 1934, ang mga suweldo ay dumanas ng pagbawas na 5%.

Ang gobyerno ni Hitler ay nagtaguyod ng arkitektura sa sobrang laking sakop. Si Albert Speer na instrumental sa pagpapatupad ng mga klasisistang interpretasyon ni Hitler ng kulturang Aleman ang naging kauna-unahang arkitekto ng Reich. Noong 1936, binuksan ni Hitler ang tag-init na Larong Olimpiko sa Berlin. Si Hitler ay nagkaroon ng ilang kontribusyon sa disenyo ng Volkswagen Beetle at inatasan si Ferdinand Porsche sa pagdidisenyo at konstruksiyon nito.

Noong 20 Abril 1939, isang masigabong pagdiriwang ng ika-50 kaarawan ni Hitler ay idinaos na nagtatampok ng mga parada, pagbisita ng mga dignitaryong dayuhan, mga bandilang Nazi at libo libong mga nagaalab na sulo (torches).

Ayon sa mga historyan na sina David Schoenbaum at Henry Ashby Turner, ang sosyal at ekonomikang mga patakaran ni Hitler ay isang modernisasyon na may mga layuning laban sa moderno. Ang iba gaya ni Rainer Zitelman ay nagsaad na si Hitler ay may sadyang stratehiya ng pagpupursigi ng isang rebolusyanoryong modernisasyon ng lipunang Aleman.

Muling pag-aarmas at mga bagong kaalyansa

Sa isang pulong ng mga Alemang pinunong militar noong 3 Pebrero 1933, si Hitler ay nagsalita ng "pagsakop ng Lebenstraum sa Silangan at ang walang habag na pagsasa-Aleman (germanisation) nito" bilang pinakahuling pangdayuhang patakaran na layunin . Noong Marso 1933, ang kalihim ng estado sa Auswärtiges Amt (Foreign Office) na si Prinsipe Bernhard Wilhelm von Bülow ay naglabas ng isang pangunahing pangungusap na nagtataguyod ng Anschluss kasama ang Austria na pagpapanumbalik ng mga pambansang hangganan (borders) ng Alemanya nang 1914, pagtatakwil sa Bahaging Lima ng kasunduan ng Versailles, ang pagbabalik ng mga dating kolonya ng Alemanya sa Aprika at isang sonang Alemang na impluwensiya sa Silangang Europa. Nakita ni Hitler na ang mga layunin ni Bülow ay sobrang magaan.

Sa kaniyang mga pananalumpating kapayapaan noong gitna ng 1930, binigyang diin ni Hitler ang mga layuning mapayapa ng kaniyang mga patakaran at pagpayag ng pakikipagtulungan sa mga kasunduang internasiyonal. Sa unang pulong ng kaniyang gabinete noong 1933, ginawang pangunahin ni Hitler ang paggastos sa militar kesa sa pagpapagaan ng kawalang trabaho. Noong Oktubre 1933, inalis ni Hitler ang Alemanya sa mga Liga ng mga Bansa at sa Kumperensiya ng Pangdaigdigag Disarmamento (pagbubuwag ng mga armas). Ayon sa kaniyang kalihim pangdayuhan na si Baron Konstantin von Neurath, ang hinihingi ng mga Pranses para sa sécurité ang pangunahing hadlang.

Noong Marso 1935, itinakwil ni Hitler ang ikalimang bahagi ng kasunduan ng Versailles sa pamamagitan ng paghahayag ng pagpapalawig ng hukbong Aleman sa 600,000 na mga miyembro na anim na beses na mas marami sa kondisyon ng Kasunduan ng Versailles. Kabilang din dito ang pagpapaunlad ng Puwersang Panghimpapawid (Luftwaffe o air force) at pagpapalaki ng bilang ng hukbong-dagat (navy). Ang mga bansang Britanya, Pransiya, Italya at Liga ng mga Bansa ay kumondena sa mga planong ito.

Noong 18 Hunyo 1935, ang Kasunduang Britanya-Aleman ng hukbong pandagat (AGNA) ay nilagdaan na pumapayag sa tonnage (kapasidad ng barko) ng Alemanya na magkaroon 35% dagdag sa sukat ng hukbong dagat ng Britanya. Tinawag ni Hitler na ang paglalagd sa sa AGNA ang "pinakamasayang araw sa aking buhay" dahil sa paniniwalang ito ang hudyat ng simula ng alyansang Britanya at Alemanya na kaniyang hinulaan sa Mein Kampf. Ang mga bansang Pransiya at Italya ay hindi kinonsulta bago ang paglalagda na direktang nagpapawalang kabuluhan sa Liga ng mga Bansa gayundin sa kasunduan ng Versailles.

Noong Setyember 13, 1935, inatasan ni Hitler si Dr. Bernhard Lösener at Franz Albrecht Medicus ng Kagawarang Panloob na simulang magbalangkas ng mga batas na antisemitiko para ito ay maidala sa sahig ng Reichstag (parlamento ng Alemanya). Noong 15 Setyembre 1935, si Hitler ay nagpresenta ng dalawang batas sa Reichstag na tinatawag na mga Batas ng Nuremberg. Ang mga batas na ito ay nagbabawal ng pagpapakasal sa pagitan ng mga hindi-Hudyo at mga mga Hudyong Aleman at nagbabawal sa pagtanggap sa trabaho ng mga hindi-Hudyong babae babae na bababa sa 45 taong gulang sa mga tahanang Hudyo. Ang mga batas na ito ay nag-aalis ng mga tinatawag na "hindi-Aryan" ng mga benepisyo ng pagkamamamayang Aleman.

Noong Marso 1936, muling sinakop ni Hitler ang sonang demilitarized (mga lugar na pinagbabawalan ang mga gawaing militar) sa Rhineland na isang paglabag sa kasunduan ng Versailles. Nagpadala si Hitler ng mga tropa (troops) sa Espanya upang suportahan si Henereal Franko nang makatanggap si Hitler ng apela sa tulong noong Hulyo 1936. Sa parehong panahon, ipinagpatuloy ni Hitler ang kaniyang pagsisikap na lumikha ng alyansang Britanya-Aleman.

Noong Agosto 1936, bilang tugon sa papalagong krisis ng ekonomiya na resulta ng mga pag-aarmas, si Hitler ay naglabas ng memorandum na nag-aatas kay Hermann Göring na isagawa ang isang Apat na Taong Plano na naghahanda sa Alemanya para sa isang digmaan sa darating na apat na taon. Ang Apat na Taong Planong Memorandum na ito ay naglalatag ng malapit na buong pakikidigma sa pagitan ng Hudyo-Bolshebismo at Pambansang Alemang Sosyalismo na sa pananaw ni Hitler ay nangangailangan ng paguukol sa pag-aarmas kahit ano pa ang magiging gastos nito sa ekonomiya.

Noong 25 Oktubre 1936, si Konde Galeazzo Ciano na kalihim pangdayuhan ng gobyerno ni Benito Mussolini ay naghahayag ng aksis (kasunduan) sa pagitan ng Alemanya at Italya. Noong Nobyembre 25, ang Alemanya ay lumagda sa Kasunduan Anti-Comintern (Laban sa komunista) kasama ang bansang Hapon. Ang mga bansang Britanya, Tsina, Italya at Poland ay inimbitahan rin upang sumali sa Kasunduang ito ngunit ang Italya lamang ang lumagda dito noong 1937. Sa huli ng 1937, iniwan na ni Hitler ang kaniyang panaginip ng isang alyansang Britanya-Alemanya na sumisi sa kawalang sapat na pamumuno sa Britanya.

Noong 5 Nobyembre 1937, si Hitler ay nagsagawa ng isang sikretong pagpupulong sa Kansilyerya ng Reichstage kasama ang kaniyang mga kalihim pangdayuhan at mga hepe ng militar ukol sa kaniyang pakikipagdigma. Sa naitala sa memorandum na Memorandum, isinaad ni Hitler ang kaniyang intensiyong makuha ang Lebensraum ("buhay na espasyo") para sa mga Aleman at nag-atas ng paghahanda para sa digmaan sa silangan na magsisimula ng hindi lalagpas sa 1943. Isinaad din ni Hitler na ang mga minute (minutes o tala ng pagpupulong) ng kumperensiyang ito ay ituturing na kaniyang "testamentong pampolitika" sa pangyayaring siya ay mamatay. Sinabi din ni HItler na ang krisis sa ekonomiya ng Alemanya ay mapipigil lamang ng patakarang pananakit militar na susunggab sa Austria at Czechoslovakia. Hinikayat ni Hitler ang isang mabilis na aksiyon bago ang Britanya at Pransiya ay manguna sa labanan ng armas (sandata).

Noong simula nang 1939 kasunod ng pangyayaring Blomberg–Fritsch, isinaad ni Hitler ang kaniyang kontrol ng militar-pangdayuhang patakarang aparato at ang pagbuwag ng Kagawarang pandigmaan at pagpapalit nito ng Oberkommando der Wehrmacht (OKW). kaniyang pinatalsik si Neurath bilang kalihim ng kagawarang pangdayuhan noong 4 Pebrero 1938 at gumampan ng tungkulin at titulong Oberster Befehlshaber der Wehrmacht (Supremong komander ng Hukbong pang-armas). Mula 1938 at pasulong nito, si Hitler ay nagsasagawa ng patakarang pandayuhan na ang pinakahuling layunin nito ay pakikidigma.

Holocaust

Ang isang Amerikanong sundalo ay nakatayo malapit sa isang kariton na punong puno ng mga bangkay sa labas ng krematoryum sa bagong pinalayang konsentrasyong kampo (concentration camp) sa Buchenwald noong Abril 1945

Ang isa sa pinakasentral at pinakakontrobersiyal na ideolohiya ni Hitler ang konseptong kaniyang tinatawag at ng kaniyang mga tagasunod na "kalinisan ng lahi" (racial hygiene). Ang mga patakarang euheniko (eugenic) ni Hitler ay sa simula ay tumututok lamang sa mga batang may pisikal at pag-unlad (developmental) na kapansanan sa programang tinawag na Action T4.

