Share to: share facebook share twitter share wa share telegram print page

Josias

Josias
Paghaharica. 640–609 BCE
Kapanganakanc. 648 BCE
Lugar ng kapanganakanpinaniniwalaang Herusalem
KamatayanTammuz ca. 609 BCE (edad 38–39)
Lugar ng kamatayanJerusalem
SinundanAmon ng Juda, ama
KahaliliJehoahaz ng Juda, anak
Konsorte kayZebuda
Hamutal
SuplingJohanan
Jehoiakim
Zedekiah
Jehoahaz
Bahay MaharlikaSambahayan ni David
AmaAmon ng Juda
InaJedidah

Si Josias (Hebrew : יֹאשִׁיָּהוּ, Yôšiyyāhû; Modernong Hebreo: יאשיהו ; Yoshiyyáhu, "pinagaling ni Yahweh") ay isang hari ng Kaharian ng Juda. Ayon sa Bibliya, itinatag ang malawak na reporma sa relihiyon na nagbabawal sa pagsamba ng ibang mga Diyos na sina Asherah at Ba'al maliban lamang kay Yahweh.

Kuwento ayon sa Bibliya

Sinuportahan ni Paraon Necho II ang humihinang Imperyong Neo-Asirya laban sa lumalakas na Babilonya at Medes. Noong 609 BCE, si Necho II ay nagmartsa sa Syria upang tulungan ang pinuno (tinawag na hari ngunit hindi pinangalanan sa Bibliya) ng Asirya na si Ashur-uballit II. Ayon sa 2 Hari 23, hinarang at pinilit ni Josias na hari ng Kaharian ng Juda na labanan si Neco II sa Megiddo kung saan pinatay ni Necho II si Josias. Ayon sa Tekstong Masoretiko ng 2 Hari 23:39, nilabanan ni Necho II ang hari ng Asirya. Dahil sa kamaliang ito, ito ay binago at ginawang "tinulungan ni Necho II ang hari ng Asirya" sa NIV. Ang mga hukbo ni Necho II at mga hukbo ng Asirya ay tumawid sa Ilog Eufrates upang bawiin ang Harran na itinatag ni Ashur-ubbalit II matapos bumagsak ang Nineveh sa magkasanib na puwersa ng Babilonya at Medes noong 612 BCE. Ang Asirya at Ehipto ay nabigo at umurong sa puwersang Babilonya at Medes na humantong sa pagtatapos ng Imperyong Neo-Asirya. Ayon sa 2 Hari, sa pagbalik ni Necho II sa Ehipto, pinalitan niya ang haring si Jehoahaz na anak ni Josias ng isa pang anak ni Josias na si Jehoiakim. Si Jehiakim ay naging isang basalyo ng Ehipto at nagbibigay ng tributo dito.(2 Hari 23:35). Nang matalo ang Ehipto ng Babilonya sa Labanan ng Carcemish noong 605 BCE, kinubkob ni Nabucodonosor II ang Herusalem na nagtulak kay Jehoiakim na lumipat ng katapatan tungo sa Babilonya at naging basalyo nito sa loob ng 3 taon. Nang mabigo ang mga Babilonyo na muling sakupin ang Ehipto, lumipat si Jehoiakim na katapatan tungo sa Ehipto. Noong 598 BCE, kinubkob ni Nabudonosor ang Herusalem sa loob ng 3 at si Jehoiakim ay tinakilaan upang dalhin ni Nabudonosor II sa Babilonya(2 Kronika 36:6) ngunit namatay at hinalinhan ng kanyang anak na si Jeconias. Pagkatapos ng 3 buwan sa ika-7 ni Nabucodonosor II sa buwan ng Kislev 598 BCE, ipinatapon ni Nabucodonosor si Jeconias at mga mamamayan ng Kaharian ng Juda sa Babilonya at nilagay na kapalit ni Jeconias si Zedekias na maging hari ng Kaharian ng Juda. Si Zedekias ay nag-alsa laban sa Babilonya at nakipag-alyansa sa Paraong si Apries. Dahil dito, kinubkob ni Nabudonosor II ang Juda na tumagal ng 30 buwan at pagkatapos ng 11 taong paghahari ni Zedekias, nagwagi si Nabudonosor II sa pananakop sa Juda kung saan pinatay ni Nabucodonosor II ang mga anak ni Zedekias at si Zedekias ay binulag at tinakilaan at dinala sa Babilonya kung saan siya naging bilanggo hanggang sa kanyang kamatayan(Jeremias 52:10-14). Ang Herusalem at Templo ni Solomon ay winasak ng mga Babilonyo noong ca. 587/586 BCE(Jer 52:13-14).Pagkatapos bumagsak ang hari ng Babilonya na si Nabonidus kay Dakilang Ciro noong ca. 539 BCE, pinabalik niya ang mga taga-Juda sa Herusalem at pinayagan ang mga ito na muling itayo ang templo ni Solomon noong 516 BCE. Ang Juda ay naging probinsiya ng Imperyong Persiya bilang Yehud Medinata. Ayon sa mga iskolar, dito napakilala at naimpluwensiyahan ng mga Persiyano at relhiiyong Zoroastrianismo ang mga Hudyo sa kanilang mga paniniwalang gaya ng mga anghel, demonyo, dualismo at mesiyas at tagapagligtas(Saoshyant).

