Share to: share facebook share twitter share wa share telegram print page

Zionismong Kristiyano

Ang Zionismong Kristiyano ay ang paniniwala ng ilang mga Kristiyano na ang pagbabalik ng mga Hudyo sa Israel (Banal na Lupain) at ang pagkakatag ng Estado ng Israel noong 1948 ay umaayon sa Propesiya ng Bibliya. Sila ay naniniwala na ito ay prerekwisito sa ikalawang pagbabalik ni Hesus at isang pangunahing doktrina ngunit hindi eksklusibo sa pananaw na Dispensasyonalismong Kristiyano.

Kasaysayan

Ang suportang Kristiyano sa restorasyon ng mga Hudyo ay dinala sa Amerika ng mga Puritano na lumikas sa Inglatera. Sa mga panahon ng kolonya, ang ilan sa mga ito ay sina Increase Mather, John Cotton at Ezra Stiles. Ang pagbisita ni John Darby ang pumukaw sa kilusang dispensasyonalismo at revival na ebanghelikal. Ito ay inihayag sa Kumperensiya ng Bibliya sa Niagara noong 1878. Ang teolohiyang dispensasyonalista ni Darby ay inaangkin na pundasyon ng Zionismong Kristiyano sa Amerika. Sa Estados Unidos, ang dispensasyonalistang Kristiyano ay pinasikat ng ebanghelikal na si Cyrus Scofield (1843–1921). Inihayag ni Scofield noong mga 1900 na ang bibliya ay humuhula sa pagbabalik ng mga Hudyo sa banal na lupain. Hinulaan din ni Scofied na ang mga banal na lugar ng Islam ay wawasakin at ang Ikatlong Templo sa Herusalem ay itatayo. Si Charles Taze Russell na tagapagtatag ng Saksi ni Jehovah ang isa pang tagapagtaguyod ng Zionismo bagaman may ibang pananaw sa mga dispensasyonalita. Ang tycoon na si William Eugene Blackstone ay napukaw ng kumperensiya at naglimbag ng aklat na Jesus is Coming. Noong 1891, kanyang tinangkang impluwensiyahan si Presidente Benjamin Harrison para sa muling pagpapanumbalik ng mga Hudyo sa isang petisyon na nilagdaan ng higit sa mga 400 prominenteng Amerikano at nakilala bilang Blackstone Memorial.

Ang mga ideya ng restorasyon ng mga Hudyo sa Palestina o Lupain ng Israel ay pumasok sa publikong diskurso sa Britanya noong mga 1830 bagaman ang mga repormasyonistang British ay sumulat tungkol sa restorasyon ng mga Hudyo noon pang ika-16 siglo at ang ideya ay nagkaroon ng malakas na suporta sa mga Puritano.[1] Sa panghihimok ni Lord Shaftesbury, ang pamahalaan ng Britanya ay nagtatag ng konsulado sa Herusalem noong 1838 na unang diplomatikong paghirang sa Palestina. Noong 1839, ang Simbahan ng Scotland ay nagpadala kina Andrew Bonar, Robert Murray M'Cheyne, Alexander Black at Alexander Keith sa isang misyon upang mag-ulat sa kondisyon ng mga Hudyo sa kanilang lupain. Ang kanilang ulat ay malawak na inilimbag[2] at sinundan ng "Memorandum to Protestant Monarchs of Europe for the restoration of the Jews to Palestine." Noong Agosto 1840, ang The Times ay nag-ulat na ang pamahalaan ng Britanya ay nagsasaalang-alang ng pagpapanumbalik ng mga Hudyo.[1] Ang isang mahalaga bagaman palaging napapabayaan na pigura sa suportang British sa pagpapanumbalik ng mga Hudyo sa Israel ang Aleman na si William Hechler (1845–1931) na ministro ng simbahan at Chaplain ng Embahada ng Britanya sa Vienna at naging malapit na kaibigan ni Theodor Herzl. Si Hechler ay naging instrumento sa pagtulong kay Herzl sa pamamagitan ng kanyang mga gawain diplomatiko at sa kahulugang ito ay maaaring matawag na tagapagtatag ng Zionismong Kristiyanismo. Noong 1896, inilimbag ni Herzl ang Der Judenstaat (Ang Estado ng mga Hudyo) na nag-aalok ng kanyang bisyon sa isang hinaharap na estadong Hudyo at nang sumunod na taon ay nangasiwa sa Unang Kongresong Zionista. Sa kanyang aklat ni Defending Christian Zionism, ang prominenteng Zionistang Kristiyanong si David Pawson sa United Kingdom ay nagsulong ng kaso na ang pagbalik ng mga Hudyo sa Israel ay katuparan ng mga propesiya sa Bibliya at ang mga Kristiyano ay dapat sumuporta sa pag-iral ng estado ng Israel sa mga dahilang pang-teolohiya. Gayunpaman, kanyang binatikos ang dispensasyonalismo.