Ang ideya ni Hitler ng Lebenstraum na tinaguyod sa Mein Kampf ay nakapokus sa pagkakamit ng mga bagong teritorya na matitirhan ng mga Aleman sa Silangang Europa. Ang Generalplan Ost ("General Plan for the East") ay tumatawag sa populasyon ng mga nasakop na Silangang Europa at Unyong Soviet na ipatapon sa Kanlurang Siberia, gawing alipin, o ipapatay. Ang mga nasakop na teritoryo ay pupunuin ng mga Aleman o mga naging Alemang titira. Ayon sa Amerikanong historyan na si Timothy D. Snyder:

Inisip ni Hitler ang pagsakop na nag-aalis ng modernisasyon ng Unyong Soviet at Poland na kikitil sa sampung milyong mga buhay. Ang nakikitang bisyon ng pamumunong Nazi ay isang silangang hangganan na naubos ang populasyon at naalis ang industrialisasyon at ginawang pagsasakang sakop ng mga pinunong Aleman. Ang bisyong ito ay may apat na mga bahagi. Una, ang Soviet ay babagsak pagkatapos ng pagkapanalo ng mga Aleman sa tag-init ng 1941 gaya ng ng nangyari sa estado ng Poland noong tag-init ng 1939 na mag-iiwan sa mga Aleman ng lubos na kontrol sa Poland, Belarus, Ukrain, kanlurang Russia at Caucasus. Ikalawa, ang planong paggutom ay papatay sa mga 30 milyong mamamayan ng mga lupaing ito sa tag-ginaw nang 1941–1942 habang ang mga pagkain ay inililipat sa Alemanya at kanlurang Europa. Ikatlo, ang mga hudyo sa Unyong Soviet na nakaligtas sa paggutom kabilang na ang mga Hudyong taga Poland at ibang mga Hudyong nasa pangangasiwa ng Alemanya ay uubusin sa Europa sa isang solusyong pinal. Ikaapat, ang Generalplan Ost ay nakikita ang deportasyon, pagpatay, pang-aalipin at ang asimilasyon ng mga natitirang populasyon at muling pagtira sa silangang Europa ng mga mananakop na Aleman pagkatapos ng pagkapanalo...Nang maging malinaw noong ikalawang kalahati ng 1941 na ang digmaan ay hindi umaayon sa plano, ginawang malinaw ni Hitler na ang pinal na solusyon ay ipatupad agad.

Sa pagitan ng 1939 at 1945, ang Schutzstaffel (SS) na tinulungan ng nakikipagsabwatang mga pamahalaan at akay sa mga sinakop na bansa ang responsable sa kamatayan ng labing-isa hanggang labing-apat na milyong katao kabilang ang anim na milyon mga hudyo na kumakatawan sa dalawa sa tatlo (2/3) ng populasyon Hudyo sa Europa. Ang pagpatay ay naganap sa mga konsentrasyong mga kampo (concentration camps), ghetto, at sa pamamagitan ng eksekusyon ng masa. Karamihan sa mga biktima ng Holocaust ay gi-naas gamit ang nakalalasong mga gaas samantalang ang iba ay namatay sa kagutuman o sakit habang aliping pinagtatrabaho.

Ang mga patakaran ni Hitler ay nagresulta rin sa pagpatay ng mga Pole, mga bilanggo ng digmaang Soviet at ibang mga kalabang pampolitika, mga homosekswal, Roma, ang mga may kapansanang pisikal at sakit sa pag-iisip, mga saksi ni Jehovah, mga Sabadista, mga uniyonista ng kalakalan. Ang isa sa pinakamalaking sentro ng pagpatay ng masa ang kampong eksterminasyong kompleks ng Auschwitz-Birkenau. Si Hitler ay hindi kailanman bumisita sa mga konsentrasyong kampo (concentration camps) at hindi nagsalita sa publiko ng tungkol sa mga pagpatay.

Ang Holocaust (ang "Endlösung der jüdischen Frage" o "Pinal na Solusyon ng Katanungang Hudyo") ay pinangasiwaan at isinagawa ni Heinrich Himmler at Reinhard Heydrich. Ang mga tala ng kumperensiyang Wannsee na naganap noong 20 Enero 1942 at pinamunuan ni Reinhard Heydrich kasama ang labinlimang senyor na opisyal ng Nazi (kabilang si Adolf Eichmann) na lumahok dito ay nagbigay ng maliwanag na ebidensiya ng sistematikong pagpaplano ng Holocaust. Noong Pebrero 22, si Hitler ay muling naitalang nagsabi sa kaniyang mga kasamang "muli nating mababawi ang ating kalusugan sa pagubos ng mga Hudyo".

Bagaman walang spesipikong utos mula kay Hitler na nagbibigay ng kapangyarihan sa pagpatay ng masa na lumitaw, kaniyang inaprubahan ang Einsatzgruppen na isang pumapatay na skwad (squad) na sumunod sa hukbong Aleman hanggang Poland at Russia at kaniyang lubos na alam ang mga gawain nito. Sa pagtatanong ng mga intelihensiyang opiser ng Soviet na ginawang publiko pagkatapos ng limampung taon, ang valet (personal na attendant) ni Hitler na si Heinz Linge, at adjutant (katulong) nitong si Otto Günsche ay nagsaad na si Hitler ay may direktang interes sa paglikha ng mga kulungan ng gaas (gas chambers).

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Mga pagtatagumpay diplomatiko

Alyansa sa bansang Hapon

Noong Pebrero 1938, sa payo ng kaniyang bagong hirang na Kalihim Pangdayuhan na isang malakas na tagataguyod ng Hapon na si Joachim von Ribbentrop, winakasan ni Hitler ang alyansa sa bansang Tsina upang pumasok sa alyansa sa mas moderno at mas makapangyarihan bansang Hapon. Inihayag ni Hitler ang pagkilalang Aleman ng Manchukuo na sinakop ng Hapones sa Manchuria at isinuko ang pag-aankin ng Alemanya sa mga dating kolonyang hinawakan ng Hapon. Iniutos ni Hitler ang pagtigil ng pagpapadala ng mga armas sa Tsina at kaniyang pinauwi ang mga opiser na Aleman na nakikipagtulungan sa hukbo ng Tsina. Sa paghihiganti, ang Tsinong Heneral na Chiang Kai-shek ay nagpatigil ng lahat ng kasunduang ekonomiko ng Tsina at Aleman na nag-aalis sa Alemanya ng karapatan sa maraming mga hilaw na materyal ng Tsina bagaman nagpatuloy pa rin ang Tsina sa pagpapadala ng tungsten hanggang 1939 na mahalaga sa paglikha ng mga armas.

Austria and Czechoslovakia

Noong 12 Marso 1938, idineklara ni Hitler ang pag-iisa ng Austria sa Alemanyang Nazi sa Anschluss. Ibinaling naman ni Hitler ang kaniyang atensiyon sa etnikong Alemang populasyon ng Sudetenland na isang distrito ng Czechoslovakia.

Noong Marso 28–29, 1938, si Hitler ay nagdaos ng sunod sunod na sikretong pakikipagpulong sa Berlin kay Konrad Henlein ng Sudeten Heimfront (Home Front) na pinakamalaking etnikong Alemang partido sa Sudetenland. Pareho nilang pinagkasunduang si Henlein ay hihingi ng karagdagang autonomiya para sa mga Alemang Sudeten mula sa gobyerno ng Czechoslovakia upang magbigay ng preteksto (dahilan) sa isang militar na aksiyon ng Alemanya laban sa Czechoslovakia. Noong Abril 1938, sinabi ni Henlein sa kalihim pangdayuhan ng Hungarya na "anumang ialok ng gobyernong Czech, siya ay palaging magtataas ng kahilingan... kaniyang nais na isabotahe ang pang-unawa sa anumang paraan dahil eto lamang ang paraan upang pasabugin ng mabilis ang Czechoslovakia". Sa pribado, itinuring ni Hitler ang isyu ng Sudeten na hindi mahalaga. Ang kaniyang tunay na intensiyon ay pagsakop sa isang digmaan sa Czechoslovakia.

Noong Abril 1938, iniutos ni Hitler sa OKW na maghanda para sa Fall Grün ("Case Green"), ang pangalang koda para sa pagsakop ng Czechoslovakia. Bilang resulta ng matinding pagpipilit diplomatiko ng Pransiya at Britanya, inihayag ng Pangulo ng Czechoslovakia na si Edvard Beneš noong 5 Setyembre 1938 ang "Ikaapat na Plano" para sa muling pagsasaayos ng konstitusyon ng kaniyang bansa na pumapayag sa lahat ng halos hinihingi ni Henlein para sa autonomiya ng Sudetenland. Ang Heimfront ni Henlein ay tumugon sa alok ni Beneš' ng sunod sunod na marahas na pakikipagsagupaan sa pulisya ng Czechoslovakia na nagresulta sa pagdedeklara ng batas militar (martial law) sa ilang distrito ng Sudetenland.

Mula kaliwa hanggang kanan: Chamberlain, Daladier, Hitler, Mussolini, at Ciano na nilitratuhan bago ang paglalagda ng Kasunduang Munich na nagbibigay ng Sudetendland Sa Alemanya.

Ang Alemanya ay nakadepende sa inangkat na langis (imported oil). Ang isang konprontasyon sa Britanya dahil sa alitang Czechoslovakian ay maaring magbawas ng suplay ng langis ng Alemanya. Sinuspinde ni Hitler ang Fall Grün na orihinal na nakaplano para sa 1 Oktubre 1938. Noong 29 Setyembre 1938, si Hitler, Neville Chamberlain, Édouard Daladier, at Benito Mussolini ay dumalo ng isang araw na kumperensiya sa Munich na nagresulta sa Kasunduang Munich na nagsasaad ng paglipat ng mga distrito ng Sudetenland sa Alemanya.

Si Chamberlain ay nasiyahan sa kumperensiya sa Munich na kaniyang tinawag ang kinalabasan na "kapayapaan para sa ating panahon" samantalang si Hitler ay nagalit sa nawalang oportunidad para sa digmaan noong 1938. Inihayag ni Hitler ang kaniyang pagkasiphayo sa Kasunduang Munich sa kaniyang talumpati noong 9 Oktubre 1938 sa Saarbrücken. Sa pananaw ni Hitler, ang pinamagitan ng Britanyang kapayaan, bagaman pabor sa paimbabaw na mga hinihingi ng Aleman ay isang pagkatalong diplomatiko na nagudyok sa pagnanais ni Hitler ng paglilimita ng kapanyarihan ng Britanya upang magbigay daan sa pagpapalawak ng Alemanya sa silangan. Bilang resulta ng kumperensiyang ito, si Hitler ay napili ng Time Magazine na "Tao ng Taon" (Man of the Year) noong 1938.