Kasaysayang Deuteronomistiko

Si Josias ay pinaniniwalaan ng mga iskolar ng Bibliya na lumikha o nagpasulat ng mga kautusan ng Hudyo noong ika-7 siglo BCE na tinatawag ng mga iskolar na Kodigong Deuteronomio ( ayon sa mga iskolar ang Aklat ng Deuteronomio Kapitulo 12-26) . Ito ay batay sa 2 Hari 22:3-8:

Isinugo ni Haring Josias ang kanyang sekretaryong si Shapan anak ni Azalias sa Templo ng Panginoon...Sinabi ng Dakilang Saserdoteng si Hilikias kay Shaphan na sekretaryo, "Aking natagpuan ang Aklat ng Batas sa Templo ng Panginoon. Ibinigay niya ito kay Shaphan na bumasa dito.

Ayon sa 2 Hari 23:1-3

A tinawag ng hari (Josias) ang lahat ng mga matatanda ng Juda at Herusalem. Siya ay tumungo sa Templo ng Panginoon kasama ng mga lalake ng Juda, mga mamamayan ng Herusalem, mga sasaserdote at mga propeta, lahat mula sa maliliit hanggang sa pinakadakila. Kanyang binasa sa pakikinig ang lahat ng mga salia ng Aklat ng Tipan na natagpuan sa Templo ng Panginoon. At ang hari ay tumayo sa haligi at binago ang tipan sa harapan ng Panginoon-upang sundin ang Panginoon at kanyang mga utos, mga regulasyon, mga atas nang kanayang buong puso at kaluluwa at kaya ay nagpapatibay sa mga salita ng tipan na isinulat sa Aklat na ito. At ang lahat ng mga mamamayan ay nangako sa tipan.".

Maraming mga kautusan na natatangi sa Aklat ng Deuteronomio gaya ng pagbabawal ng paghahandog sa labas ng pinili ng Panginoon niyong Diyos(12:5) at pagkakaroon ng handog sa Paskuwa sa isang pambansang dambana (16:1-8). Salungat dito, ang ibang mga aklat ng Pentateuch ay tumutukoy sa mga dambana sa buong Israel nang walang pagkokondena. Ang parehong mga batas na ito ay unang nagpagmasdan lamang sa panahon ni Josias na nagbibigay ebidensiya na ang Deuteronomio ay isinulat sa panahon ni Josias(2 Kronika kapitulo 35).[1]

Ayon sa mga iskolar ang maagang mga anyo ng Aklat ng Deuteronomio na tinatawag na Kasaysayang Deuteronomistiko(Aklat ni Josue, Aklat ng mga Hukom, Mga Aklat ni Samuel, Mga Aklat ng mga Hari at karamihan ng mga panitikang propetiko(Aklat ni Isaias, Aklat ni Amos, Aklat ni Jeremias, Aklat ni Sofonias, Aklat ni Nahum) ay isinulat o inedit upang suportahan ang mga reporma ni Josias at upang ilarawan siya bilang isang matuwid na hari ng Juda.[2]

Ayon kay Martin Noth, ang may akda o isang pangkat ng mga may akda ng Kasaysayang Deuteronmistiko na isinulat mula ika-7 hanggang ika-5 siglo BCE nito ay isinulat ay upang ipaliwanag ang mga kamakailang pangyayari na pagbagsak ng Herusalem at pagpapatapon sa Babilonya ni Nabucodonosor II. Ang may akda nito ay naglalarawan kay Josue na isang dakilang hinirang ng Diyos, ang mga kuwento ng mga Hukom bilang isang siklo ng paghihimagsik at pagliligtas at ang kuwento sa Mga Aklat ng mga Hari na nagpapaliwanag sa pananakop ng mga dayuhan sa Israel at Juda at kalaunan ay ang pagkakawasak ng Templo ni Solomon at Herusalem ni Nabucodonosor II noong 586 BCE ay bilang kaparusahan ni Yahweh dahil pagsamba ng Israelita sa ibang mga Diyos maliban kay Yahweh.

Si Josias ay inilarawan sa 2 Hari 23:24-25

Sa karagdagan, inalis ni Josia ang mga medium at mga espirista, ang sambahayan ng mga Diyos, mga rebulto, at lahat ng mga kasuklamsuklam sa Juda at Herusalem. Ginagwa niya ito upang tuparin ang hinihingi ng batas na isinulat sa aklat na natuklasan ni Hilikias na saserdote sa Templo ng Panginon. Wala nauna kay Josias o pagkatapos niya ang isang hari tulad niya na bumalik sa Panginoon gaya ng ginawa niya nang kanyang buong puso at kanyang buong kaluluwa at ng kanyang lakas na naayon sa batas ni Moises.

Ito ay salungat sa 2 Hari 18:4-5 tungkol kay Hezekias

Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga haligi ng Diyosang si Asherah at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises; sapagka't hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel. Ito ay tinawag na Nehushtan. Si Hezekias ay nagtiwala sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Walang katulad niya sa lahat ng mga hari ng Kaharian ng Juda bago niya o sumunod sa kanya.

Ayon kay Hölscher, kinopya ng kalaunang editor ng 2 Hari ang 18:5 at nilapat ito kay Josias na inaayunan rin ng iskolar na si Weippert.

Kamatayan

Ayon sa 2 Hari 23:39, naharap ni Paraon Necho II si Josias sa Megiddo at pinatay siya. Ayon naman sa 2 Kronika 35:20-27, si Josia ay nakakamatay na sinugatan ng mga arkerong Ehipsiyo at dinala sa Herusalem kung saan siya namatay.

Mga sanggunian

Tingnan din

Kembali kehalaman sebelumnya