Mga pagtutol

Ibang mga Kristiyano

Ang Patriarkang Latin ng Herusalem (Katoliko), Patriarka ng Simbahang Ortodoksong Syrian at Evangelical Lutheran Church in Jordan and the Holy Land ay nagsama-sama upang ihayag at ilimbag ang Jerusalem Declaration on Christian Zionism (22 Agosto 2006) na nagtatakwil sa Zionismong Kristiyano sa paghahalili nito ng programang pampolitika-militar sa lugar ng mga katuruan ni Hesus.[3] Ang pahayag na ito ay napaka kritikal sa Zionismong Kristiyano dahil nakikita nito ang Zionismong Kristiyano na nagbibigay ng pananaw na ang ebanghelyo ay nauugnay sa ideolohiya ng imperyo, kolonyalismo at militarismo. Ang mga pinunong Kristiyano na Palestinina ay sumusuporta sa dokumentong "Kairos Palestine" na tumatawag para sa boycott ng Israel hanggang sa itigil nito ang mga pagsasanay nitong diskriminatoryo sa mga teritoryong Palestinian.[4]

Ang Pangkalahatang Asemblea ng National Council of Churches ay nagpatibay noong Nobyembre 2007 ng isang resolusyon para sa isang karagdagang pag-aaral na nagsasaad na ang pananaw na teolohikal ng Zionismong Krisityano ay hindi kanaisnais na nakakaapekto sa:

  • hustisya at kapayapaan sa Gitnang Silangan na nagpapaantala sa araw na ang mga Israeli at Palestinian ay mamuhay sa loob ng mga ligtas na mga hangganan.
  • mga relasyon sa mga Kristiyano ng Gitnang Silangan
  • mga relasyon sa mga Hudyo dahil ang mga Hudyo ay nakikita bilang mga pawn o minamanipula lamang ng isang skemang eskatolohikal ng mga Kristiyanong ito.
  • mga relasyon sa mga Muslim dahil tinatrato nito ang mga karapatan ng mga Muslim na mababa sa mga karapatan ng mga Hudyo
  • Dialogo sa pagitan ng mga pananampalataya dahil nakikita nito ang daigdig sa mga buong terminong dikotomoso.[5]

Natagpuan ng Reformed Church in America sa 2004 General Synod nito na : "ang ideolohiya ng Zionismong Kristiyano at ang sukdulang anyo ng dispensasyonalismo na basehan nito na isang pagliliko ng mensahe ng bibliya at ang harang na kinakatawan nito sa pagkakamit ng isang makatwirang kapayapaan sa Israel/Palestine."[6]

Ang Mennonite Church ay naglimbag ng isang artikular na nagrereperensiya sa patuloy na ilegal na pagsunggab sa karagdagang mga lupang Palestinian ng mga militanteng Israeli.[7][8][9]

Kabilang din sa mga simbahan sa Estados Unidos na bumabatikos sa Zionismong Kristiyano ang United Methodist Church, Presbyterian Church (USA), at ang United Church of Christ.[10]

Hudyo

Ang isa sa pangunahing dahilan ng pagtakwil ng mga relihiyosong Hudyo na Haredim sa Zionismo ang pag-aangkin na ang independiyensiyang pang politika ng mga Hudyo ay dapat lamang makamit sa pamamagitan ng interbensiyon ng diyos at sa pagdating ng mesiyas na Hudyo. Ang anumang pagtatangka na pwersahin ang kasaysayan ay nakikita ng mga ito na isang bukas na paghihimagsik laban sa Hudaismo.