Noong huli nang 1938 at simula nang 1939, ang patuloy na krisis ng ekonomiya na sanhi ng muling pag-aarmas ay nagpuwersa kay Hitler na gumawa ng malaking pagputol sa pagtatangol. Si Hitler ay gumawa ng talumapating "luwas o mamatay" noong 30 Enero 1939 na tumatawag sa opensibang ekonomikong Aleman upang padamihin ang hawak na dayuhang pagpapalit (foreign exchange) upang ipambayad sa mga hilaw na materyal gaya ng mataas na uri ng iron na kailagan para sa mga sandatang militar.

Ang mga tindahang Hudyo ay winasak sa Magdeburg kasunod ng Kristallnacht noong Nobyembre 1938.
"Ang isang bagay na gusto kong sabihin sa araw na ito na maaaring maging kaala-alala sa iba gayundin sa ating mga Aleman: Sa buong kurso ng buhay ko, ako ay malimit na naging isang propeta at ako ay karaniwang kinukutya dahil dito. Sa panahon ng aking pakikibaka para sa kapangyarihan, sa unang instansiya na ang lahing Hudyo na tanging tumanggap ng aking mga propesiya na may pagtawa nang aking sabihing isang araw, aking gagampanan ang pamumuno ng estado at ng buong bansa at sa maraming mga bagay, aking lulutasin ang problemang Hudyo. Ang kanilang tawa ay sobrang hiyawan ngunit sa tingin ko sa isang panahon ngayon, sila ay tatawa sa kabilang panig ng kanilang mukha (o ang darating sa kanila ay makakapagbalisa sa kanila). Ngayon, ako ay sa isang beses pa magiging propeta. Kung ang internasyonal na tagapondong mga Hudyo sa labas ng Europa ay magtagumpay sa pagsadlak ng mga bansa sa isa pang digmaang pandaigdig, ang resulta ay hindi ang bolshebisasyon (bolshevisation) ng mundo at kaya ay pagwawagi ng sangka-hudyohan kundi ang anihilasyon (pagkawasak) ng lahing Hudyo sa Europa".

Noong 15 Marso 1939, sa paglabag sa Kasunduang Munich at posibleng bilang resulta ng papalalim na krisis ng ekonomiya na nangangailangan ng karagadagang mga pag-aari, inutos ni Hitler sa Wehrmacht na sakupin ang Prague at mula sa Kastilyong Prague ihayag ang Bohemia at Moravia na mga protektorado ng Alemanya.

Simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Sa mga pribadong pakikipagtalakayan noong 1939, inilarawan ni Hitler ang Britanya bi lang pangunahing kaaway na kailangang talunin. Sa pananaw ni Hitler, ang pagkakabura ng Poland bilang bansang soberanya ay kinakailangang panimula ng layuning ito. Ang silangang flank (gilid ng pormasyong militar) ay susunggaban at ang lupain ay madadagdag sa Lebenstraum ng Alemanya. Ninais ni Hitler na ang Poland ay maging isang estadong satellite (bansang independiyente ngunit nasa ilalim ng kontrol ng isa pang bansa) o maging neutral upang maingatan ang silangang flank ng Reich at upang mapigil ang posibleng pagharang ng Britanya. Sa simula, pumabor si Hitler sa ideya ng estadong satellite ngunit ito ay itinakwil ng gobyerno ng Poland. Dahil dito, si Hitler ay nagpasiyang sakupin ang Poland. kaniyang ginawa itong pangunahing patakarang pangdayuhang layunin noong 1939. Hindi nasiyahan si Hitler sa garantiya ng Britanya ng independensiya ng Poland na inilabas noong 1939 at kaniyang sinabi sa kaniyang mga kasama na "ipakukulo ko sila ng inumin ng diyablo". Sa isang talumpati sa Wilhelmshaven para sa paglulunsad ng barkong pandigma na Tirpitz noong 1 Abril 1939, nagbanta muna si Hitler na kokondenahin ang Briton-Alemanyang Kasunduang Pandagat kung ang Britanya ay magpipilit ng paggagarantiya ng independensiya ng Poland na kaniyang natantong patakarang "pagpapalibot". Noong 3 Abril 1939, inutos ni Hitler sa hukbo na maghanda para sa Weiss (Case White) na planong pagsakop sa Poland ng Alemanya noong 25 Agosto 1939. Sa isang talumpati sa Reichstag noong 28 Abril 1939, kinonenda ni Hitler ang Briton-Aleman na Kasunduang Pandagat at ang kasunduang Aleman-Polish na kawalang-agresyon. Noong Agosto 1939, sinabi ni Hitler sa kaniyang mga heneral na ang kaniyang orihinal na plano para sa 1939 ay upang "lumikha ng katanggap tanggap na ugnayan sa Poland upang labanan ang Kanluran". Dahil sa ang Poland ay tumangging maging estadong satellite ng Alemanya, si Hitler ay naniwalang ang kaniyang tanging opsiyon ay sakupin ang Poland.

Sa simula ay nabahala si Hitler na ang pag-atakeng militar laban sa Poland ay maaaring magresulta ng maagang digmaan laban sa Britanya. Gayunpaman, ang kalihim pangdayuhan ni Hitler at dating embahador sa London na si Joachim von Ribbentrop ay sumiguro kay Hitler na ang hindi tutuparin ng Britanya o Pransiya ang kanilang mga pangako sa Poland at ang digmaang Aleman-Polish ay limitado lamang sa isang rehiyonal na digmaan. Inagkin rin ni Ribbentrop na noong Disyembre 1938, ang kalihim pandayuhan ng Pransiya na si Georges Bonnet ay nagsabing itinuturing ng Pransiya na ang Silangang Europa ay eksklusibong sakop ng impluwensiya ng Alemanya. Ipinakita rin ni Ribbentrop kay Hitler ang mga kableng diplomatiko na sumusuporta sa kaniyang analisis. Ang Alemang embahador sa London na si Herbert von Dirksen ay sumuporta naman sa analisis ni Ribbentrop sa isang dispatya noong Agosto 1939 na nag-uulat na alam ni Chamberlain "ang sosyal na estruktura ng Britanya kahit ang konsepsiyon ng Imperyong Britanya ay hindi makakaahon sa kaguluhan ng digmaan kahit ng isang pagwawaging digmaan" kaya ito ay uurong. Kaya naman noong 21 Agosto 1939, si Hitler ay nagutos ng isang mobilisasyon laban sa Poland.

Ang mga plano ni Hitler para isang militar na kampanya sa Poland nang huli ng Agosto o simula ng Setyembre ay nangangailangan ng tahimik na suporta ng Unyong Soviet. Ang kawalang-agresyong kasunduan (o Ang Kasunduan Molotov-Ribbentrop) sa pagitan ng Alemanya at Unyong Soviet na pinamunuan ni Joseph Stalin ay kinabibilangan ng mga sikretong protokol na may kasunduang hahatiin ang Poland sa pagitan ng dalawang mga bansa. Bilang tugon sa Aleman-Soviet na kasunduang kawalang-agresyon at salungat sa prediksiyon ni Ribbentrop na ang bagong binuong kasunduan ay puputol sa ugnayang Britanya-Poland, ang Britanya at Poland ay lumagda ng alyansang Britanya-Poland noong Agosto 1939. Eto, kasama ang balita mula sa Italya na si Mussolini ay hindi tutupad sa Kasunduan ng Bakal ay nagdulot kay Hitler na ipagpaliban ang pag-atake sa Poland mula Agosto 25 hanggang Setyembre 1. Sa mga araw bago ang digmaan, sinubukang imani-obra ni Hitler ang Britanya sa pagiging neutral sa pamamagitan ng pag-aalok ng garantiya ng kawalang-agresyon sa Imperyong Britanya noong Agosto 1939 at sa pamamagitan ng pagpapagawa kay Ribbentrop ng huling-minutong plano ng kapayapaan na may imposibleng maikling panahong limitasyon sa pagsisikap na isisi ang digmaan sa kawalang aksiyon ng Britanya at Poland.

Bilang preteksto (dahilan) para sa isang agresyong militar laban sa Poland, inangkin ni Hitler ang Malayang Siyudad ng Danzig at ang karapatan para sa ekstra-teritoryal na mga kalsada sa buong korehidor ng Poland na ipinaubaya ng Alemanaya sa ilalim ng Kasunduan ng Versailles. Sa kabila ng kaniyang pagkabahala sa isang posibleng pakikialamn ng Britanya, si Hitler ay sa huli hindi nagpigil sa kaniyang layunin na sakupin ang Poland at noong 1 Setyembre 1939, sinakop ng Alemanya ang Kanlurang Poland. Bilang tugon, Ang Britanya at Pransiya ay nagdeklara ng digmaan laban sa Alemanya noong 3 Setyembre 1939. Eto ay gumulat kay Hitler na nagtulak sa kaniya upang bumaling kay Ribbentrop at galit na nagtanong "Ano na ngayon?". Ang Britanya at Pransiya ay hindi kumilos ng agaran sa kanilang deklarasyon at noong 17 Setyembre 1939, ang mga puwersang Soviet ay sumakop sa Silangang Poland.

Ang Poland ay hindi na muling aahon sa anyo ng Kasunduan ng Versailles. Eto ay ginagarantiya hindi lamang ng Alemanya, kundi ng Russia. — Adolf Hitler sa kanyang publikong talumpati sa Danzig noong huli nang Setyembre 1939

Ang pagbagsak ng Poland ay sinundan ng mga tinatawag ng mga hornalista sa panahong ito na "Pekeng digmaan" o Sitzkrieg ("nakaupong digmaan"). Inutusan ni HItler ang dalawang bagong Gauleiter (pinuno ng lokal na sangay ng Nazi) sa hilagang-kanluraning bahagi ng Poland na sina Albert Forster at Arthur Greiser na gawing Aleman ang bahaging ito at nangako sa kanilang "wala ng mga tanong na itatanong" kung paanong ang "Alemanisasyon ay isasagawa". Ginawa ni Forster na paglagdain ang mga lokal na mamamayan ng Poland na lumagda ng anyong nagsasaad na sila ay may dugong Aleman at hindi na nangailangan pa ng mga karagdagang dokumentasyon. Si Greiser ay nagsagawa naman ng brutal na paglilinis ng lahi (ethnic cleansing) sa populasyong Polish na nasa kaniyang sakop. Si Greiser ay nagreklamo kay Hitler na pinapayagan ni Forster ang mga libo libong Pole na tanggapin bilang "lahing" Aleman na sa pananaw ni Greiser ay pagpapanganib sa "pagkadalisay ng lahing Aleman". Sinabi ni Hitler kina Himmler at Greiser na dalhin ang kanilang pagkasiphayo kay Forster at huwag na siyang isangkot pa dito. Ang paghawak ni Hitler sa alitang Forster-Greiser ay isinulong bilang halimbawa ng teoriya ni Ian Kershaw ng "Paggawa tungo sa Führer" na si Hitler ay naglabas ng mga hindi malinaw na instruksiyon at umaasang ang kaniyang nasasakupan ay gumawa ng mga patakaran sa kanilang sarili.

Isa pang alitan ang sumiklab sa pagitan ng iba't ibang mga paksiyon. Ang isang panig na kinakatawan ni Himmler at Greiser ay nagtaguyod ng pagsasagawa ng paglilinis ng lahi sa Poland. Sa kabilang panig naman na kinakatawan ni Göring at Hans Frank ay tumatawag sa pagsasagawa ng Poland bilang granaryo (malagong rehiyong tinataniman ng mga butil ng Reich. Sa isang kumperensiyang idinaos sa estadong Karinhall ni Göring noong 12 Pebrero 1940, ang alitan ay sa simula nalutas na pabor sa pananaw ni Göring-Frank ng eksploytasyong ekononomiko na nagwakas sa nakakagambala sa ekonomiyang pagpapatalsik ng masa. Noong Mayo 1940, si Himmler ay nagtanghal kay Hitler ng isang memo na pinamagatang "Ilang Pag-iisip sa Pagtrato ng mga populasyong alien (dayuhan) sa Silangan" na tumatawag sa pagpapatalsik ng buong populasyon ng Hudyo mula sa Europa sa Aprika at pagpapaliit ng natitirang populasyon sa isang "walang pinunong uri ng mga manggagawa". Tinawag ni Hitler ang memo ni Himmler na "mabuti at tama". kaniyang winasak ang tinatawag na kasunduang Karinhall at ipinatupad ang pananaw na Himmler-Greiser bilang patakarang Aleman para sa populasyong Polish.

Sinimulang palakasin Hitler ang mga puwersang militar sa kanlurang hangganan ng Alemanya at noong Abril 1940, sinakop ng mga puwersang Aleman ang Denmark at Norway. Noong Mayo 1940, inatake ng mga puwersa ni Hitler ang Pransiya at sinakop ang Luxembourg, Netherlands, at Belgium. Ang mga pagwawaging ito ay nagtulak kay Benito Mussolini na isali ang Italya sa mga puwersa ni Hitler noong 10 Hunyo 1940. Ang Pransiya ay sumuko noong 22 Hunyo 1940.

Ang Britanya na ang mga puwersa nito ay napilitang iwan ang Pransiya sa dagat mula sa Dunkirk ay nagpatuloy na lumaban kasama ng ibang mga dominyon ng Britanya sa Digmaan sa Atlantiko. Si Hitler ay gumawa ng mungkahing kapayapaan para sa Britanya na sa panahong ito ay pinamumunuan ni Winston Churchill. Nang ito ay itakwil ng Britanya, nag-utos si Hitler ng pagbobomba sa Nagkakaisang Kaharian (United Kingdom). Ang pasimula sa planong pagsakop ni Hitler sa Britanya ang malawakang pag-atake sa himpapawid sa Labanan sa Britanya sa base ng Royal Air Force at mga estasyong radar sa Timog-Silangang Inglatera. Gayunpaman, nabigong talunin ng Alemang Luftwaffe ang Royal Air Force ng Britanya.

Noong Seytembre 27, 1940, ang isang Kasunduang Tripartite ay nilagdaan sa Berlin nina Saburō Kurusu ng Imperyong Hapon, Hitler at kalihim pandayuhan ng Italya na si Ciano. Ang kasunduan ay kalaunang kinabilangan ng Hungarya, Romania at Bulgaria. Ang mga ito ay sama samang tinawag na Kapangyarihang aksis (axis powers). Ang layunin ng kasunduan ay upang pigilan ang Estados Unidos na suportahan ang Britanya. Sa huli ng Oktubre 1940, ang pangunguna sa himpapawid para sa Operasyong Sea Lion ay hindi nakamit at iniutos ni Hitler ang gabi gabing pag-atake panghimpapawid ng mga siyudad ng Britanya kabilang ang London.

Sa tagsibol nang 1941, si Hitler ay nagambala mula sa kaniyang mga plano para sa Silangan ng kaniyang mga aktibidades sa Hilagang Aprika, Balkan at Gitnang Silangan. Noong Pebrero, ang mga puwersang Aleman ay dumating sa Libya upang palakasin ang presensiya ng Italya. Noong Abril, si Hitler ay naglunsad ng pananakop sa Yugoslavia na mabilis na sinundan ng pagsakop sa Gresya. Noong Mayo, ang mga puwersang Aleman ay ipinadala upang suportahan ang mga rebeldeng Iraqi na lumalaban sa Britanya at upang sakupin ang Crete. Noong Mayo 23, inilabas ni Hitlert ang direktiba ng Führer bilang 30.

Ang isang malaking debateng historikal tungkol sa mga patakarang pandayuhan ni Hitler bago ang digmaan noong 1939 ay sumesentro sa dalawang magkasalungat na paliwanag. Ang isa ay ang paliwanag ng Marxistang historyang si Timothy Mason na nagmungkahing ang straktural na krisis ng ekonomiya ang nagtulak kay Hiler sa isang "pagtakas sa digmaan" samantalang sa isa pang paliwanag ng mga historyan na sina William Carr, Gerhard Weinberg at Ian Kershaw, ang hindi dahilang ekonomiko ng pagmamadali sa digmaan ni Hitler ang morbidong at obsesibong takot sa maagang kamatayan at ang pakiramdan na wala na siyang mahabang panahon upang isakatuparan ang kaniyang gagawin.

Landas tungo sa pagkatalo

Noong 22 Hunyo 1941, sa paglabag sa Hitler-Stalin na kasunduan ng kawalang agresyon noong 1939, tatlong milyong tropa (troops) ng Alemanya ang umatake sa Unyong Soviet sa Operasyong Barbarossa. Ang pagsakop na ito ay sumunggab sa isang napakalaking area (sakop) kabilang ang mga estado ng Baltic, Belarus at Ukraine. Gayunpaman, ang pagsulong ng Aleman ay napigilan sa mabangis na paglaban ng Soviet.

Ang ilang historyan gaya ni Andreas Hillgruber ay nangatwirang ang Operasyon Barbarossa ay isa lamang yugto ng Stufenplan (pahakbang na plano) ni Hitler sa pagsakop ng buong mundo na isina-pormula ni Hitler noong 1920. Ang iba gaya ni John Lukacs ay nagmungkahing si Hitler ay walang Stufenplan at ang pagsakop sa Unyong Soviet ay hindi pinlano bilang tugon sa pagtanggi ng Britanya na sumuko. Ikinatwiran din ni Lukacs na si Winston Churchill ay umasang ang Unyong Soviet ay papasok sa digmaan para sa panig ng mga Allies. Upang wasakin ang pag-asang ito at puwersahin ang pagsuko ng Britanya, sinimulan ni Hitler ang Operasyong Barbarossa. Sa kabilang dako, si Klaus Hildebrand ay nandigang si Joseph Stalin at Hitler ay nagplanong atakihin ang bawat isa noong 1941. Ang mga konsentrasyon ng mga tropang Soviet sa kanlurang hangganan ng Alemanya noong tagsibol nang 1941 ay maaaring nagtulak kay Hitler sa isang Flucht nach vorn ("flight forward") upang manguna sa hindi maiiwasang labanan. Ayon naman kina Viktor Suvorov, Ernst Topitsch, Joachim Hoffmann, Ernst Nolte, at David Irving, ang opisyal na ibinigay ng hukbong Aleman para sa Operasyong Barbarossa ang tunay na dahilan: ito ay isang digmaang paghadlang upang maiwasan ang paparating na pag-atake ng Soviet na plinano para sa Hulyo 1941. Gayunpaman, ang teoriyang ito ay binatikos. Ang Amerikanong historyan na si Gerhard Weinberg ay minsang kumompara sa mga tagataguyod ng teoriya ng paghadlang na digmaan sa mga naniniwala sa mga kuwentong-bibit.

Ang pinakamahusay na pagsakop ng Wehrmacht ng Alemanya sa Unyong Soviet ay naganap noong 2 Disyembre 1941 nang ang dibisyong ika-258 na inpantriya (infantry) ay sumulong sa 15 milya na malapit sa Moscow na sapat na malapit upang makita ang mga spiro (spire) ng Kremlin. Gayunpaman, ang mga ito ay hindi handa sa malupit na kondisyon ng tagginaw sa Russia kaya ang ang mga tropang Aleman ay napaurong ng 320 kilometro ng mga puwersang Soviet.

Noong 7 Disyembre 1941, inatake ng Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii. Pagkatapos ng apat na araw, ang pormal na deklarasyon ni Hitler ng pakikidigma laban sa Estados Unidos ay opisyal na naglahok sa kaniya sa digmaan sa koalisyon ng Allies na kinabibilangan ng pinakamalaking imperyo sa mundo (nang panahong ito) na Imperyong Britaniko, ng pinakadakilang industriyal at pinansiyal na kapangyarihan sa mundo na Estados Unidos at pinakamalaking hukbo sa mundo na Unyong Soviet.

Noong 18 Disyembre 1941, si Himmler ay nakipagkita kay Hitler at bilang tugon sa tanong ni Himmler na "Anong gagawin sa mga Hudyo sa Russia?", si Hitler ay sumagot na "als Partisanen auszurotten" ("lipulin sila bilang mga partisan"). Ang historyang Israeli na si Yehuda Bauer ay nagkomentong ang tugong ito ni Hitler ang malamang na pinakamalapit na makukuha ng mga historyang ng depinitibong utos mula kay Hitler ng genocide sa mga Hudyo na isinagawa noong holocaust.