Iba pa

Ang Zionismong Kristiyano ay itinuturing ng mga kritiko na isang uri ng propesiya na tumutupad sa sarili na isang hula na direkta o hindi direktang nagsasanhi sa sarili nito na magkatotoo. Sa politika ng Estados Unidos, ang Zionismong Kristiyano ay mahalaga dahil nagpapakilos ito sa mahalagang konstituensiya ng partidong Republican na mga pundamentalista at ebanghelikal na sumusuporta sa Israel. Ang Partidong Democratic na may suporta ng karamihan ng mga Hudyong Amerikano ay pangkalahatang pro-Israel ngunit may kaunting kasidhian at saligang teolohikal.

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 British Zionism - Support for Jewish Restoration (mideastweb.org)
  2. A Narrative of a Mission of Inquiry to the Jews from the Church of Scotland in 1839 (Edinburgh, 1842) ISBN 1-85792-258-1
  3. [1].
  4. http://www.kairospalestine.ps/
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-14. Nakuha noong 2012-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-16. Nakuha noong 2012-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Lebor, Adam (14 Oktubre 2007). "Over the Line". The New York Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The building of settlements in the occupied territories has always been illegal under international law and an obstacle to peace." Avi Shlaim, "A Betrayal of History" in The Guardian (22 Pebrero 2002, London), reprinted in The Other Israel (New York: The New Press 2002) at 45–50, 48. The author is professor of international relations at Oxford University.
  9. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-01-05. Nakuha noong 2012-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. *[patay na link]. Cf. [2] Naka-arkibo 2013-01-15 sa Wayback Machine..

Read other articles:

مرحلة خروج المغلوب في بطولة أمم أوروبا 1984 عبارة عن بطولة إقصائية فردية تضم الفرق الأربعة التي تأهلت من دور المجموعات في البطولة. كانت هناك جولتان من المباريات: مرحلة نصف نهائية تؤدي إلى المباراة النهائية لتحديد الأبطال. بدأت مرحلة خروج المغلوب بنصف النهائي يوم 23 يونيو وانته

 

Artikel ini sebatang kara, artinya tidak ada artikel lain yang memiliki pranala balik ke halaman ini.Bantulah menambah pranala ke artikel ini dari artikel yang berhubungan atau coba peralatan pencari pranala.Tag ini diberikan pada Maret 2016. SD Negeri Mangkubumen LorInformasiJenisSekolah NegeriKepala SekolahSri Purwaningtyas, M.Pd.Rentang kelasI - VIAlamatLokasiJl. Dr. Muwardi N0 42, Kota Surakarta, Jawa Tengah,  IndonesiaMoto SD Negeri Mangkubumen Lor, merupakan salah satu Sekolah...

 

Нетеча — термін, який має кілька значень. Ця сторінка значень містить посилання на статті про кожне з них.Якщо ви потрапили сюди за внутрішнім посиланням, будь ласка, поверніться та виправте його так, щоб воно вказувало безпосередньо на потрібну статтю.@ пошук посилань сам

مؤيد   تسمية الإناث وكيلة نيابة  فرع من محامٍ  المجال تطبيق القانون  تعديل مصدري - تعديل   المؤيد هو محترف في مجال القانون.[1] وتستخدم النظم القانونية لمختلف البلدان هذا المصطلح مع معان مختلفة إلى حد ما. يمكن أن يكون المعادل الواسع في العديد من الولايات القضائي

 

Desa KatuDesaPeta lokasi Desa Desa KatuNegara IndonesiaProvinsiSulawesi TengahKabupatenPosoKecamatanLore TengahKode pos94656Kode Kemendagri72.02.08.2006 Kode BPS7204041008Luas5.461,3 hektarJumlah penduduk537 jiwaJumlah RT6Jumlah KK126Situs web- Katu adalah sebuah desa di kecamatan Lore Tengah, Poso, Sulawesi Tengah, Indonesia. Katu bermakna sebagai tempat akhir bagi sebagian komunitas Behoa yang menjadi korban kolonialisme Belanda di dataran tinggi Poso pada 1908. Pada tahun 2023 pendudu...