Sa huli nang 1942, ang mga puwersang Aleman ay natalo sa ikalawang laban sa El Alamein na nagpigil sa mga plano ni Hitler na kamkamin ang Suez Canal at ang Gitnang Silangan. Noong Pebrero 1943, ang Laban sa Stalingrad ay nagwakas sa pagwasak ng ika-anim na Hukbong Aleman. Pagkatapos nito ay dumating ang Labanan sa Kursk. Ang mga pagpapasyang militar ni Hitler sa panahong ito ay lalong nagiging eratiko (paiba-iba) at ang ekonomiko at militar na posisyon ng Alemanya ay lumubha kasama ang kalusugan ni Hitler. Si Ian Kershaw at ang iba ay naniniwalang si Hitler ay dumanas ng sakit na Parkinson. Ang syphilis ay pinagsuspetsahan rin na isa sa mga dahilan ng ilan sa kaniyang mga sintomas.

Kasunod ng pagsakop ng mga allies sa Sicily (Operasyong Husky) noong 1943, si Mussolini ay pinatapon ni Pietro Badoglio na sumuko sa mga Allies. Sa buong 1943 at 1944, matatag na napaurong ng Unyong Soviet ang mga hukbo ni Hitler sa kahabaan ng Silangang Pronta. Noong 6 Hunyo 1944, ang mga hukbo ng Kanlurang Allies ay lumapag sa hilagang Pransiya na pinakamalaking operasyong naganap sa parehong dagat at lupa na tinatawag na Operation Overload. Bilang resulta ng mga malalaking dagok na ito sa Alemanya, marami sa mga opiser ni Hitler ang naghinuhang ang pagkatalo ay hindi na maiiwasan at ang maling mga pagpapasya ni Hitler o pagtanggi nito ay lubhang magpapatagal ng digmaan at magreresulta sa kumpletong pagkawasak ng Alemanya. Ang ilang mga kilalang pagtatangkang asasinasyon kay Hitler ay naganap sa panhong ito.

Pagtatangkang asasinasyon kay Hitler

Ang nawasak na Wolfsschanze sa pagtatangkang asasinasyon kay Hitler noong 20 Hulyo 1944

Sa pagitan ng 1939–1945, may 17 pagtatangka o planong pagpatay kay Hitler. Ang pinakakilala nito ay nangyari sa loob ng Alemanya at ang nagtulak dito ay sa isang bahagi ang papalaking prospekto ng pagkakatalo ng Alemanya sa digmaan.

Noong Hulyo 1944, sa Operasyong Valkyrie, si Claus von Stauffenberg ay nagtanim ng bomba sa punongkwarter (headquarters) ni Hitler na Wolfsschanze (Kuta ng Lobo) sa Rastenburg. Si Hitler ay bahagyang nakaligtas sa pagtatangkang ito dahil sa may nakapagtulak ng hindi alam ng lalagyan ng papeles (briefcase) na naglalaman ng bomba sa likod ng isang binti ng isang napakabigat ng tablang pangkumperensiya. Nang sumabog ang bomba, ang tabla ang sumapo ng halos lahat ng pagsabog mula kay Hitler. Dahil dito, si Hitler ay nagutos ng isang mabangis na paghihiganti na nagresulta sa eksekusyon (pagpatay) ng higit sa 4,900 katao.

Pagkatalo sa digmaan at kamatayan

Sa huli ng 1944, pinaurong ng Pulang Hukbo ang hukbo ng Alemany sa kanlurang Europa at ang Kanlurang Alyado naman ay sumusulong sa Alemanya. Pagkatapos ipagbigay alam kay hitler ang magkakambal na pagkatalo sa Operasyong Wacht am Rhein at Operasyong Nordwind sa kaniyang Opensibong Ardennes sa kaniyang komandong kompleks na Adlerhorst, natanto ni Hitler na ang Alemanya ay malapit ng matalo sa digmaan. Gayunpaman, hindi niya pinayagan ang pagsuko ng kaniyang mga hukbo. Ang pag-asa ni Hitler na pinagaan ng kamatayan ng presidente ng Estados Unidos na si Franklin D. Roosevelt noong 12 Abril 1945 ay makipag-areglo ng kapayapaan sa Amerika at Britanya. Dahil sa kaniyang pananaw na ang kabiguan ng militar ng Alemanya ay nagalis ng karapatan sa Alemanya na makaahon sa digman, kaniyang inutos ang pagwasak sa lahat ng industriyal na inprakstraktura ng Alemanya bago it mahulog sa kamay ng mga Alyado. Ang pagsasagawa ng pagsunog na ito ay ipinagkatiwala ni Hitler sa kalihim ng armas na si Albert Speer na tahimik naman sumuway sa utos ni Hitler.

Noong 20 Abril 1945, ipinagdiwang ni Hitler ang kaniyang ika-56 kaarawan sa Führerbunker ("Führer's shelter") sa ilalim ng Reichskanzlei (Kansilyerya ng Reich). Ang komander ng garison ng sinalakay na Festung Breslau ("fortress Breslau") na si Heneral Hermann Niehoff ay namahagi ng mga tsokolate sa kaniyang mga tropa (troops) upang parangalan ang kaarawan ni Hitler.

Noong Abril 21, ang unang Belorusyanong Pronta ni Georgi Zhukov ay nagbasag sa huling mga depensa ng pangkat hukbo ng Alemang Heneral na si Gotthard Heinrici's Army Group Vistula sa Labanan ng Seelow. Dahil sa hinarap na kaunting pagharang ng Alemanya, ang mga Soviet ay sumulong sa labas ng bayan ng Berlin. Sa pagtanggi sa papalapit na malubhang sitwasyon, inilagay ni Hitler ang kaniyang pag-asa sa mga unit na pinangangasiwaan ng Heneral ng Waffen SS na si Felix Steiner na tinatawag na Armeeabteilung Steiner ("Army Detachment Steiner"). Bagaman ang "Army Detachment Steiner" ay mas malaki sa isang pulutong (corps), ito ay mas maliit sa isang hukbo (army). Inutusan ni Hitler si Steiner na salakayin ang hilagang gilid ng salyente (salient) na binubuo ng unang prontang belorusyano ni Zhukov. Kasabay nito, ang ika-siyam na hukbo ng Alemanya na napaurong sa timog ng salyento ay inutusang sumalakay papahilaga sa isang atakeng pinser.

Sa gabi ng Abril 21, si Gotthard Heinrici ay tumawag Hans Krebs na hepe ng Oberkommando des Heeres (Supreme Command of the Army or OKH) upang ipaalam sa kaniya na ang planong depensa ni Hitler ay hindi maisasagawa. Sinabi ito ni Heinrici kay Krebs upang idiin kay HItler ang pangangailangang pag-urong ng ika-siyam na hukbong Aleman sa posisyon nito.

Noong Abril 22, sa isang militar na kumperensiya, itinanong ni Hitler ang tungkol sa opensibo ni Steiner. Pagtapos ng matagal na pananahimik, si Hitler ay sinabihang ang pagsalakay ay hindi naisagawa at ang mga Rusyano ay nakapasok na sa Berlin. Eto ay nagtulak kay Hitler upang paalisin ang lahat ng nasa kwarto maliban kina Wilhelm Keitel, Hans Krebs, Alfred Jodl, Wilhelm Burgdorf, at Martin Bormann Si Hitler ay naglunsad naman ng mga tirada sa kataksilan at pagkainutil ng kaniyang mga komander na humantong sa pagdedeklara ni Hitler sa kauna unahang pagkakataon na ang Alemanya ay talo na sa digmaan. Inihayag din ni Hitler na siya ay mananatili sa Berlin upang pangasiwaan ang pagtatanggol ng siyudad at pagbabaril sa kaniyang sarili.

Bago magwakas ang araw, si Hitler ay muling nakatagpo ng panibagong pag-asa sa isang bagong plano na kinabibilangan ng ika-labindalawang hukbo ni Heneral Walther Wenck. Ang planong ito ay nagtutulak sa hukbo ni Wenck na kasalukuyang nakaharap sa mga Amerikano sa kanluran na sumalakay papasilangan upang tulungan ang Berlin. Ang ika-labindalawang hukbo ay makikipag-ugnayan sa ika-siyam na hukbo at pumasok sa siyudad ng Berlin. Si Wenck ay nakasalakay at gumawa ng pansamantalang ugnayan sa garisong Potsdam ngunit ang pakikipag-ugnayan sa ika-siyam na hukbo ay hindi naging matagumpay.

Noong Abril 23, si Joseph Goebbels ay naghayag ng proklamasyon sa madla ng Berlin:

Tinatawagan ko kayong ipaglaban ang inyong siyudad. Lumaban kayo ng lahat ng meron kayo para sa kapakanan ng inyong mga asawa, mga anak, mga ina at mga magulang. Ang inyong armas ang magtatanggol sa lahat ng ating pinakaiingatan at ang lahat ng mga henerasyon na susunod sa atin. Maging mapagmalaki at matapan! Maging malikhain at matalino! Ang inyong Gauleiter ay nasa gitna ninyo. Siya at ang kanyang mga kasama ay mananatili sa gitna ninyo. Ang kanyang asawa at mga anak ay naririto rin. Siya na minsang sumakop sa siyudad na may 200 katao ay gagamitin ang lahat ng paraan upang paigtingin ang pagtatangol sa kabisera. Ang labanan para sa Berlin ay dapat maging hudyat ng pag-ahon ng buong bansa sa labanan...