 

Wagenlenker von Delphi, Archäologisches Museum Delphi Wagenlenker von Delphi wird eine der am besten erhaltenen originalen Bronzestatuen der griechischen Antike genannt. Die 1,80 Meter große Statue wurde 1896 im Apollonheiligtum von Delphi nahe dem Apollontempel gefunden. Sie befindet sich heute im Archäologischen Museum von Delphi. Die Statue wurde im Hohlgussverfahren hergestellt und aus sieben gesondert gegossenen Teilen zusammengefügt. Gefunden wurde sie in drei Teilen: Oberkörper sa...

هذه مقالة غير مراجعة. ينبغي أن يزال هذا القالب بعد أن يراجعها محرر مغاير للذي أنشأها؛ إذا لزم الأمر فيجب أن توسم المقالة بقوالب الصيانة المناسبة. يمكن أيضاً تقديم طلب لمراجعة المقالة في الصفحة المخصصة لذلك. (يوليو 2019) يفتقر محتوى هذه المقالة إلى الاستشهاد بمصادر. فضلاً، ساهم

 

American singer-songwriter (born 1978) Chris StapletonStapleton in 2019Background informationBirth nameChristopher Alvin StapletonBorn (1978-04-15) April 15, 1978 (age 45)Lexington, Kentucky, U.S.OriginNashville, Tennessee, U.S.Genres Country soul Southern rock bluegrass Occupation(s) Singer-songwriter musician record producer Instrument(s) Vocals guitar Years active2001−presentLabelsMercury NashvilleFormerly ofThe SteelDriversThe Jompson BrothersSpouse(s) Morgane Hayes ​(...

 

This article uses bare URLs, which are uninformative and vulnerable to link rot. Please consider converting them to full citations to ensure the article remains verifiable and maintains a consistent citation style. Several templates and tools are available to assist in formatting, such as reFill (documentation) and Citation bot (documentation). (August 2022) (Learn how and when to remove this template message) This article may contain an excessive amount of intricate detail that may interest ...

1981 single by Sister Sledge All American GirlsSingle by Sister Sledgefrom the album All American Girls B-sideHappy FeelingReleasedMarch 1981 (1981)Recorded1980Genre Disco R&B Pop LabelCotillion RecordsSongwriter(s) Allee Willis Joni Sledge Lisa Walden Producer(s)Narada Michael WaldenSister Sledge singles chronology Let's Go on Vacation (1980) All American Girls (1981) Next Time You'll Know (1981) All American Girls is a song by the American group Sister Sledge. It was originally rel...

 

American TV series or program The GridCreated byTracey AlexanderKen FriedmanDirected byMikael SalomonStarringDylan McDermottJulianna MarguliesTom SkerrittPiter MarekBernard HillJemma RedgraveJames RemarAlki DavidBarna MoriczSilas CarsonComposerRamin DjawadiCountry of originUnited StatesUnited KingdomOriginal languageEnglishNo. of series1No. of episodes6ProductionExecutive producersTracey AlexanderBrian EastmanRunning time44 minutesProduction companiesGroveland PicturesCarnival FilmsFox T...

 

Crime of stealing from a bank using violence Bank heist redirects here. For the video game, see Bank Heist (Atari 2600). Bank robber redirects here. For the film, see Bank Robber (film). This article has multiple issues. Please help improve it or discuss these issues on the talk page. (Learn how and when to remove these template messages) The examples and perspective in this article may not represent a worldwide view of the subject. You may improve this article, discuss the issue on the talk ...

2021 Bengali film This article has multiple issues. Please help improve it or discuss these issues on the talk page. (Learn how and when to remove these template messages) This article needs additional citations for verification. Please help improve this article by adding citations to reliable sources. Unsourced material may be challenged and removed.Find sources: Dictionary film – news · newspapers · books · scholar · JSTOR (February 2021) (Learn...

 

Chlamydia trachomatis C. trachomatis inclusion bodies (brown) in a McCoy cell culture. Klasifikasi ilmiah Kerajaan: Bacteria Filum: Chlamydiae Ordo: Chlamydiales Famili: Chlamydiaceae Genus: Chlamydia Spesies: C. trachomatis Nama binomial Chlamydia trachomatisBusacca, 1935 Chlamydia trachomatis adalah salah satu dari tiga spesies bakteri dalam genus Chlamydia, famili Chlamydiaceae, kelas Chlamydiae, filum Chlamydiae, domain Bacteria. C. trachomatis adalah agen chlamydial pertama yang dit...

 

Space Shuttle mockup Not to be confused with the Space Shuttle mockup at the Shuttle Landing Facility also named Inspiration[1]. 33°55′12.59″N 118°7′20.03″W / 33.9201639°N 118.1222306°W / 33.9201639; -118.1222306 InspirationCountry United StatesContract awardNorth American RockwellStatusIn storage Space Shuttle Inspiration is a full-scale Space Shuttle mockup built in 1972 by North American Rockwell. The plastic and wood model was made to promo...

Mathematical model in fluid dynamics An actuator disk accelerating a fluid flow from right to left In fluid dynamics, momentum theory or disk actuator theory is a theory describing a mathematical model of an ideal actuator disk, such as a propeller or helicopter rotor, by W.J.M. Rankine (1865),[1] Alfred George Greenhill (1888) and Robert Edmund Froude (1889).[2] The rotor is modeled as an infinitely thin disc, inducing a constant velocity along the axis of rotation. The basic...

 

Sumitomo Rubber Industries, Ltd. 住友ゴム工業株式会社JenisPublik K.K.Kode emitenTYO: 5110IndustriOtomotifDidirikan1909; 113 tahun lalu (1909)Kantorpusat3-6-9 Wakinohama-cho, Chuo-ku, Kobe, Hyogo 651-0072, JepangTokohkunciTetsuji Mino(Chairman)Satoru Yamamoto[1](Presiden dan CEO)ProdukBanProduk karet industrialPeralatan olahragaPendapatan JPY 877,8 milyar (FY 2017) (US$ 7,8 milyar) (FY 2017)Laba bersih JPY 46,9 milyar (FY 2017) (US$ 419 juta) (FY 2017)Karyawan36.650 (hin...

 

Subspecies of Golden Jackal Indian jackal Scientific classification Domain: Eukaryota Kingdom: Animalia Phylum: Chordata Class: Mammalia Order: Carnivora Family: Canidae Genus: Canis Species: C. aureus Subspecies: C. a. indicus Trinomial name Canis aureus indicusHodgson, 1833[1] Canis aureus indicus range (blue) The Indian jackal (Canis aureus indicus), also known as the Himalayan jackal, is a subspecies of golden jackal native to Pakistan, India, Bhutan, Burma and Nepal. It...

Western Australian digital television network This article is about the Australian television network. For other uses, see WDT. Not to be confused with West TV. WDW (TV station), VDW (TV station), GDW (TV station), and SDW (TV station) redirect here. For other uses of the WDW callsign, see WDW. For other uses of the VDW callsign, see VDW. For other uses of the GDW callsign, see GDW. For other uses of SDW, see SDW. WDTBunbury, Geraldton, Kalgoorlie, Regional and Remote Western Australia, Cocos...

 

Национальный олимпийский и спортивный комитет Центральноафриканской РеспубликиComité National Olympique et Sportif Centrafricain Членство МОК, АНОКА штаб-квартира  ЦАР, Банги, Boite postale 1541, Rue de Lakouanga Локация  ЦАР Тип организации Национальный олимпийский комитет Руководители Председатель...

 
Kembali kehalaman sebelumnya