Noon ding Abril 23, si Göring ay nagpadala ng telegrama mula sa Berchtesgaden sa Bavaria na nangangatwirang dahil si Hitler ay hiwalay na sa Berlin, siya ang dapat gumampan ng pamumuno ng Alemanya. Si Göring ay nagtakda ng panahon kung saan kaniyang ituturing na si Hitler ay wala ng kakayahan na mamuno. Si Hitler ay galit na tumugon sa pamamagitan ng pagpapadakip kay Göring at nang isulat niya ang kaniyang testamento noong 29 April, kaniyang inalis si Göring sa lahat ng mga posisyon ng gobyerno. Hinirang ni Hitler si Heneral der Artillerie Helmuth Weidling bilang komander ng Berlin Defence Area na nagpapalit Tenyente Heneral (Generalleutnant) Helmuth Reymann at Koronel (Oberst) Ernst Kaether. Hinirang din Hitler ang Waffen-SS Brigadeführer na si Wilhelm Mohnke na Labanang Komander ("Kommandant") para sa pagtatanggol ng distrito ng gobyerno (Zitadelle sector) na kinabibilangan ng Kansilyerya ng Reich at Führerbunker.

Noong Abril 27, ang Berlin ay tuluyan nang nawalay sa buong Alemanya. Habang ang mga puwersa ng Soviet ay papalapit, ang mga tagasunod ni Hitler ay humikayat sa kaniyang tumakas sa mga bundok ng Bavaria upang gumawa ng huling tropa (troop) na magtatanggol sa bansa. Gayunpaman, si Hitler ay determinado na mabuhay o mamatay sa kabisera ng Alemanya.

Noong Abril 28, natuklasan ni Hitler na si Himmler ay sinubukang talakaying ang mga termino ng pagsuko sa mga Kanlurang Alyado (sa pamamagitan ng diplomateng Swede na si Konde Folke Bernadotte). Iniutos ni Hitler ang pag-aresto kay Himler at pagbaril kay Hermann Fegelein na kinatawan ni Himmler sa punongkwarter ni Hitler sa Berlin. Ang nagdagdag pa sa problema ni Hitler ang ulat ni Wenck na ang kaniyang ika-labindalawang hukbo ay napilitang umurong sa kabuuan ng pronta at ang kaniyang mga puwersa ay hindi na matutulungan ang Berlin.

Pagkatapos ng hatinggabi ng Abril 29, pinakasalan ni Hitler si Eva Braun sa isang maliit na sibil na seremonya sa isang mapang kwarto sa loob ng Führerbunker. Sinabi ni Antony Beevor na pagkatapos magdaos ng isang simpleng agahang kasal sa kaniyang bagong asawa, dinala ni Hitler ang kaniyang kalihim sa isang kwarto at idinikta ang kaniyang huling nais at testamento. Nilagdaan ni Hitler ang mga dokumentong ito ng alas-kwatro ng madaling araw. Ang pangyayari ay nasaksihan at ang mga dokumento ay nilagdaan nina Hans Krebs, Wilhelm Burgdorf, Joseph Goebbels, at Martin Bormann. Pagkatapos nito, si Hitler ay natulog na. Nang katanghalian, ipinagbigay alam kay Hitler ang asasinasyon ng Italyanong diktador na siBenito Mussolini na ipinagpalagay na nagpalaki ng determinasyon ni Hitler na umiwas sa pagkakahuli.

Kamatayan ni Hitler

Harapang pahina ng diyaryo ng Puwersang Hukbo ng Estados Unidos na "Stars and Stripes" noong 2 Mayo 1945

Noong 30 Abril 1945, pagkatapos ng isang matinding labanan sa mga kalye at nang ang Soviet ay nasa isa o dalawang bloke na ng Kansilyerya ng Reich, si Hitler at ang kaniyang asawang si Eva Braun ay nagpatiwakal. Si Braun ay kumain ng kapsula ng siyanuro samantalang si Hitler ay nagbaril sa sarili gamit ang isang 7.65 mm Walther PPK pistol. Sa iba't ibang pagkakataon, si Hitler ay nag-isip na magpakamatay. Ang Walther ang parehong pistol na ginamit ng kaniyang pamangking babaeng si Geli Raubal sa pagpapatiwakal nito noong 1931. Ang mga walang buhay na katawan ni Hitler at Braun ay dinala sa itaas ng gusali sa pamamagitan ng emerhensiyang panlabas sa binombang hardin sa likod ng Kansilyerya ng Reich kung saan sila inilagay sa isang bunganga na sanhi ng pagbomba. Ang mga labi nila ay binuhusan ng petrol at sinunog habang ang Pulang Hukbo ay papasulong at ang pambobomba ay nagpapatuloy.

Noong Mayo 2, ang Berlin ay sumuko. May magkakasalungat na salaysay kung ano ang nangyari sa mga labi ni Hitler. Ang mga tala sa arkibo ng Soviet na nakuha pagkatapos bumagsak ang Union ng Soviet ay nagpapakitang ang mga labi ni Hitler, Braun, Joseph at Magda Goebbels, ang anim na anak ni Goebbels, Hans Krebs, at mga aso ni Hitler ay muling hinukay.

Mga paniniwalang relihiyoso ni Hitler

Mga pahayag bilang isang Kristiyano

Si Hitler kasama si Cesare Orsenigo noong 1935. Si Cesare Orsenigo ang Apostolic Nuncio ng Romano Katolika sa Alemanya mula 1930 hanggang 1945. Si Orsenigo rin ang direktang ugnayang diplomatiko sa pagitan nina Papa Pius XI at Papa Pius XII at ng rehimeng Nazi. Si Orsenigo bilang nuncio ay palaging tumatangging mamagitan sa paglipol ng Nazi sa mga Hudyo noong Holocaust
Si Orsenigo kasama sina Hitler at Joachim von Ribbentrop na kalihim pandayuhan ng Nazi. Pagkatapos ng konklusyon ng Reichskonkordat noong 20 Hulyo 1933, hinikayat ni Orsenigo ang mga Alemang obispong Katoliko na suportahan ang rehimeng Nazi.[4]

Sa mga publikong pahayag ni Hitler lalo sa simula ng kaniyang pamumuno, si Hitler ay palaging nagsasalita ng positibo tungkol sa Kristiyanong kulturang Aleman at sa kaniyang paniniwala sa isang Aryan na kristo.[5]

Noong Nobyembre 1936, ang prelate ng Romano Katolika na si Michael von Faulhaber ay nakipagkita kay Hitler sa Berghof para isang tatlong oras na pagpupulong. Lumisan sa pagpupulong si von Faulhaber na nakumbinsing "si Hitler ay napakalalim na relihiyoso" at ang "Kansilyer ng Reich ay walang dudang nabubuhay sa paniniwala sa diyos. kaniyang nakilala na ang Kristiyanismo ang tagapagtatag ng kulturang Kanluranin".[6]

Ayon sa pangunahing arkitekto ni Hitler na si Albert Speer, si Hitler ay nanatiling pormal na kasapi ng Simbahang Katolika hanggang sa kaniyang kamatayan at kaniya pang inutos sa kaniyang mga pangunahing kasama na manatiling mga kasapi nito.[7] Ayon sa biograper na si John Toland, si Hitler ay nanatiling "isang kasapi na may magandang katayuan sa simbahan at Roma bagaman kaniyang kinamuhian ang hierarka nito. kaniyang dinala ang kaniyang sarili sa mga katuruan nito na ang mga Hudyo ang pumatay ng diyos. Kaya ang paglipol ng mga Hudyo ay maisasagawa nang walang kirot ng konsiyensiya dahil siya ay tanging nagsisilbing tagapaghiganti ng kamay ng diyos basta ito ay ginawa ng hindi personal at walang kalupitan.[8]

Sa kaniyang pangangatwiran sa pagiging marahas ng Nazi, si Hitler ay kumuha ng paghahalintulad sa pagitan ng militantismo at ng pag-ahon ng kristiyanismo sa kapangyarihan bilang opisyal na relihiyon ng estado ng imperyo Romano.[9]

Sa kaniyang aklat na Mein Kampf, isinulat ni Hitler na:

Kaya ngayong araw, ako ay umaasal ayon sa kalooban ng Makapangyarihan sa lahat na May lalang: sa pamamagitan ng pagtatanggol sa aking sarili laban sa Hudyo, ako ay nakikipaglaban para sa gawain ng Panginoon.[10]

Sa isang panahon, itinaguyod ni Hitler ang isang positibong kristiyanismo na isang militante at hindi denominasyonal na anyo ng kristiyanismo na nagbibigay diin kay kristo bilang isang aktibong mangangaral, tagapangasiwa at manlalaban na tumutol sa naitatag na Hudaismo noong kaniyang kapanahunan.[11] Ang positibong kristiyano ay naglinis at nag-alis diin sa mga aspetong Hudyo ng kristiyano at hinaluan ng mga aspeto ng nasyonalismo at panlahing antisemitismo. Itinuring ni Hitler si hesus bilang kalabang Aryan ng mga Hudyo.[12] Para kay Hitler, ang tradisyonal na kristiyanismo ay isang korupsiyon ng apostol na si Pablo ng mga orihinal na ideya ni Hesus.[13] Sa Mein Kampf, isinulat ni Hitler na si Hesus ay:

"hindi isinikreto ang kanyang saloobin sa mga Hudyo at nang kinailangan ay kumuha ng latigo upang ipagtabuyan mula sa templo ang kalabang ito ng buong sangkatauhan na noon ay palaging nakikita sa relihiyon ang kawalan ngunit bilang instrumento sa pag-iral ng kanyang negosyo. Bilang kapalit, si Hesus ay ipinako sa krus.[14]

Sa talumpati ni Hitler noong 26 Hunyo 1934, isinaad ni Hitler na:

Ang Nazi ay naghahayag ng katapatan sa positibong kristiyanismo. Magiging tapat na hinahangad nito na protektahan ang parehong dakilang mga Konpesyong Kristyano sa mga karapatan nito, upang ingatan ito mula sa panghihimasok sa mga doktrina nito (Lehren) at sa kanilang mga tungkulin na bumuo ng pagkakaisa sa mga pananaw at mga pangangailangan ng estado sa kasalukuyan.

Ang historyan na si Steigmann-Gall ay nangatwirang si Hitler ay nagpakita ng preperensiya sa Protestantismo kesa sa Katolisismo dahil ang protestantismo ay pwedeng muling pakahulugan gayundin ang mga hindi tradisyonal na pagbasa nito at ito ay mas makakatanggap sa positibong Kristiyanismo dahil ang ilan sa mga liberal na sangay nito ay may parehong mga paniniwala. Ang mga pananaw nito ay sinuportahan ng Alemang Kilusang Kristiyano ngunit itinakwil ng Kumukumpisal na simbahan. Ayon kay Steigmann-Gall, si Hitler ay nagsisi na ang "mga simbahan ay nabigong suportahan siya at ang kaniyang kilusan gaya ng kaniyang inaasahan. Isinaad ni Hitler kay Albert Speer na "sa pamamagitan ko, ang simbahang protestante ang magiging itinatag na simbahang pang estado gaya ng sa Inglatera".

Martin Luther

Ang nananaig na pananaw ng mga historyan ay ang anti-Hudyong retorika ni Martin Luther ay malaking nag-ambag sa pagpapaunlad ng antisemitismo sa Alemanya[15] at noong mga 1930 at 1940 ay nagbigay ng isang kanais-nais na saligan para sa mga pag-atake ng Partidong Nazi sa mga Hudyo.[16] Sa kaniyang Mein Kampf, tinawag ni Hitler si Martin Luther na isang dakilang mandirigma, tunay na politiko at isang dakilang repormer kasama nina Richard Wagner at Frederick the Great.[17] Ayon kay Michael, ang bawat anumang mga aklat na anti-Hudyo na inilimbag ng Ikatlong Reich ng Nazi ay naglalaman ng mga sanggunian at mga sipi mula kay Martin Luther. Ikinatwiran ni Diarmaid MacCulloch na ang pampleto ni Luther noong 1543 na Tungkol sa mga Hudyo at Kanilang Kasinungalingan ang "blueprint" para sa Kristallnacht.[18] Sa sandaling pagkatapos ng Kristallnacht, si Obispo Martin Sasse na nangungunang ministrong Protestante ay naglimbag ng isang kompendiyum ng mga kasulatan ni Martin Luther. kaniyang pinuri ang pagsusunog ng mga sinagoga at ang koinsidensiya nito sa kaarawan ni Luther. kaniyang isinaad na "Noong 10 Nobyembre 1938, sa kaarawan ni Luther, ang mga sinagoga ay nasusunog sa Alemanya". kaniyang hinimok ang mga Aleman na pakinggan ang mga salita "ng pinakadakilang anti-Semita ng kaniyang panahon at taga-babala ng kaniyang mga tao laban sa mga Hudyo".[19] Noong 1940, sumulat ng may paghanga si Heinrich Himmler tungkol sa mga kasulatan at sermon ni Martin Luther tungkol sa mga Hudyo. Ang siyudad ng Nuremberg ay nagtanghal ng isang unang edisyon ng Tungkol sa mga Hudyo at Kanilang mga Kasinungalingan ni Luther kay Julius Streicher na editor ng diyaryong Nazi na Der Stürmer sa kaniyang kaarawan noong 1937. Inilarawan ito ng diyaryo na pinaka-radikal na antisemitikong trakto na kailanman ay inilimbag.[20] Ito ay pampublikong itinanghal sa isang kahang salamin sa mga rally ng Nuremberg at sinipi sa isang 54 pahinang paliwanag ng Batas na Aryan nina Dr. E.H. Schulz and Dr. R. Frercks.[kailangan ng sanggunian] Noong 17 Disyembre 1941, ang pitong mga pang-rehiyong simbahang Lutherano ay nag-isyu ng pahayag na umaayon sa patakaran ng pamumwersa sa mga Hudyo na magsuot ng dilaw na tsapa "dahil mula sa kaniyang mapait na karanasan, malakas na iminungkahi ni Luther ang mga pag-iwas na mga aksiyon laban sa mga Hudyo at ang kanilang pagpapatalsik mula sa teritoryong Aleman.

Mga pahayag laban sa mga Hudyo

Nakita ni Hitler ang Hudyo bilang mga kaaway ng lahat ng sibilisasyon at materialistiko, na mga hindi spiritwal na mga nilalang. kaniyang isinulat sa Mein Kampf ang Hudyo na:

Ang kanyang buhay ay tanging sa mundo lamang at ang kanyang espiritu ay sa panloob dayuhan sa tunay na Kristiyanismo gaya ng kanyang kalikasan dalawang libong taon na ang nakalilipas sa dakilang tagapagtatag ng bagong doktrina."

Inilarawan din ni Hitler ang kaniyang mandato o kautusan mula sa diyos para sa kaniyang antisemitismo:

Kaya ngayong araw, ako ay naniniwalang ako ay umaasal ayon sa kalooban ng Makapangyarihan sa Lahat na Manlalalang: sa pamamagitan ng pagtatanggol sa aking sarili laban sa mga Hudyo, ako ay nakikipaglaban para sa gawain ng Panginoon."[21]

Ang dating punong ministro ng Bavaria na si Count Graf von Lerchenfeld-Köfering ay nagsaad sa isang talumpati sa harap ng Landtag ng Bavaria na ang kaniyang mga paniniwala bilang "isang tao at isang kristiyano" ay pumigil sa kaniya na maging antisemitiko o sa paghahangad ng mga patakarang antisemitiko. Si Hitler habang nagsasalita sa Bürgerbräukeller ay iniba ang perspektibo ni Lerchenfeld tungkol kay Hesus:

Gusto kong umapela rito sa mas dakila sa aking si Count Lerchenfeld. Kanyang sinabi noong huling sesyon ng Landtag na ang kanyang pakiramdam bilang 'isang tao at isang kristiyano' ang pumigil sa kanya bilang isang antisemitiko. Aking sasabihing: Ang aking pakiramdam bilang isang kristiyano ay nagtuturo sa akin sa aking Panginoon at tagapagligtas bilang manlalaban. Ito ay nagtuturo sa akin sa tao na minsan sa kalungkutan at napaligiran ng ilang mga tagasunod ay nakakilala sa mga Hudyong ito kung ano sila at hinikayat ang mga tao na labanan sila at siya, katotohanan ng diyos! ang pinakadakila hindi bilang tagadusa kundi bilang manlalaban. Sa walang hanggang pag-ibig bilang kristiyano at bilang isang tao, aking nabasa sa mga talatang nagsasabi kung paanong ang panginoon ay umaahon sa wakas at sa kanyang lakas ay sinunggaban ang latigo upang ipagtabuyan mula sa templo ang mga anak ng ulupong at ahas. Gaano ka-teripiko ang kanyang laban sa lason ng sangka-hudyohan. Ngayong araw, pagkalipas ng dalawang libong taon na may malalaim na emosyon, aking nakikilala ng higit na malalim kahit kailan sa harap ng katotohanan na para dito ay kanyang pinadanak ang kanyang dugo sa krus. Bilang kristiyano, wala akong tungkuluin na hayaan ang sarili kong madaya ngunit may tungkulin akong maging manalalaban ng katotohanan at hustisya.[22]

Mga pahayag laban sa ateismo

Palaging iniugnay ni Hitler ang ateismo sa bolshevismo, komunismo at sa Hudyong materialismo.[23] Isinaad ni Hitler sa isang talumpati sa mga mamamayan ng Stuttgart noong 15 Pebrero 1933 na:

Ngayong araw, sinasabi nilang ang kristiyanismo ay nanganganib, na ang pananampalatayang katoliko ay binantaan. Ang sagot ko sa kanila ay: sa kasalukuyang panahon, ang mga kristiyano at hindi ang mga internasyonal na ateista ang nakatayo sa harap ng Alemanya. Ako ay hindi lamang nagsasalita tungkol sa kristiyanismo. Aking ikinukumpisal na hindi ako makikipagkasundo sa mga partidong ang layunin ay wasakin ang kristiyanismo. Sa loob ng labing apat na taom, sila ay magkakabraso. Sa walang panahon na mas dakilang pinsalang nagawa sa kristiyanismo kesa sa mga taon nang ang mga partidong kristiyano ay namunong kasabay ng mga tumatanggi sa lubusang pag-iral ng diyos. Ang buong buhay kultural ng Alemanya ay nawasak at nadumihan nang mga panahong ito. Ating magiging trabaho na sunugin ang mga manipestasyong ng pagsadlak sa kababaan sa mga panitikan, teatro, paaralan at sa press-na sa buong kultura natin at upang burahin ang lason na kumakalat sa bawat aspeto ng ating mga buhay sa nakalipas na labing apat na mga taon.[24]

Sa isang pahayag sa radio noong 14 Oktubre 1933, isinaad ni Hitler na:

Sa loob ng walong buwan, kami ay nagsasagawa ng isang makabayaning paglaban laban sa bantang Komunismo sa ating Volk, ang pagguho ng ating kultura, ang pagkawasak ng ating sining at pagkalason ng ating pampublikong moralidad. Ating winakasan ang pagtanggi sa diyos at pang-aabuso sa relihiyon. Ating inuutangan ng loob ang May Kapal ng pagpapakumbabang pagpapasalamat sa hindi pagpayag sa ating pagkatalo laban sa pagdurusa ng kawalang trabaho at para sa kaligtasan ng mga magsasakang Aleman."

Sa isang talumpating inihayag ni Hitler sa Berlin noong 24 Oktubre 1933, isinaad ni Hitler na:

Tayo ay nahikayat na ang mga tao ay nangangailangan at dapat atasan ng pananampalatayang ito. Kaya ating isinagawa ang isang paglaban laban sa kilusang ateistikio at hindi lamang sa ilang mga teoretikal na paghahayag: ating dinurog ito."[25]

Sa isang talumpating ibinigay sa Koblenz noong 26 Agosto 1934, isinaad ni Hitler na:

Maaaring may panahong na kahit ang mga partidong itinatawag sa saligang pangsimbahan ay kinakailangan. Sa mga panahong ito, ang liberalismo ay tumututol sa simbahan samantalang ang Marxismo ay anti-relihiyon. Ngunit ang panahong ito ay nakaraan. Ang Nazi ay hindi tumututol sa simbahan o ito ay isang anti-relihiyon, ngunit sa kabaligtraran, ito ay nakatayo sa saligan ng tunay na Kristiyanismo. Ang mga interes ng simbahan ay hindi mabibigong umayon sa atin sa ating paglaban laban sa mga sintomas ng pagsadlak sa kababaan ng mundo ngayon, sa ating paglaban laban sa kulturang Bolshevista, paglaban laban sa kilusang ateista, laban sa kriminalidad at sa ating pakikibaka para sa kamalayan ng pamayanan sa ating pambansang buhay, para sa pagsakop ng poot at hindi pagkakaisa sa pagitan ng mga uri, para sa pagsakop ng sibil na digmaan at kaguluhan, ng alitan at kaguluhan. Ang mga ito ay hndi anti-kristiyano, ang mga ito ay mga prinsipyong Kristiyano."[26]

Habang nangyayari ang negosasyon na tumungo sa Nazi-Vatican Concordat noong 26 Abril 1933, ikinatwiran ni Hitler na ang:

Mga sekular na paaralan ay hindi kailanman papayagan dahil ang mga gayong paaralan ay walang pagtuturong panrelihiyon at ang isang pangkalahatan pagtuturo ng moralidad na walang saligang relihiyoso ay itinatag sa hangin. Sa dahilang ito, ang lahat ng pagsasanay pangkatangian at relihiyon ay dapat hanguin mula sa pananampalataya."[27]

Mga pahayag tungkol sa ibang mga relihiyon

Sa mga ibang relihiyon, inilarawan ni Hitler ang mga pinuno ng mga relihiyog gaya nina "Confucius, Buddha, at Muhammad" bilang tagapagbigay ng mga kabuhayang spiritual.[28]

Ayon kay Albert Speer na arkitekto ni Hitler, isinaad ni Hitler sa pribado na:

Ang relihiyong Mohammaedan ay mas katugma sa atin kesa sa Kristiyanismo. Bakit kailangang maging Kristiyanismo na may kapakumbabaan at karupukan?"[29]

Ang pagpili ni Hitler ng simbolong Swastika ng Hinduismo bilang opisyal na simbolo ng Nazi ay iniugnay sa kaniyang paniniwalang pinagmulang angkang Aryan ng mga Aleman. Kanilang itinuring na ang mga sinaunang Aryan ng India ang prototipikal na puting mananakop at ang swastika bilang simbolo ng pinunong lahing Aryan.[30]

Pahayag tungkol sa Diyos

Sa kaniyang paniniwala sa diyos, si Hitler ay hindi naniniwala sa isang "malayo at rasyonalistang diyos" kundi sa isang "aktibong diyos".[31]

Sa paniniwala ni Hitler, nilikha ng diyos ang mundo kung saan ang iba't ibang lahi ay naglalaban-laban para sa pagpapatuloy ng mga ito gaya ng inilarawan ni Arthur de Gobineau. Ang "lahing Aryan" na sinasabing tagapagdala ng sibilisasyon ay pinaglaanan ng espesyal na lugar:

Ang ating dapat paglabanan ang pag-iingat ng pag-iral at pagpaparami ng ating lahi...upang ang ating mga mamamayan ay lumago para sa katuparan ng misyong inalaan dito ng Manlalalang ng uniberso...Ang mga taong bumabastardo (anak sa labas) sa kanilang sarili o hinahayaan ang kanilang sarili na mabastardo ay nagkakasala laban sa kalooban ng walang hanggang May Lalang."[31]

Etnisidad ni Hitler

Mga biktima ng Holocaust ni Hitler.

Ayon sa mga eksperto ng henetika, si Hitler ay kabilang sa Y-DNA haplogrupong E1b1b na matatagpuan sa mga lahing Hudyo na kaniyang nilipol sa Holocaust.[32] Ayon sa dalubahasa ng henetika na si Ronny Decorte sa Katholieke Universiteit Leuven na nagsampol ng mga DNA mga kasalukuyang nabubuhay na kamag-anak ni Hitler, ang "mga resulta ng pag-aaral na ito ay nakagugulat" at "si Hitler ay hindi magiging masaya".[33][34] Ang kromosomang haplogrupong E1b1b1 na lumabas sa mga sampol ng DNA ng kamag-anak ni Hitler ay bihira sa Kanluraning Europa at pinakaraniwang matatagpuan sa mga Berber sa Morocco, Algeria at Tunisia sa Aprika gayundin sa mga Hudyong Ashkenazi at Sephardiko. Ito ay kumakatawan sa 8.5 porsiyento hanggang 30 porsiyento ng Sephardikong kromosomang-Y na lumalabas na isa sa pangunahing tagapagtatag ng lahing Hudyo.

Mga sanggunian

  1. Origin and Popularity of the Name "Adolph" Naka-arkibo 2007-01-29 sa Wayback Machine. thinkbabynames.com
  2. John Toland, Adolph Hitler, pp. 12-13.
  3. Bagamat si Hitler at Wittgenstein ay pumasok sa iisang paaralan, kakaunti ang katunayan na sila ay nagkakilala o nagkaroon ng kontakto. Nananatili ang katotohanan na isang interesanteng bagay na walang kabuluhan sa kabila ng libro ng Ingles na manunulat na si Kimberley Cornish na nagsasabing hidwaan sa pagitan ng batang Hitler at isang pangkat ng mga estudyanteng Hudyo kung saan si Wittgenstein ay kasapi ay isang kritikal na sandali sa paghuhugis ni Hitler bilang isang kontra-Semitang radikal. Basahin ang The Jew of Linz: Hitler, Wittgenstein and their secret battle for the mind (1999).
  4. Phayer, Michael. 2008. Pius XII, The Holocaust, and the Cold War. Indianapolis: Indiana University Press. ISBN 978-0-253-34930-9, p. 45.
  5. Heschel, Susannah (2008). The Aryan Jesus: Christian theologians and the Bible in Nazi Germany. Princeton: Princeton University Press, p. 8.
  6. Hitler, Ian Kershaw, p. 373, 2008, Penguin, ISBN 978-0-14-103588-8
  7. Albert Speer. (1997). Inside the Third Reich: Memoirs. New York: Simon and Schuster, p. 96.
  8. John Toland. (1976). Adolf Hitler: The Definitive Biography. New York: Anchor Books, p. 703.
  9. Hitler, Adolf (1969). Mein Kampf. McLeod, MN: Hutchinson, p. 562.
  10. Hitler, Adolf (1999) Mein Kampf. Trans. Ralph Manheim. New York: Mariner Books, p. 65.
  11. Stackelberg, Roderick (2007). The Routledge companion to Nazi Germany. New York: Routledge, p. 136.
  12. Steigmann-Gall 2003, pp. 257–260
  13. Trevor-Roper, Hugh (2007) Hitler's table talk, 1941-1944. New York: Enigma Books, p. 76.
  14. Hitler, Adolf (1998). Mein Kampf. Trans. Ralph Manheim. New York: Houghton Mifflin, p. 307.
  15. For similar views, see:
    • Berger, Ronald. Fathoming the Holocaust: A Social Problems Approach (New York: Aldine De Gruyter, 2002), 28.
    • Rose, Paul Lawrence. "Revolutionary Antisemitism in Germany from Kant to Wagner," (Princeton University Press, 1990), quoted in Berger, 28);
    • Shirer, William. The Rise and Fall of the Third Reich, (New York: Simon and Schuster, 1960).
    • Johnson, Paul. A History of the Jews (New York: HarperCollins Publishers, 1987), 242.
    • Poliakov, Leon. History of Anti-Semitism: From the Time of Christ to the Court Jews. (N.P.: University of Pennsylvania Press, 2003), 216.
    • Berenbaum, Michael. The World Must Know. (Baltimore: Johns Hopkins University Press and the United States Holocaust Memorial Museum, 1993, 2000), 8–9.
  16. Grunberger, Richard. The 12-Year Reich: A Social History of Nazi German 1933-1945 (NP:Holt, Rinehart and Winston, 1971), 465.
  17. Hitler, Adolf, Mein Kampf, Volume 1, Chapter VIII
  18. Diarmaid MacCulloch, Reformation: Europe's House Divided, 1490-1700. New York: Penguin Books Ltd, 2004, pp. 666-667.
  19. Bernd Nellessen, "Die schweigende Kirche: Katholiken und Judenverfolgung," in Büttner (ed), Die Deutschen und die Judenverfolgung im Dritten Reich, p. 265, cited in Daniel Goldhagen, Hitler's Willing Executioners (Vintage, 1997).
  20. Ellis, Marc H. [1] Naka-arkibo 2007-07-10 sa Wayback Machine.Hitler and the Holocaust, Christian Anti-Semitism", (NP: Baylor University Center for American and Jewish Studies, Spring 2004), Slide 14. [2]
  21. Adolf Hitler, Mein Kampf, Ralph Mannheim, ed., New York: Mariner Books, 1999, p. 65.
  22. Speech delivered at Munich 12 Abril 1922; from Norman H. Baynes, ed. (1942). The Speeches of Adolf Hitler: Abril 1922-Agosto 1939. Vol. 1. New York: Oxford University Press. p. 19.
  23. Norman H. Baynes, ed., The Speeches of Adolf Hitler, Abril 1922-Agosto 1939. Vol. 1. Oxford: Oxford University Press, 1942, pp. 240, 378, 386.
  24. Norman H. Baynes, ed., The Speeches of Adolf Hitler, Abril 1922-Agosto 1939. Vol. 1. Oxford: Oxford University Press, 1942, p. 240.
  25. Norman H. Baynes, ed., The Speeches of Adolf Hitler, Abril 1922-Agosto 1939. Vol. 1. Oxford: Oxford University Press, 1942, p. 378.
  26. Norman H. Baynes, ed., The Speeches of Adolf Hitler, Abril 1922-Agosto 1939. Vol. 1. Oxford: Oxford University Press, 1942, p. 386.
  27. Ernst Helmreich, The German Churches Under Hitler. Detroit: Wayne State Univ. Press, 1979, p. 241.
  28. Angebert, Jean-Michel (1974), The Occult and the Third Reich, Macmillan, ISBN 978-0-02-502150-1, p. 246
  29. Albert Speer (1 Abril 1997). Inside the Third Reich: memoirs. Simon and Schuster. pp. 96–. ISBN 978-0-684-82949-4. Nakuha noong 15 Setyembre 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Origins of the swastika". BBC. 2005-01-18. Nakuha noong 2008-04-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. 31.0 31.1 Steigmann-Gall 2003, p. 26
  32. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-07. Nakuha noong 2011-12-29.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Hitler verwant met Somaliërs, Berbers en Joden, De Standaard, Wednesday 18th Agosto 2010
  34. Hitler was verwant met Somaliërs, Berbers en Joden Naka-arkibo 2010-12-05 sa Wayback Machine. Knack, 18th Agosto 2010
Kembali kehalaman sebelumnya